Chapter 12

49.8K 566 18
                                    

Flashback...

Cassandra POV

"1 million, stay away from my son." I'm with Drake's mother.

"H-hindi ko po matatanggap iyan." Sabi ko at yumuko.


"Alam ko naman na ito ang gusto mo. Kunin mo na, hindi kayo bagay sa isa't- isa. Sinisira mo lang ang anak ko."

Tumulo naman ang luha ko sa sinabi niya. "Mahal ko po si Drake, at sana po respetohin niyo ang aming pagsasama. Hindi po pera ang habol ko sa anak ninyo. Kung wala na po kayong importanteng sasabihin aalis na po ako."

Nung tumayo na ako may babae pala sa likod ko at kung di ako nagkakamali kanina pa siya nandito. Aalis na sana ako ng magsalita pa ang Mommy ni Drake.

"Meet Selena Brazil, my future Daughter-in-law. Siya ang nababagay kay Drake, dahil sila mula pa man bata sila, sila na ang magkasama. So, if your mind change you can call me."

Hindi ko na pinansin pa ang sasabihin niya at umalis na ako sa restaurant.




Umuwi na ako sa condo namin ni Drake at nagpahinga, hindi ko alam pero bumagsak na ang kanina pang nagbabadyang luha na nasa mga mata ko.

Buti nalang at hindi pa nakauwi si Drake galing trabaho. Tatayo sana ako para magpalit ng nahilo ako bigla. Ilang weeks na akong ganito nahihilo minsan sa umaga nasusuka ako, hindi ko pa naisipang magpa check-up kasi wala pa akong pera nahihiya naman ako'ng humingi kay Drake.





Alas otso na ng makauwi si Drake galing sa opisina.

The CEO's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon