Chapter 23

2.4K 43 3
                                    

Agatha POV

Hanggang anong oras ba kami dito sa eroplano? Namumutla na ko sa turbulence. Nahihiya akong kumapit kay Jacob dahil magka away kami.

Nag sign of the cross na lang ako dahil hindi ko na talaga kakayanin. Naramdaman kong nay humawak sa kamay ko kaya hinawakan ko agad, napakapit na rin ako sa braso ni Jacob dahil nahihilo na talaga ako.

"Okay ka lang?" hindi ako nagsalita at yumakap na ko sa kanya. Nang medyo nasanay na ako at alam kong hindi makakatulong ang pagpapanic, pinikit ko na lang ang mata ko.

"Akala ko ba galit ka sa'kin? Bakit kung makayakap ka parang miss na miss mo ako." natauhan ako sa mga sinabi niya kaya bigla akong bumitaw sa pagkakayakap.

"Natatakot ako kaya ako kumapit sa'yo. Ang hilig mong magbigay ng meaning sa mga bagay bagay." pumikit na lang ako at kinalma ang sarili. Buti na lang at walang stop over ang flight namin at diretchong Spain na.

"Agatha! Agatha! Ikaw na lang ang nandirito. Kanina pa naka landing ang eroplano." dumilat ako at nagkunyaring alam ang mga nangyayari.

"Alam ko Jacob no need to remind me." tumayo ako at lumakad, pero bakit parang walang pintuan.

"Agatha! Dito ang labasan!" nakita ko na natatawa na si Jacob sa ginagawa ko. Pwes ako hindi natutuwa.

"Gagamit sana ako ng banyo." palusot ko.

"Aminin mo na kasi na hindi mo alam ang nangyayari, kanina pa kaya kita ginigising dahil tayo na lang ang natitira dito."

"Oo na! Salamat sayo at ginising mo ko." I said sarcastically. Sinundan ko siya dala ang bagahe ko palabas ng eroplano.

"So, saan tayo pupunta?" tanong ko na hindi man lang niya sinagot. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya.

"May sasakyan na magahahatid sa'tin papunta kung saan gaganapin ang Conference. Naaalala mo pa ba nung tayo pa gusto mong pumunta ng Europe?" napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya sa kawalan.

"Oo naaalala ko pa. Diba yan yung sinabi mo na kapag nangyari yun ay pakakasalan mo ko? Ang galing mo nga magsinungaling nung oras na yun, ako naman paniwalang paniwala." tinitigan niya ko ng malungkot na parang may gustong sabihin.

"Ma'am, Sir? Kayo ho ba ng kasama sa conference ng Amore?" Bakit Filipino rin ang sumundo sa'min.

"Kuya Filipino ka?" tinanong ko na para sigurado.

"Yes Ma'am. Sa bawat representative may iba iba pong sumusundo at depende rin po yun kung anong lahi ang susunduin since you two are Filipino, Amore Company designates me to be your driver."

"okay. So, we're going?" tumango lang siya at sumakay ako at katabi ko nanaman ang dakilang manloloko.

"Ma'am, Sir sorry for asking, are you two are husband and wife?"

"No"
"Sana"

Sabay kaming nagsalita kaya naguluhan si kuya.

"Ano po ba talaga?"

"No kuya! Wala kaming koneksyon at kung meron man noon pa yun! Past is past diba kuya." umirap lang ako at kunyaring may hinahalungkat sa bag.

"Dapat siya ang Asawa ko. Kaso ayaw niya na sa'kin kaya hindi kami nagkatuluyan." nagpintig ang tenga ko sa mga sinabi niya. Hindi ito biro na parang wala lang sa kanya na maungkat ang mga nakaraan.

"Bakit hindi mo sabihin na nanloko ka!, sinungaling ka!, at higit sa lahat wala kang kwentang lalaki! Yun ang totoong dahilan kuya! Kaya h'wag kang maniniwala d'yan dahil siya ang unang bumitaw." tinitigan ko lang siya at halatang napahiya siya sa sinabi ko. Dapat lang na maramdaman niya kung ano ang ginawa niya.

Akala niya siguro okay na ang lahat dahil sa nakikita na niya ang mga kapalpakan ko at hinahayaan ko siya na kausapin ako.

"Agatha don't be so fucking serious!" kita ang galit niya sa tono ng pagsasalita niya.

"Okay sabi mo eh, alam ko naman na hindi ka seryoso sa mga sinabi mo! My question is kailan ka ba naging seryoso?" Pagkasabi ko tumahinik na ko at naiwang naka gusot ang mukha niya. Hindi kami close at mas lalong wala akong paki alam sa kanya.

"Ma'am, Sir nandito na po tayo." nauna akong bumaba at sumunod sa driver papasok sa loob ng isang hotel. Pagpasok namin halos lumuwa ang mata ko sa mga amenities sa loob ng hotel. I was so fascinated by an elegant chandelier, the gold and white theme was so elegant, class and definitely mesmerizing. This place really showed an astonishing feeling.

"Ma'am, good day are you one of the attendee of annual Amore conference? If you mind I will find a perfect seat for you?" tinigil ko ang pagmamasid sa paligid ng lapitan ako ng isang foreign staff ng hotel.

"No need, I can handle this. Thank you" lumakad na 'ko at naghanap ng mauupuan. Hindi ko na hinanap si Jacob naghintay na lang ako na matapos ang nagsasalita para sa mga preperations na gagawin sa Conference.

"So are you ready to introduce yourself? So let's start with the Philippines, since they only have two representatives. Kindly pls go in front." bigla akong kinabahan dahil meron pang pakilala pakilala.
Dumiretcho ako sa stage at nagpalakpakan ang halos nasa 30 guest and some of them are having big names in this business.

"You look so beautiful Miss?"

"Agatha will do by the way thank you."

"What a beautiful name I hope you can be mine." nagulat ako ngunit hindi nagpahalata. napatingin lang ako sa lalaking Emcee at ngumiti. Binigay niya na sa'kin ang mic para mag umpisa nang mag pakilala.

"Good day everyone since you know my name let me introduce myself behind that. Actually I am not an experienced one on this field but I am determined to be part of this event. I'm already a mommy but my child died after deliberation I was so devastated during that time but I've learned to accept and here I am standing in front of you with determination in everything I do. Again good day I'm Agatha." binigay ko ulit ang mic sa emcee. I am not used to details everything about me kaya yan lang ang sinabi ko. pinalakpakan lang ako at tinawag na si Jacob. Hindi na nagpasikot sikot pa si Jacob at pinakilala niya ang sarili niya. Wala namang bago kaya yumuko na lang ako dahil pagod na ko galing sa flight.

ngayon lang ako nakakita na pinagsalita agad at hindi muna pinagpahinga. Pagkatapos naming magpakilala tyaka tinapos ang event dahil alam daw nila napagod kami. Ang unfair naman kami lang ang nagpakilala? Maya maya lunapit na sa amin ang mga bellboy at giniuide kami sa mga kanya kanya naming kwarto.

to be continued............

Pasensya sa maikling update.

Comment naman kayo ng reaksyon niyo.

Team Trevor or Team Jacob

at kung may mga tanong you can Pm me on my Facebook account, just search Exequel Dela Cruz and my profile picture is an anime with blue hair.

Author's Note

hindi ko po kaya na agad itong matapos dahil kailangan ko pa pong magpahinga dahil nagpabunot po ako ng ngipin. KUng nabibitin kayo pasensya na po heheheheh

love you all. 😇😇😇😇😍😍😍😍

read at your own risk.




First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon