Chapter 36

7.1K 128 13
                                        

LEILA'S POV

*1943*

"Matteo! Dahan-dahan lang! Masyado ka ng mabilis!" Takot kong paalala sa kanya dahil sobrang bilis nyang patakbuhin ang kabayo na sinasakyan namin.

"Hahaha wag kang magalala Sola hindi ko hahayaang malalaglag ka! Kapit kalang sa matipuno kong katawan!" Sigaw nya sa akin habang tumatawa ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hahaha wag kang magalala Sola hindi ko hahayaang malalaglag ka! Kapit kalang sa matipuno kong katawan!" Sigaw nya sa akin habang tumatawa ito.

"Saan ba tayo pupunta Matteo?" tanong ko sa kanya habang mahigpit na nakayakap dito.

"Surpresa ko sa iyo. Konti nalang Sola malapit na tayo." Rinig na rinig ko sa boses nya ang excitement.

Tuwang tuwa sya dahil nakikita nyang takot ako sa bilis ng takbo ng kabayo na sinasakyan namin. Dahil doon lalo kong mayayakap ang matipuno nyang katawan kaya lalo nyang sinasadya. Pumikit na lamang ako hanggang sa makarating kami sa patutunguhan namin.

"Nandito na tayo mahal, imulat mo na ang mga mata mo!" excited na sabi nya sa akin.

Pagmulat ko ng mata ay agad na dahan dahang ibinaba nya ako sa kabayo at hinalikan sa noo. Kitang kita sa muka ko ang matatamis na ngiti na dulot ng lalaking ito. Wala ng sasaya pa kapag kasama ko si Matteo. Ang kaisa isang lalakeng mahal ko at mamahalin habang buhay. Sinuri ko ang paligid, napapaligiran kami ng puno ng saging. Napansin ko rin ang tunog na malakas na agos ng tubig. Amoy na amoy ko ang sariwang hangin sa kagubutang ito na dulot ng mga puno.

"Halika mahal." Nakangiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

Hinila ako ni Matteo papalapit sa agos ng tubig na aking naririnig. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang falls at ang tubig nito na kasing kulay ng ulap. Isa lamang ito sa mga pantasya ko noon pero ngayon nasasaksihan ko na. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko!

"Mateo! Eto na ata ang pinakamagandang lugar na nakita ko sa talam buhay ko!" Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko!

Pinulupot ni Mateo ang matipuno nyang braso sa baywang ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ramdam ko ang lukso ng kanyang puso.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ng malalim nyang boses.

"Oo naman, sobra sobra pa. Paano mo nahanap ito? Sobrang ganda!!" sagot ko habang namamangha sa nakikita ko.

"Matagal ko na itong hinahanap, bali-balita sa bayan ang secret falls na ito pero wala pang nakakahanap. Pero mtyaga kong hinanap ito para sayo kaya binili ko ang islang ito para tayo lang ang pwedeng pumunta. Dito tayo bubuo ng pamilya Sola." Seryoso nyang paliwanag.

Wala na akong masasabi pa. Ang pangarap kong makahanap ng lalaking mamahalin ako ng tunay ay binigay na ng Diyos sa akin. Mayaman ang pamilya nito ngunit hindi naging hadlang ang status ng buhay namin sa aming relasyon.

"Ready ka na ba mahal ko? Tara na!" tuwang tuwang hila sa akin ni Matteo pababa sa falls.

"Sandali Mateo hindi ako nakapang ligo paano ang suot ko!" pigil kong hila sa kanya. Ngunit huli na bago nya ako maitulak sa tubig.

"Ahhhh hahaha ang lamig!!!" Sigaw ko sa kaligayahan. Hinubad nya ang pantaas nyang damit at sabay rin syang tumalon.

Masaya kaming naglaro sa tubig at naghabulan maghapon. Hanggang sa napagod na kami at naupo na lamang kami sa bangkang kawayan na nakalutang sa gitna ng lagoon na ito. Yakap yakap nya ako sa likod at nakasandal ako sa bato bato nyang katawan habang pinapanood namin ang napakagandang talon sa harapan namin. Wala ng hihigit pa sa araw na ito na kasama ko ang pinakamamahal ko sa pinakamagandang lugar na kinatatayuan ko.

"Mahal na mahal kita Sola.." he whispered into my ear.

"Mahal na mahal din kita..Mateo," I replied. And then we kissed like there's no tomorrow.


*********PRESENT DAY**********

"Leila! Leila ayos ka lang ba?! Salamat sa Diyos at gumising ka na!" Nag-hihingalong tanong ni Dario habang nakaluhod ito.

Hindi ako makapagsalita. Ang sakit ng katawan at ng ulo ko. Feeling ko ay ang hina hina ko. My body is shaking. I'm so cold. Pinulupot ni Dario sa katawan ko ang makapal na towel na hawak nya at binuhat ako papunta sa sasakyan. Nahihilo parin ako at hindi ko makita ng malinaw ang paligid. Pero malinaw na malinaw parin ang panaginip ko.

"We-we're reincarnated....." mahina kong bigkas.

"Shhh wag ka na muna magsalita Leila mag-pahinga kalang muna ok?" alalang sabi ni Dario habang buhat buhat nya ako.

My Billionaire KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon