Chapter 33

4.6K 106 5
                                    

LEILA'S POV

Pine-prepare ko na ang mga pagkain from the basket. Merong picnic table malapit sa gilid falls. Nilatag ko ang malalaking banana leaves sa buong lamesa at pinatong ko dito lahat ng fruits, sandwiches and drinks. I need to get used to this, me being their "official maid". Napapailing na lang ako habang hinahanda ito. 50 days na tiis na lang. I kept hearing Scarlet's flirty laugh dahil sa paglalandian nila. Hindi ko sila tinitignan. Boses palang nila naiirita na ako paano pa kaya kung nakikita ko sila. 

"Get a fucking room." bulong ko at padabog kong nilapag ang basket. Feeling ko lahat ng buhok ko sa ulo ay tumayo at uminit ang tenga ko. Para akong lumunok ng malaking sili dahil naginit ang buong katawan ko.

"Babe the food is ready na dali I'm starving na!" pagdating ko nalang ay nasa tabi ko na si Scarlet na kumakaway kay Matt habang umaalog alog ang mga pakwan nya.

Nainsecure naman ako bigla. Meron naman akong dibdib hindi nga lang kasing laki ng sa kanya. Kaya siguro gustong gusto sya nitong lalakeng 'to.. huhh.. Kumuha na lamang ako ng isang mansanas at lumayo na ako agad sa kanila at naupo na lamang sa gilid sa may malaking bato at tumunganga maghapon habang pinapanood silang maglampungan. Halos sumakit na ang mata ko kakaikot nito sa sobrang inis ko. Parang sinasadya pa ni Matt na dalhin si Scarlet sa direksyon ko at doon nito hahalikan ito na parang bang wala ng bukas. 

It was humiliating to watch. Ang bigat bigat sa pakiramdam. I thought I would never care but my heart is acting differently. Naalala ko ulit yung flashback na nakita ko kanina and this past month. Nagkakaroon na ba ako ng feelings sa lalakeng ito kaya kung ano ano na lang ang naiimagine ko? I hope not! Because I will never! Waiting for him while he was gone is such a big shame. 

"Ugh!" that thought made me cringe. Mahal ko si Alvin and that'll never change. 

"Hey! You!" sigaw ni Scarlet sa direksyon ko. She looks irritated. Nandun sya sa tabi ng batuhan at si Matt naman ay patungo sa picnic table at kumuha ng inumin. Mukang tapos na sila maglandian. 

"Ako?" kunwaring tanong ko.

"Uh duh sino pa ba?! Halika dito! I need you to do something for me." Sigaw nyang sabi. Anu na naman kaya ang iuutos nitong babaeng 'to.

Lumapit ako sa kanya involuntarily at tinanong sya kung anung kailangan nya sakin.

"Bakit?" I asked. Nakatingin ako pababa sa kanya dahil nakaupo parin sya sa tabi ng lagoon at may hawak hawak syang plastik sand bag na punong puno ng bato. I wonder what is she going to do with those?

"Um.. na sprain ata yung paa ko can you wrap a towel or something in it?" Tumingin ako sa paa nya at ng nod na lang sa kanya. Kaya naman pala nitong makiusap ng maayos. Ipinagtataka ko lang bakit hindi sya kay Matt magpatulong. 

Naglakad ako papunta sa lamesa at kinuha sa basket yung manipis na towel na dala dala ko. Papunta sa jeep si Matt mukang may kukunin sya doon. Pagkakuha ko ay binalikan ko si Scarlet na parang iritado parin ang muka, siguro masakit lang yung paa nya. I bend down and start rolling the towel around her feet. Nagulat na lamang ako ng  nagmamadali syang itali sa paa ko ang plastik sandbag na punong puno ng bato! 

"Wa..wait! Anung ginagawa mo?!" Gulat kong sabi sa kanya kahit hindi parin sya tumitigil.

Tumayo ako agad at nilayo ko agad ang paa ko sa kanya. Tatanggalin ko na sya ung plastik sandbag na punong puno ng bato kaso ang higpit ng pagkakatali nya. Ang hirap pa namang tanggalin ng plastik kapag ilang beses mong itinali!

I looked at her again with shock on my face. I was more dumbstruck when she just smirked at me and kicked me into the water.





My Billionaire KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon