Chapter 47

2.3K 37 1
                                    

Agatha POV

Bakit nakaposas na agad ako? Hindi pa naman napapatunayan na may kasalanan ako. Iyak na ko ng iyak lalo na ng may lumuhod sa harapan ko at sinisikipan pa ang pagkaka posas ko at Mas lalo akong kinabahan ng pinalibutan pa kami ng mga pulis.

"Ano bang kasalanan ko? Hindi pa napapatunanayan na may kaso ako kaya alisin niyo to!" kahit anong sigaw ko hindi nila ko pinapakinggan. Hindi pa rin umaalis yung lalaking nakaluhod sa harapan ko.

"Napatunayan na pumatay ka at isa na ko sa pinatay mo kaya wala ka ng kawala makukulong ka." Paanong siya ang pinatay ko? Ano to, panibagong mga tao na ilalabas nila para maging pekeng testigo? Mga walang puso!

"kahit kailan wala akong pinatay at kung meron man akong papatayin yung taong nag utos sa inyo na gawin to!" tumalikod ako at akamang aalis, kaso hinarang ako ng mga pulis at tinutukan ako ng baril, kaya wala akong nagawa at bumalik sa kinatatayuan ko at humarap sa nakayukong lalaki.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, may hawak na boquet of flowers ang mga pulis na nakapaligid sa'min. At mas lalo akong namangha ng may dinukot sa bulsa ang lalaking kanina pa nakaluhod.

"We've been apart for a long time, I left you for how many years. Kung tutuusin hindi ko deserve na mahalin mo dahil ninakaw ko sa'yo ang karapatan na mahalin ng ibang tao. Pero kahit kailan hindi kita tinangal sa puso ko, For almost five years hindi ko kayang bitawan ka. I love you more than anything else and more than I love myself." Hindi ko alam kung bakit sinasabi sa'kin to ng lalaki na'to? Hindi ko kilala ang boses niya.

"Ano bang kailangan mo? H'wag niyo kong pinagloloko hindi biro ang bagay na'to! Jacob hayop ka lumabas ka na!" Hindi pa rin sila natinag at inilapag ang lahat ng mga boquet at may inilabas na mga box na may lamang mga kwintas.

"I'm willing to be your hero, I'm willing to be a handkerchief to wipe your tears, I'm willing to be your servant that will serve you for the rest of your life. Agatha, WILL YOU MARRY ME?" Sobrang nagulat ako at huminto ang oras ko ng nakita ko ang mukha ng lalaking kanina pang nakaluhod at nakayuko.

Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat ko. Pumasok si Rocelyn at Trevor na nakangiti, sumunod si Mama at Jennica dumating din si Tita Amelia at Tito Arnaldo kasama si Zyrel.

Humarap ako kay Jacob na may hawak na sing sing. Wala akong masabi kundi hagulgol at iyak. Nawala ang alahat ng galit ko napalitan ng umaapaw na saya.

"Agatha, papayag ka bang pakasalan ako?" Tumango ako at pilit na binagkas ang YES. Tumayo siya at niyakap ako.

"I love you Agatha. Sorry for leaving you recently gusto kong maging memorable ang pagkuha ng Oo mo." pinunasan niya ang luha ko at tumigil ako sa pag iyak. Nagkunyari akong sumimangot at hindi nagustuhan ang nangyari.

"Hindi ako magpapakasal sa'yo kahit yes ang sagot ko." kita ko namang nagulat siya at ang mga taong nakapaligid sa'min. Nakita kong pumatak ang luha ni Jacob at nasaktan siya sa sinabi ko. Pinunasan ko ang luha niya at ngumiti.

"Paano akong ikakasal sa'yo? Nakaposas ako. Pag natanggal na'to syempre okay na tayo." agad agad niyang tinanggal ang posas sa kamay ko at lumuhod ulit sa harap ko.

"Agatha, WILL YOU MARRY ME?" nagtawanan sila lahat pero ako naiiyak nanaman. Pangalawang beses niya na nga tong ginawa pero bakit nagiging emosyonal pa rin ako.

"Tumayo ka na nga d'yan ang sakit na ng mata ko kakaiyak YES na nga ang sagot ko eh." niyakap niya ulit ako at hinalikan sa labi.

"I love you more than you love me and I love you to the moon and back." Ang baduy naman ng taong to. Saan niya naman nakuha ang mga ganyang hirit.

"Daddy ang unfair mo! Ako hindi mo ko mahal?" Lumapit sa'min si Jennica na nagtatampo.

"Siyempre love ka din ni Daddy. Mahal ko kayong dalawa, kaya h'wag ka na magtampo sweetie."

"Bakit si Mommy binigyan mo ng ring ako hindi."Iniwan ko silang dalawang mag Ama para makapag usap sila. At ako, pumunta sa kung saan nakatayo si Rocelyn at Trevor.

"Kayong dalawa hindi niyo man lang sinabi sa'kin na ganito ang gagawin! Mga taksil kayo!"

"Tanga! Kapag sinabi ko sa'yo e di walang thrill sayang naman ang effort namin kung malalaman mo! Diba baby?" Inakbayan niya si Trevor para asarin, kaya lumayo ang isa.

"Kayong dalawa mukhang may namumuo ah. Baka naman kayo pa sa dulo." napasimangot si Rocelyn na akala mo talo pa siya kay Trevor, pero maya maya humirit nanaman.

"Kung sakaling magiging kami gusto ko mas bongga pa dito ang gagawin niya para makuha ang matamis kong yes." napasimangot si Trevor sa mga lumalabas sa bibig ni Rocelyn.

"Paano mangyayari yun? Diba nililigawan ka nung Anthony Chaves na dating katrabaho ni Agatha." Aba mukhang may namumuo na sa dalawang ito. This past few weeks kasi laging silang magkasama at makikita mo naman na they enjoyed each other company.

"Sabi ko sa'yo hindi nga ko nilalagawan non! Kahapon pa yang issue na yan kung gusto mo hindi na ko makikipagkita doon."

"May hindi ba ko alam sa inyong dalawa? Pero proud ako sa inyong dalawa." yayakapin ko sana una si Trevor pero hinarang ako ni Rocelyn.

"Ako na lang Sis ang yakapin mo kahit kailan mo gusto." Natawa na lang ako at hindi na sila niyakap. Bumalik ako kay Jacob para magpaalam na uuwi na kami ni Jennica.

Habang papalapit ako sa kanila hindi ko pa rin maiwasan ang ngumiti habang nakatingin sa sing sing na dati ko pang pangarap.

"Agatha, doon muna kayo sa condo ko. Naka leave ako ng one week baka pwedeng kasama ko muna ang mag ina ko."

"Pupunta tayo sa house mo Daddy? Yehey gusto ko po maglaro doon!" Lumapit sa'min si Mama, Tita Amelia at Tito Arnaldo kasama rin si Zyrel.

"Okay lang anak doon muna kayo kay Jacob. Mag babakasyon din kami nila Amelia para naman makapag relax." sumang ayon si Mama kaya pumayag na rin ako.

"Sis alam mo masaya ako para sa'yo. Sorry kung nagawa ko sa'yo ang mga bagay na hindi ko naman dapat ginawa. Alam mo naman na mahal kita para na kitang kapatid sana mapatawad mo ko."

"Zyrel, alam mong matagal na kitang pinatawad. In fact you don't have to say sorry anymore dahil nagmahal ka lang rin naman. Naku tama na nga ang drama basta mahal kita Sis."

Isang araw na puno ng luha, luhang hindi ng lungkot kundi ng saya. Maaring pait ng buhay ay mararanasan mo sa una pero makakamtan mo rin ang tamis basta't lumalaban ka.

Isa na lang ang gusto kong mangyari  ang marinig ang tunog ng kampana at maisuot ang Wedding gown habang lumakad sa Altar.

To be continued........

I think maglalagay pa ko ng chapter 48, 49 and 50 at epilogue.

Nahihirapan pa kasi akong iwan sila.

 

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon