Chapter 3

6.4K 92 3
                                    

Agatha POV

Habang naglalakad ako sa may lobby, may biglang tumawag sa'kin at parang hingal na hingal.

"Sis, si Jacob ang daming pasa sa mukha! Tapos ika ika pa lumakad." hinihingal niyang saad. May kung anong kaba akong naramdaman nang narinig ko ang balita.

"Bakit sa'kin mo sinasabi? Anong gagawin ko kung may mga pasa siya?" pinilit kong magpanggap na walang pakialam. May meeting pa ang mga graduating students kaya kailangan ko muna umattend.

"Wala naman naisipan ko lang sabihin. Tara na punta na tayo sa AVR baka wala na tayong maupuan." hinila ako ni Rocelyn papunta sa AVR kahit na gustong gusto kong puntahan 'yung taong kahit minsan naging parte ng buhay ko.

Pagpunta namin sa AVR, halos mapuno na at wala ng maupuan. Actually hindi 'yun ang hinahanap ko, ang hinahanap ko si Jacob kaso walang Jacob akong nakita. May biglang nag flashback sa utak ko. Dito kasi kami nag kakilala sa lugar na 'to.

##############

Flashback

"Miss, may naka upo diyan sa tabi mo?" tanong sakin ng isang estrangherong lalaki noong mag ti-take ako ng placement examination para makapag bago ng course. Hindi ko siya pinansin, kasi hindi ko naman siya kilala.

"Miss, May I ask you if this seat is vacant?" tiningnan ko lang siya at tumango na medyo nahihiya. Doon ko lang rin natitigan yung maamo niyang mukha, mapulang labi, tapos yung black na black niyang mata.

"Thank you. Ah Miss I have something to ask you. Do you talk?" Anong akala niya sa'kin pipe, 'di marunong magsalita?

"Oo. Pag hindi nagsasalita kailangan tanungin mo ng DO YOU TALK? hindi ba pwedeng nahihiya lang?" pambabara ko. Natawa lang siya at umiling. Bakit ba kasi nakatabi ko 'tong pogi na'to.

"Ok, kindly get your Ballpen! Ballpen only and I just wanted to remind you students that this will be your evaluation for you to be classified in a course forte of our institution which is Journalism. God Bless and good luck." pagkatapos magsalita ng facilitator, dinistribute na yung mga test paper. Halos tumalon sa kaba 'yung puso ko. sabi kasi ng iba mahirap talaga ang exam.

Pagtingin ko sa papel ko may 1 to 20 na items na hindi ko nareview halos gumuho ang mundo ko. Hindi ko pa na eencounter yung mga tanong na ganito. Wala talaga akong masagot. Nagulat naman ako ng kuhain ng lalaking katabi ko yung test paper ko.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon