AUTHOR'S POV
Kanina pa napapansin ni Scarlet na saka lamang nagiging sweet sa kanya si Matt kapag nakatingin o malapit si Leila sa paligid nila. Kapag malayo naman ito ay lumalamig na ulit si Matt sa kanya. Pinipilit parin ni Scarlet akitin si Matt ngunit ng lumayo si Leila na naupo sa mga bato ay nagswimming si Matt papalayo sa kanya. Sa sobrang inis ni Scarlet ay naisipan nitong kunin ang plastik sand bag na nasa basket at punuuin ito ng maraming bato upang ipulupot sa paa ni Leila. Gusto nyang makaganti dito. Nag-iinit ang dugo nya tuwing nakikita nya si Leila.
Simple lamang si Leila ngunit napaka-ganda nito. Mahaba ang itim na buhok, katamtaman ang kanyang kulay, katamtaman din ang height. Ang itsura nya ay parang may halong dugong español. Di makakaila ni Scarlet na maganda ito kaya naman hindi nya mapigilang mainsecure at maging protective kay Matt na in the first place ay hindi sa kanya.
Ng itinulak ni Scarlet si Leila sa tubig ay pinipilit nya na tanggalin ang tali sa kanyang paa ngunit hindi nya matanggal ito sa sobrang higpit ng pagkakatali ni Scarlet. Ang tubig ay may lalim na 10ft.
"Aaapphhbb!!! Tuu-looong!!!!" Nagpapanic na sigaw ni Leila. Nakailang attempt na sya na tanggalin ang tali ngunit sa sobrang panic nya ay mauubusan na sya ng hininga.
"Swim bitch! Haha!" Tuwang tuwa sigaw ni Scarlet kay Leila. Natutuwa ito sa nasasaksihan nyang nangyayari kay Leila. She thinks it's funny that she is struggling.
Agad namang dumating si Matt galing sa kanyang Jeep dahil sa narinig nyang sigaw na nagmumula sa falls. Pagdating nya rito ay nadatnan nya si Scarlet na tumatawa habang nakaupo sa tabi ng lagoon. Nang lumapit sya ay nadatnan nya si Leila na nag-sstrugle sa tubig. Ang pagkakaalam nito ay marunong itong lumangoy kaya nagtataka ito kung bakit nangyayari sa kanya ito.
"What's happening??" Matt asked Scarlet na pinipigilan ang worry face nya.
"Oh she's just being silly, baka gusto lang magpapansin sayo babe." palusot na sabi ni Scarlet.
"What?" takang tanong ni Matt kay Scarlet.
Tinignan nya lamang si Leila sa malayo na para bang inaantay kung anung mangyayari. Pinipigilan ni Matt ang sarili nyang magpakita ng simpatya dahil may galit pa sya dito. Gusto nyang pahirapan ito, oo. Pero hindi nya parin maikakaila sa sarili nya na sa loob loob alalang alala na sya. Ang hindi nya pa alam ay may nakapulupot na plastik na punong puno ng bato sa paa nito na ipinupull down ang katawan nito dahil nasa gitna na ng lagoon si Leila at hindi nya makita ito.
"Ahhhpppbbb tulong!! Ahhpbb." Naghihingalong huling sigaw ni Leila.
Sa sobrang bigat ng nasa paanan ni Leila sa kamalasan ay pinulikat naman ang paa nya. Napagod na ito kaka try tanggalin ang plastik at kakatry lumangoy pataas ng tubig. Dahil narin sa pasa nya sa braso na dulot ni Matt kahapon. Nawawalan na si Leila ng lakas at hangin. Unti unting nag-dilim ang kanyang paningin at patuloy na lumubog ang katawan nito sa ilalim ng tubig.
Hindi na mapigilan ni Matt ang kanyang pag aalala. He knew there's something wrong at hindi lamang ito umaarte. Aakmang tatalon na ito sa tubig ngunit bago nya pa magawa ito ay may nauna ng tumalon sa tubig para iligtas si Leila na ikinagulat ni Scarlet at Matt.
Nag-lalakad si Dario papunta sa mga puno ng saging upang kumuha ng mga bagong bunga na inutos ng kanyang ina. Habang naglalakad sya ay may narinig syang sumisigaw ng tulong na nagmumula sa secret falls.
"Leila?" Nag-aalalang bulong nito.
Agad sya tumakbo patungo rito. Lumakas ang tibok ng puso nya ng makita nya si Leila na nagaagaw buhay sa tubig. Ibinagsak nya ang kanyang itak at iba pang gamit at nagmadaling bumaba at tumalon sa lugar kung nasan si Leila. Lalo syang nagmadali ng nakita nyang lumubog na ng tuluyan si Leila. Wala na syang pakialam sa kanyang damit at agad ng-dive sa bughaw na tubig at hinila pataas ang walang malay na katawan ni Leila.
Nagmadaling iniahon ni Dario sa dalampasigan si Leila. Kitang kita nya ang kanyang muka putla. Ang mga kamay nito ay kulubot na dahil sa tagal nya sa tubig. Tumakbo si Matt papunta kung nasan man si Leila at Dario. Nanlalaki ang mata ng nakita nya ang kalagayan ni Leila at napahawak sa kanyang dalawang ulo na para bang hindi makapaniwala.
"Leila?!!!" pilit na gising ni Dario dito.
Chineck ni Dario ang pulse ni Leila at bibigyan sana nito ng mouth-to-mouth to perform a CPR ngunit agad itinulak ni Matt si Dario at imbis ay sya ang ng CPR dito. Alalang alala ang itsura ni Matt. This time, hindi na nya makakaila na takot na takot syang mawala si Leila.
"Leila for God sake please wake-up! I can't lose you!" pabulong nyang sabi kay Leila bago nya ito imouth-to-mouth at pinagpatuloy ang compressions.
*****Happy New Year my dear readers!! Kamusta na ang bagong taon nyo so far? :) Shout out to all of you na matyagang naghintay sa takbo ng story ko. I apologize for always updating late pero pinagiisipan ko ng mabuti ang takbo ng storya, ayoko lang na basta basta magbigay ng content na hindi ko pinagisipan ng mabuti. At para rin maenjoy nyo ang pagbabasa. :) Always have a good day guys!!****
BINABASA MO ANG
My Billionaire Kidnapper
RomansaMatthew Simons is an entitled, possessive, incredibly rich and HOT. He would do everything to get what he wants especially the one that he loves. He saw Leila for the very first time but felt like it wasn't. He has seen every pretty woman around the...