Hi! Ang ginamit kong picture ng bracelet ay mula sa Blue Nile online store (credits to them!).
[Kisses']
Tahimik kami ni Yong habang nakatitig sa papalubog na araw. Kasalukuyan kaming nasa roof top ng aming bahay. I was so grateful sa pagbisita niya. Ilang araw na rin akong magaling pero ganon pa rin ang pakiramdam ko. I'm not sick anymore pero sobrang tamlay pa rin ng pakiramdam ko. Wala man lang akong ganang kausapin ang kahit sinong bumibisita sakin. I always chose to be alone inside my room. Nakakaramdam lang ako ng kapayapaan whenever I was alone. Pero kasama ng kapayapaan na 'yon ay ang lungkot. I want to move forward but it was so hard. He's holding me back. No - it was me na nananatiling nakakapit sa kanya.
Parang na-su-suffocate na ako sa lungkot na nararamdaman ko. I need to breathe and Yong is like a breath of fresh air.
"I missed this." Sabi ko habang dinadama ang malamig na samyo ng hangin.
"Ako rin." Sabi ni Yong. "Nakakamiss ang simpleng buhay."
Natatawa akong tumingin sa kanya. "Simple life? Why? Hindi na ba simple ang buhay mo ngayon?" Muli kong binalik sa papalubog na araw ang aking tingin. Kusang bumukas ang ilaw sa paligid namin dahil sa papadilim na.
"Buhay ko? Ganoon pa rin. Pero 'yong sayo? Obviously, hindi na." Malamig na sabi niya.
Napawi ang ngiti ko at lumingon sa kanya. Naabutan kong nakatitig na siya sa 'kin. Darkness is slightly covering his face ngunit kita pa rin sa kislap ng mata niya na tinatantya niya ang mood ko.
"Simple pa rin naman ang buhay ko, ah?" Sagot ko sa kanya ng may alanganing ngiti.
"Na-mi-miss ko lang ang dating Kisses." Sabi niya at saka muling tumingin sa pinaglubugan ng araw.
Nanginig ang labi ko. "A-Anong ibig mong sabihin?"
He shrugged his shoulders, "Namiss ko 'yong Kisses na sa ganito lang masaya na. Nasasaktan siya, oo, but she always looks at the bright side."
Mas lumakas ang ihip ng hangin. Tinatangay ang nakalugay kong buhok.
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Agad nagbadya ang luha sa aking mga mata. Ikinunot ko ang noo ko para pigilan ang aking pagluha. "Y-Yong, 'wag... 'wag ka namang ganyan."
Bumaling siya sakin na may malamlam na mga mata. "Nag-aalala na ko para sayo. Tita told me that you always look sad. Madalas daw wala kang ganang kumain. Lagi kang nakatulala." Sabi ni Yong habang nakatitig sa 'kin.
Malungkot akong napangiti. A tear fell from my eyes at agad ko 'yong pinunasan. Umiwas ako ng tingin at pilit na tumawa. "I'm fine. You don't need to worry."
"Mas marami ka pang iniyak kaysa itinawa ng dahil sa kanya." Sarkastiko niyang sabi.
Napaawang ang labi ko at napahinga ako ng malalim. Napapikit ako ng mariin sa sakit na nararamdaman ko. "Yong, stop it. Please."
"I'm just saying the truth, Kisses." Malamig niyang sabi. "Say, he really loves you... pero mababawasan ba non ang sakit na nararamdaman mo ngayon?"
Tears pooled my eyes. I gulped the lump in my throat as I clenched my jaw, "Hindi mo 'ko naiintindihan, Yong."
I know mali ako sa sinabi ko. Naiintindihan nya ako. Lagi niya akong naiintindihan at iniintindi. Pero hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya. I gave my word to Yuan. I will wait for him. At natatakot akong ang mga salita ni Yong ang magpabago sa isip ko at talikuran ang pangako ko kay Yuan.
BINABASA MO ANG
Their Kind of Love | √
Teen FictionMay klase ng pag-ibig na pinagtagpo at pinahintulutan sapagkat itinadhana. Kahit ano man ang pagdaanan, isa't isa pa rin ang babalikan. Sana kabilang kami doon. Sana.