Cassandra POV
Nagliligpit na ako ng mga papers dito sa desk ko ng mag ring yung cellphone ko.
Drake calling...
"Yes?" Narinig ko namang bumuntong hininga si Drake sa kabilang linya.
"Susundoin kita." He said.
"No thanks, kaya ko naman. Bantayan mo nalang si Derrick at Daena." Sabi ko then I hang up the call kasi tumatawag pa si William, call waiting.
"Yes, Will." Hindi ko pa nakalimotan yung nakita kong tumatawag si Selena sa cellphone ni William at balak ko siyang tanungin tungkol doon.
"Can I pick you up?" Umuo naman ako dahil balak ko talagang tanungin sa kanya iyun.
Inayos ko na ang aking sarili dahil nasa labas na daw si William, mga ilang minuto pa ay nasa parking lot na ako. I saw him standing in front of his car, goshhh! Adonis talaga!
Nung nakalapit na ako, he hugged me and I did the same at pinag buksan na niya ako ng pinto.
Busy si Will sa pagmamaneho, walang umiimik. Hays.
"Will, about the call nung umaga. Selena Brazil? Are you related to each other?"
Nakita ko namang bigla siyang nagulat, pero nakatuon parin yung pansin niya sa daan.
Hindi naman siya sumagot sa tanong ko, kaya ibinalin ko nalang sa daan yung atensyon ko pero laking gulat ko ng mapunta kami sa isang coffee shop. Ha? Edi sana doon nalang kami sa coffee shop ko. Weird.
"Come on. My treat." Nginitian niya ako ng mapakla. What's with him?
Bumaba na ako ng sasakyan at sinundan na lamang siya. Pumwesto naman na kami sa di kalayuan ng pinto.
"About Selena Brazil, hmmm yes. We are related to each other.." Sa pagkakasabi niya'ng iyan kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot. Lungkot? Why?
Bigal ulit siyang nagsalita. "I'm sorry Cass, I've been hiding you this for a long long time. I hope you understand-"
"Understand what?" Nagugulohan kong tanong.
"Sobra na akong na gi-guilt. You deserve to know the truth Cassandra."
Napahawak naman ako sa sentido ng ulo ko at bumuntong hininga. What is he talking about?
"William, can you just go straight to the point?"
"Selena is my wife."
Napaawang ako sa sinabi niya. Selena is my wife, selena is my wife, selena is my wife. Paulit-ulit na napapasok sa utako ko yang sinabi niyang iyan.
Tumawa naman ako, "If that is a joke. Com'on! It's not funny." I said.
Pero kita ko talaga sa mga mata niya ang sakit. "How I wish that it's only a joke, but it's not Cass. I'm telling the truth. I am damn obsessed to her like hell! I love her, I really do. But she doesn't love me kundi yang asawa mo. Pinilit niya akong sabayan siya sa mga kahibangan niya.. Hindi anak ni Drake iyun, anak namin iyon. Pinalabas niya lang na anak nila ni Drake just to hurt you at para layuan mo na-"
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at umalis na sa coffee shop. All this time, yang kasama kong William ka kunchaba ni Selena na asawa pala niya?
I thought kaibigan ko si Will. Habang nag aabang ng taxi ay napapaluha ako.
Why is this happening to me? Wala na ba akong karapatang sumaya?
Selena POV
"Why did you tell her everything?!!" Sigaw ko kay William. For pete's sake!!!
"Selena nasasaktan na yung tao sa kahibangan mo! Ayuko na sawang-sawa na ako sa pang-gago mo sa akin! Selena I love you and you know that! Ginawa ko na ang lahat, I even lied to a person just to be with you! But now? Selena.. Tigilan mo na!"
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ngayon ko lang nakita si William na ganito. Yes, I used him. Panakip butas, sex slaved and so on. Ginawa ko ang lahat ng ito para sa pagmamahal ko kay Drake. Pero p*tang ina naman!
"Akala ko ba you loved me? Bakit mo ako binuko!!! I-deny mo lahat ito pls."
Pagmamakaawa ko sa kanya. Pag nalaman ito ni Ezperanza, ay diko na alam! Fvck!
"No. Aalis na ako! Kukunin ko si baby Martin! Hindi ko man gusto itong mga nangyayari, but this is the right thing to do Selena!"
Nagmadali niyang kinuba si Baby Martin at inilabas niya ang kanilang mga gamit at inilagay sa maleta, ako naman ay hindi ko siya magawang pigilan dahil sa nanginginig narin ako.
Lumabas na siya ng pinto, hinabol ko sila perp huli na. Mabilis siyang tumakbo, tangay ang anak namin.
Bumalik ako sa loob ng kwarto kong luhaan. No! This can't be! Baka malaman ni Ezperanza ito!
I am trying to reach William's phone pero nakapatay na ito. No! NO!!!
Lumabas naman ako patungong sasakyan ko at pinaharurot. Pupuntahan ko yung bahay ni William!
Mga ilang minuto pa ay nandito na ako, nakita ko naman yung sasakyan niya doon. Thanks God.
I shouted his name and our baby's name pero walang sumasagot. Nakabukas yung tv at air con. I know they are here.
Pang ilang doorbell ko na ito ng magbukas yung pinto.
"What are you doing here? It's too late umuwi ka na!" He said.
"Give me back my baby!" Sinuntok suntok ko siya, kahit mukha na akong gaga dito ay sige parin ako sa pagsuntok sa kanya.
He's trying to hug me, wala na akong lakas pa dahil mas malakas siya. Yinakap niya ako, ngayon ko na lang ulit nahagkan si William.
"Sana bumalik na yung dating ikaw." He whispered
I closed my eyes, masakit na din kasi dahil sa kaiiyak ko kanina.
I will try to learn how to love you Will. I will.
XXXX
Sorry mejo na tagalan. :) hope you like it!
BINABASA MO ANG
The CEO's wife
Romance5 years ago, nagkahiwalay sina Drake Devera at ang asawa niyang si Cassandra Lewis.. At paano kung mag cross muli ang landas nila? Babalik pa kaya ang dati? oh tuluyan ng mabubura ang kanilang pagmamahal sa isa't isa. Tunghayan po natin ang kanilan...