LEILA's POV
Umupo muna ako sa buhangin malapit sa malaking bato itinatago ko yung katawan ko sa malaking bato kasi nagsisimula ng lumamig ang hangin wala pa naman akong pants man lang!
*awoooooooo~*
"Oh hell no..." Jusko Lord gabayan nyo po ako! Kailangan ko na talagang makahanap kahit ng matutuluyan pagdating ng gabi!
Tatayo na sana ako ng may kumikislap na mata ang nakatangin sa akin mula sa gubat madyasong madilim kaya di ko makita.
Para akong naging yelo natatakot ako na baka kapag gumalaw ako ay may mangyaring hindi maganda!*Arf!! Arff!*
OH MY GOD!!!!! Papunta ito sakin!!!
"Aaaaaahhh!!!" pinikit ko na lang mata ko!
"Akira! Bumalik ka dito!" huh? boses ng lalaki.
*arff! arff! arff!!*
Onti onti kong dinilat mata ko and there's a pretty husky dog in front of me! Woah ang cute nya grabe and she's looking at me ng bigla nya akong dilaan all over my face.
"hahaha teka teka nakikiliti ako!" hinimas himas ko sya and she likes it! haha i love dogs! Dati binilihan ako ni Alvin ng puppy noong 1st aniv namin but unfortunately my dog died.
"Miss pasensya na sa abala ng aso ko.."
I look up to him dahil nakaupo lang ako medyo nagdidilim na pero kitang kita ko padin an itsura nya..i would say he's the definition of tall dark and....Maamo ang muka nya hindi tulad ng demonyong lalaking un.
"Ahh..ok lang ang cute cute nga nya eh natakot lang ako kasi hindi ko sya nakita ng malapitan.."
"Malakas ho kasi ang pangamoy nya kaya alam nya kung may ibang tao dito sa lugar o wala.." napakagalang naman nitong lalaking 'to..
Nilahad nya sakin yung malaking jacket na suot nya napansin nya sigurong nanginginig na ako saka wala akong suot pambaba..tinanggap ko na chuchoosy paba ako muka naman syang katiwa tiwala.
"Salamat ha..nasan ba ako, saang beach 'to? Alam mo ba kung saan ang sakayan dito papuntang manila?"
Biglang nailang ung muka nya..
"What's wrong?" pagtataka ko.
"Naku ma'm leila!!!" may sumigaw na isang matandang babae papunta sa direksyon namin. I don't understand bakit nya ako kilala? I stood up para tignan mabuti yung muka nya but i still can't recognize her.
"Si..sino ho kayo?" ng bigla nalang nya akong kinaladkad papunta sa kakahuyan.
"Teka Ale sino ho kayo? Bakit no po ako dinadala dito??" takang taka ko habang naglalakad padin kami. Nararamdaman kong nasa likod ko yung lalake kanina nakasunod samin saka si Akira. Wala naman akong magawa out of curiosity narin siguro. Sana lang hindi sila part ng tribe na iaalay ako sa Leader nila, kung ano ano na lang naiimagine ko!
Ng makarating kami sa isang bahay na parang kubo pero medyo malaki ito sapat na sa isang buong pamilya. Pumasok kami at amoy na amoy ko ang usok galing sa kusina, amoy SINIGANG!!!
Shit! Gutom na gutom na ako wala pa akong kinakain all day!
"Kain ka na muna iha papunta na daw dito si Sir para sunduin ka" pinaghanda ako ni manang ng pagkain, nanlaki ang mata ko sumugod na agad ako hindi na ako nahiya pa dahil gutom nadin ako.
"Sino ho bang sir? Saka nasan po bang beach ako? Kailangan kona po kasing umuwi baka ngaalala na yung family and fiance ko" diredrecho kong tanong habang kumakain. Ugh ang sarap!!!
Direderecho lang ako ng kain hindi na muna ako nagtanong pagkatapos ko na lang kumain para makauwi na agad ako. Ng marinig kong may kumakatok agad nilang binuksan ang pinto. Ako? kain padin.
**Hi READERS!! I'm really sorry for taking too long to continue the story sobrang busy po ng life ko. We moved to another city kaya walang pagasa to sit down clear mind and write. I'll try my hardest to write more often! At maraming salamat po sa mga nakakaappreciate ng story ko! Thankyou! :)**
BINABASA MO ANG
My Billionaire Kidnapper
RomanceMatthew Simons is an entitled, possessive, incredibly rich and HOT. He would do everything to get what he wants especially the one that he loves. He saw Leila for the very first time but felt like it wasn't. He has seen every pretty woman around the...