Chapter 18

2.7K 50 4
                                    

Agatha POV


"Sis may sunog ata sa kapit bahay! Malapit lang yung wang wang na naririnig ko!" bigla akong napatayo at hinanap ang cellphone ko. Hindi na ko nagsuklay at dumiretcho kaming baba para makalabas at pagbukas ng pinto isang Trevor ang pinipindot ang wang wang sa kotse niya habang nakangiti sa direksyon namin at may hawak na bulaklak at chocolates.

"Sorry for disturbing you princess. Wala akong maisip na move kaya nag pa wang wang na lang ako." hindi ako makapagsalita hindi dahil nahihiya ako, kundi dahil wala pa kong toothbrush, nakakahiya namang magsalita na badbreath ka.

"Bakit ayaw mong magsalita? Tignan mo may muta ka pa." nilabas niya ang panyo niya at siya ang nagpunas sa mata ko. Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko sa sobrang hiya.

"You don't have to do this. Baka masanay ako." biro ko sa kanya habang nakatakip yung bunganga ko.

"h'wag mo nang takpan yang bibig mo hindi ko pa naman hahalikan yan. darating din fayo d'yan." hinampas ko siya sa braso dahil sa biro niya.

"Hoy kayong dalawa d'yan baka langgamin ang bahay ko! Tyaka pag ako nainggit ako hahalik sa'yo Trevor." bigla pumasok at tumahimik sa Trevor sa sinabi ni Rocelyn.

"Dito ka muna ah maliligo lang kami. Kung hindi ka nag wang wang at kung nag txt ka na lang at sabihing pupunta ka dito sana nakapaghanda kami! Oo diba?"

Napatango na lang si Trevor sa mga biro ni Rocelyn kaya wala siyang nagawa kundi ang maghintay.

"Trevor paliguan mo ko okay lang sa'kin." huling hirit ni Rocelyn habang papaakyat kami. Nakita kong napa iling na lang si Trevor sa mga pinahsasabi ni Rocelyn.

"Rocelyn ikaw na maunang maligo puntahan mo na lang ako kapag tapos ka na." tumango lang siya at tuluyang pumasok sa kwarto niya para kumuha ng damit. Bigla akong kinabahan habang papasok sa kwarto ko. Kaya sumilip ako sa bintana para magpahangin.

Anong ginagawa niya rito? Bakit ba hindi niya ko nilulubayan. Jacob pls lang umalis ka na sa buhay ko.

Nang tinitigan ko siya, bigla siyang napatingin sa direksyon ko. namamaga ang mga mata at gulo gulo ang buhok.

Panibagong panloloko nanaman ba 'to, panibagong panlilinlang? Ayoko ng umasa sa taong hindi naman para sa'kin.

"Agatha! Parang awa mo na! Agatha! Kausapin mo naman ako!" napatayo ako bigla nang narinig ko ang mga sigaw niya at kalampag ng gate.

Sumilip ulit ako sa bintana nang tumigil na ang pagkalampag para tanawin kung umalis na siya, laking gulat ko na nagsusuntukan na sila ni Trevor sa labas. Tumakbo agad ako pababa para pigilan ang dalawa. May mga kapitbahay na umaawat kaso hindi pa rin sila tumitigil.

"Ano bang mga problema niyo! What the fuck are you doing? Mga baliw ba kayo!" tumigil sila at tinulak ang isat isa.

"Trevor pumasok ka sa loob! Tumigil ka na! Ako nang bahala sa Hayop na'to!" sumunod naman agad si Trevor kaya dalawa na lang kami ni Jacob ang naiwan. Pumasok na rin ang mga kapitbahay na mga chismosa.

"Ano bang naisipan mo at dito ka pa nanggulo?! Wala ka na bang kayang ibigay kundi gulo? Jacob stop this fucking ideas!"

"Kailan ba ko naging mahalaga sayo? Yan na ba ang tingin mo sa'kin isang hayop?" gusto kong lumuha kasabay ng pagtulo ng luha niya, pero mas pinili kong kimkimin at sarilihin na lang.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon