Chapter 20

2.7K 56 3
                                    

Agatha POV

"Parausan ka lang ng anak ko!"

"Inanakan ka lang niya!" Mga hayop sila! Haharap sila sa pinaka kinatatakutan nila! Magiging impyerno ang buhay nila! Akala ko parehas naming ginusto ang nangyari, akala ko lang pala! I wiped my tears masayado nang maraming luha ang nasasayang. Kaya lumabas ako ng CR at paglabas ko, nakita ko si Jacob na hinihintay ako. Lumapit ako na parang walang nangyari.

"Agatha sorry for what happen earlier. Alam mong hindi totoo yun. Alam......."

"No need to worry. Everything is just fine. Kahit totoo pa ang lahat ng sinabi ng tatay mo, wala naman akong magagawa, ganun talaga ang buhay gagamitin ka lang at magpapagamit ka naman. Sorry I have to go."

"Agatha can you please listen to me first?! Humihingi na nga ako ng pasensya parang ako pa ang masama! Agatha I'm so sorry." napahinto ako sa mga sinabi niya at humarap sa direksyon niya. Lumapit ako ng may galit na nararamdaman.

"Utang na loob ko pa sayo na humihingi ka ng sorry? Utang na loob ko pa? Sumagot ka! Anong akala mo sa akin laruan na kapag nagsawa ka na ay papalitan? Ganun ba? Tyaka ano ka ba sa tingin mo? Isa kang Demonyo yan ang itatak mo sa isip mo!" isang sampal ang pinakawalan ko.

"Para magising ka sa katotohanan! At pls lang don't you dare to say the word sorry coz you're fucking not!" pinagtitinginan na kami ng tao kaya umalis na ko sa harap niya. Kulang pa nga ang nararamdaman niya para maramdaman ang sakit na nararamdaman ko.

Apat na taon ang lumipas, apat na taon rin akong nagtanong kung bakit niya ko iniwan, apat na taon akong nagmukhang tanga kakaisip na babalik pa rin siya. Tapos ngayon babalik siya para sabihing sorry, mag mukhang kaawa awa? Pwes kahit lumuha ka ng dugo hindi mo makukuha ang kapatawaran na gusto mo!

"Miss Matunog, may naghahanap ho sa inyo sa baba." biglang natigil ang pag iisip ko ng biglang may nag approach sakin habang bumaba ako sa hagdan.

"Sige Salamat." bumaba ako na wala sa sarili nang may biglang tumawag sakin.

"Ate! Ate!" naluha ako ng makita ko ang kapatid ko kasama si Rocelyn. Umiiyak rin siya habang nakayakap sa'kin.

"Tahan na. Nakita mo na si ate oh. Kamusta na ang baby girl ko? Kamusta na ang maganda kong baby?" napatigil ako ng may garalgal na boses akong narinig sa likod ko.

"Siya ba yung anak natin? Siya ba ang anak ko? Simula nang nakita ko siya iba na ang pakiramdam ko, alam kong pinpakilala mo lang siya na kapatid mo para hindi ko malaman!" Ibang Jacob ang nakita ko, Ibang iba. Malungkot, bakas ang pangungulila, mga matang luhaan at sabik na mahawakan ang anak niya. Kaso wala na wala na ang anak namin.

"Hindi mo siya anak! At Wala kang anak!"

"Bakit hindi mo sabihin sa lahat ng tao dito na may anak tayo, Bakit hindi mo sabihin sa lahat?!" kinuha ni Rocelyn si Jennica at inilabas muna.

"Oo Jacob! Yan ba ang gusto mo?! Oo isisigaw ko! Sa lahat ng tao dito, pasensya na at nag iskandalo kami ng hayop na to! May anak ho kami; nagbunga ang kagagohan ko noong minahal ko siya! Ano sapat na ba yun! Gusto mo ba sabihin ko kung ano tayo noon?" bumuhos nanaman ang luhang gusto ko nang matapos.

"Agatha, stop this!" hindi pa rin ako tumigil para matugunan lang ang gusto niya.

"At isa pa po! Mahal na mahal ko siya noon! Pero ginago niya ko! Namatay ang anak ko dahil iniwan niya kami! Namatay ang anak ko dahil sayo! Parang awa mo na Jacob tama na! Pagod na pagod na ko! Sana mapagod ka na rin na saktan ako! Jacob parang awa mo na!" Napaupo na ko sa sahig habang hindi mapatid ang luha ko sa kakaiyak. lumapit na ang supervisor namin at niyakap ako.

"Guard! Guard palabasin niyo yang taong yan nangugulo lang yan rito!" Agad namang hinila palabas ng Guard si Jacob.

"Miss Matunog are you okay? Gusto mo ba ng tubig?" umiling lang ako at humagulgul nanaman ng iyak.

"Ma'am, pagod na pagod na po ako. Ang sakit sakit na po. Hanggang kailan ba matatapos ang paghihirap na to?" imbes na pagalitan, niyakap lang ako ng supervisor namin.

"Miss Matunog, I think you should rest for now. Umuwi ka na muna at ako na lang ang magpapaliwang sa head. Ok?" tinulungan niya kong tumayo at binigyan ng panyo para punasan ang luha ko.

"Pasensya na sa inyong lahat. Gusto ko lang malaman niyo na totoo lahat ng sinabi ko ayoko na ring itago ang lahat." tumalikod na ko at kinuha ang bag ko sa table kung saan ang pwesto ko.

Umupo muna ko sa upuan saglit dahil medyo nahihilo ako. Maya-maya, naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

"Stress lang ang dahilan kaya siya nag passed out, mamaya gigising na rin siya." nagising ako sa mga naririnig kong salita. Paggising ko, na sa isang lugar ako na maraming naka dextrose sa tabi ko. Kaliwat kanan may mga nakahiga. Nandito nga ako sa hospital. Napaka init kaya bumangon na ako. Ayoko nag tumagal dito.

"Ate gising ka na pala! Uuwi na tayo." napatingin ako kay Rocelyn at nginitian niya lang ako.

"Kapag okay ka na at Kung pakiramdam mo ay okay na pwede na tayong umalis." tumayo na ko at dumiretcho muna sa doktor para ma check kung okay na ko.

"H'wag mag papa stress okay? H'wag masyadong isipin ang mga bagay kusang maaayos yan." nag pasalamat lang ako at umalis na kami. no need for medication na daw kaya hindi na kami nabahala.

"Ate uuwi ka na sa'tin? Miss na kita eh."

"Jennica, marami pang gagawin si ate, mag wowork para mabilhan kita ng toys and chocolate Kaya hindi muna ko makaka uwi kasi malayo ang work ko. Dadalawin na lang kita pag may oras ako."

"Agatha, okay ka lang ba? anong nangyari sayo? nasaan na yung lalaki na yun?! May masakit ba?" As I expected nandito na si Trevor, akala mo naman namatay na ko.

"I'm completely okay. Wala kang dapat ikabahala. Pauwi narin kami kaya sige na umuwi ka na okay na ko." sumimangot siya nang pinagtatabuyan ko siya palayo.

"Baka naman gusto mo na lang kaming ihatid sa bahay?" singit ni Rocelyn kaya wala kaming nagawa at sumakay kami sa kotse ni Trevor.

"Kuya Trevor you look so pogi. bakit po maputi kayo? Tyaka po ang tangos ng nose niyo? Ang bango niyo pa po." hindi nahiya ang kapatid ko na kausapin si Trevor habang nag dadrive. Tawa lang sila ng tawa hanggang sa makarating kami sa bahay ni Rocelyn, ako lang ang bumaba, dahil ihahatid pa nila si Jennica sa bahay namin sa kabilang subdivision.

"Parausan ka lang ng anak ko!" kahit anong pilit kong kalimutan bumabalik siya ng kusa.

to be continued...........

Read at your own risk.

Salamat po sa nagbabasa. Feel free to react on my updates h'wag kayong mahiya.

Salamat po ulit.

You can Pm me at my facebook account.
Exequel Dela Cruz (avatar na blue hair ang profile ko.)

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon