Chapter 29

2.2K 33 9
                                    

Trevor POV

"Bakit ang tahimik mo? Kanina ka pa hindi nagsasalita ah." hindi ko sinasagot ang mga tanong ni Mama iniisip ko pa rin kasi si Agatha. Baka galit na rin sa'kin yun.

"Trevor may nag bell. May tao ata." Tumayo si Mama para pumunta sa gate at tignan kung sino ang tao. Tama ba na hindi ko pinansin si Agatha, tama ba na nagalit ako? Shet naman eh!

"Trevor may bisita ka."

"Papasukin mo ma! Baka mag aaya lang yan ng..... Agatha? Bakit ka nandito gabi na ah. Umuwi ka na baka ano pang mangyari sayo." nabigla ako akala ko kaibigan ko lang ang pumunta. Nahihiya akong tumingin sa kanya kaya I busy myself eating kahit busog na'ko.

"Trevor! Is that how you treated your visitor? Hija umupo ka muna."

"Hindi sige po okay lang, aalis na rin ho ako. napadaan lang po ako. Salamat po sa pagpapatuloy." tinignan ko lang siya na lumabas ng pinto.

"Ano bang problema niyo? Bakit parang ikaw ang nagtatampo? Hoy Trevor pag may nangyaring masama kay Agatha ikaw rin ang makokonsensya gabing gabi na." natauhan ako sa sinabi ni Mama kaya tumakbo ako palabas para habulin si Agatha kaso wala na siya. Tinawagan ko si Rocelyn.

"Hello Rocelyn?"

"Bakit napatawag ka? Wala pa si Agatha eh"

"May number ka ba niya? Send mo nga sakin tapos tawagan mo ko pag naka uwi na sya okay?"

"sige sige" binaba niya na ang tawag at hinihintay ko na lang ang text niya para sa number ni Agatha. Pagka send na pagka send tinawagan ko agad, kaso out of coverage. Naka 21 missed calls ako pero wala pa rin. Tinry ko na rin i detect ang location niya kaso hindi makita. Baka nakapatay ang Cellphone niya.

"Ma, wala na si Agatha sa labas." natataranta na ko sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka! Pag may nangyari kay Agatha konsensya mo yan." iniwan niya kong palakad lakad dito sa sobrang kaba. Hindi ako mapakali kaya kinuha ko ang susi ng kotse at pumunta kila Rocelyn.

Habang nag dadrive ako tumitingin ako sa labas para tignan nagbabakasakali na makita ko kung nasa daan siya, kaso hanggang sa pagdating ko kila Rocelyn wapa pa rin siya.

"Saan kaya pwedeng pumunta si Agatha?" akala ko may kausap pa ko umakyat na pala si Rocelyn para matulog. Humiga muna ako sa sofa para hintayin siya. Ala una na wala pa rin, kaya Lumabas ako ng gate nila at sa wakas natanaw ko rin siya.

"Agatha!" tumakbo ako papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Kuya hindi yata ako ang hinahanap mo. Hindi Agatha pangalan ko." bigla akong bumitaw sa pagakakayakap at humingi ng pasensya. Kinakabahan na talaga ako.

"Trevor!" pati ba naman sa imahinasyon ko kinokonsensya ako.

"Hoy Trevor! Bakit napunta ka dito?" hindi pa rin ako kumibo dahil alam kong imahinasyon lang yan. Teka baka naman......

"Agatha!" niyakap ko siya ng mahigpit na akala mo ngayon lang kami nagkita.

"May nangyari ba sa'yo, okay ka lang ba?" napasimangot siya sa mga pinagsasabi ko kaya tumahimik na ko.

"Wala! Gusto mo bang mangyari sa'kin?"

"Sa'tin? Bakit gusto mo ba na may mangyari sa'tin?" pang aasar ko sa kanya.

"Ewan ko sa'yo! Napapagod ako h'wag mo kong asarin!" shet babae nga naman talaga Ang daming mood.

"Joke lang yun! Halika nga rito." binuhat ko siya na parang bagong kasal hanggang sa pag pasok namin sa loob ng bahay ni Rocelyn.

"Bakit ka ba kasi pumunta dito? Ibaba mo na ng ko." binaba ko siya ngunit hindi ko binitawan ang kamay niya.

"Agatha sorry for what I did."

"Sorry saan? Ano bang ginawa mo?"

"When you went to our house." bigla naman siyang ngumiti at niyakap ako.

"Wala yun ano ka ba!" hindi pa rin siya umaalis sa pagkakayakap sakin. Kaya umupo ako sa sofa, nilagay ko ang ulo niya sa dib dib ko habang nakayakap siya sa bewang ko.

"Trevor, bakit ngayon ka lang dumating? Sana noon pa kita nakilala para hindi na ako nasaktan." Wala akong masagot sa tanong niya kaya niyakap ko na lang siya.

"H'wag mo kong iiwan ah kahit anong mangyari. Pero kong pagod ka nang intindihin ako, sabihan mo ko para hindi ko maramdaman na naiwan ulit ako ng walang dahilan."

"Ayokong magbigay ng pangako but I will kept you as much as I can. Sige na matulog ka na para makapagpahinga ka." kumalas na siya sa pagkakayakap at tumayo na rin ako para umalis.

"Ingat ka." lumabas na ko at pumasok sa kotse, nang napansin ko na wala pala ang susi ko, kaya I have no choice kundi ang pumasok ulit. Hindi pa nga ko nakakapasok sa gate lumabas na siya na dala ang susi ko.

"Thank you." hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang noo niya. Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya at diretso nang umalis. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga sinabi niya.

"H'wag mo kong iiwan ah kahit anong mangyari. Pero kong pagod ka nang intindihin ako, sabihan mo ko para hindi ko maramdaman na naiwan ulit ako ng walang dahilan."

Naramdaman kong she was totally jilted. I need to make her feel that she loved kahit na hindi niya rin ako mahalin. Ganun talaga siguro, maging masaya lang ang mahal mo, magiging masaya ka na rin.

Umuwi ako nang bahay na hindi matanggal ang ngiti. Pakiramdam ko pulang pula na yung tenga ko sa sobrang kilig.

"Yes! Yes!" napasigaw na ko sa sobrang saya.

"Trevor! ano ba!" natahimik ako nang sumigaw si mama. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"Ano bang nangyayari sa'yo Trevor?" kumalas ako sa pagakakayakap at umakyat sa taas para magpahinga.

To be continued.........

You may also check out my other story.

Suicide Romance

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon