Chapter 25

2.3K 42 5
                                    

Agatha POV

Isang malakas na suntok ang narinig ko sa pader. Mga gamit na pinagbabato. Hindi ko na matiis kaya pumasok ako. Baka mabinat at mag kasakit pa siya ng todo.

"Jacob tama na! Tama na Jacob!" hinawakan ko ang kamay niya na dumudugo na. Kitang kita rin sa mata niya na umiiyak siya.

"Jacob okay na, Jacob okay na pinapatawad na kita tama na please." niyakap ko na rin siya habang umiiyak ako.

"I was so selfish! I don't want to live anymore! Hirap na hirap na rin ako! Gusto ko na rin makita ang anak ko!" pilit niya kong inilalayo sa kanya.

"Jacob please sorry sa mga nasabi ko kanina okay? Stop this! Walang kukuha ng deal uuwi na rin ako bukas okay na tayo pinapatawad na kita! Sa palagay mo masaya ang anak mo na nakikita kang nahihirapan?" tumigil siya ng banggitin ko ang anak niya. Puro dugo na ang kamao niya pati ang bedsheets ng kama.

"Malulungkot si Zyrel pag nalaman niyang nagkakaganito ka, Jacob ikakasal ka pa bubuo ka pa ng masayang pamilya. Yung nakaraan natin kalimutan mo na yun, okay na ko okay na okay." niyakap ko siya at pinunasan ang luha niya. Binigay ko na ang kapatawaran na gusto niya dahil sumisigaw na rin ang puso ko na gawin ang tama.

"Sorry Agatha." pahabol niyang salita. Kapag pala pinakawalan mo na ang galit sa puso mo, mawawala ang lahat ng sakit na kinikimkim nito.

"So, friends?" inabot ko sa kanya ang kamay ko at hinawakan niya naman. Tumulo nanaman ang luha ko ngunit pinilit kong maging masaya.

"Jacob, h'wag mong gagawin kay Zyrel ang ginawa mo sa'kin ha? Gusto ko pag aalis ka magpapaalam ka at sana bumalik ka. Sana alagaan mo siya, iparamdam mo na mahal na mahal mo siya. Best wishes for the both of you." gusto kong mawala ng isang oras yung walang makakakita sa'kin ibubuhos ko lang lahat ng luha ko.

"Thank you for the memories Agatha. I hope you will be happy too. Maswerte ang taong mamahalin mo hanggang dito na lang siguro ang aabutin nating dalawa thank you ulit Agatha." hinampas ko siya sa braso kunyaring hindi ako nasasaktan.

"Magpapaalam na ko na aatras na tayo sa Conference. Para makakuha tayo ng concent na aatras tayo."

"No Agatha ilaban mo! We will stay at makukuha mo ang deal." hindi ko inasahan ang isasagot niya ngumiti na lang ako at nag thumbs up. Lumabas na rin ako mula sa kwarto niya at pumasok sa kwarto ko.

Bumuhos ang luha ko na kanina ko pa tinatago. Mahal ko pa rin pala siya kailangan na siguro naming dalawa ang lumaya mula sa nakaraan kaya okay na rin ang ganito, okay na magkaibigan na lang kami.

Oras na siguro para buksan ang puso ko sa maraming posibilidad at iwanan na ang hapdi ng nakaraan.

4 days after.

Wala naman pinagbago sa conference may mga representative lang talaga na ayaw mag patalo. Nakita ko rin ang progress ni Jacob at talagang magaling siyang makipag usap. Ako naman ang tumahimik dahil sa mga pinagsasabi ni Jacob.

Walang duda na sila siguro ang makakakuha ng deal. Okay lang sa'kin basta natuto ako at nawala na ang lahat ng sama ng loob sa puso ko.

"Last day na natin to, bukas babalik na tayo ng pilipinas anong balak mong gawin?" nawala ako sa pag iisip ng kung ano ano, ng tanungin niya ko kung saan ko gusto pumunta.

"Gusto ko lang maglakad lakad, mag unwind at tumingin sa paligid."

"Mag a unwind ka kasama ako? Baka hindi ka makapag unwind." napasimangot ako at tumitig sa kanya.

"Wala na yun okay na ko, napatawad na kita. Iwan na natin ang mga nakaraan magsimula tayo ng bago bilang magkaibigan." napatango lang siya at hinila ako palabas ng hotel naglakad lakad nga kami. Napansin ko na magka holding handd kami kaya binawi ko agad ang kamay ko.

"May palaruan doon oh tara doon muna tayo." wala ng bata dahil gabi na. Halos mangilan ngilan lang ang makikita mo.

"tulak mo nga ko Jacob." sumakay ako sa swing at tinutulak ni Jacob. Sobrang saya kahit ganito lang. Natupad rin ang gusto kong mangyari na magkasama kami na pumunta dito kahit hindi na kami.

"Ako naman! Napapagod na ko." bumaba ako at ako naman ang nagtulak. Para kaming mga bata na hindi mapatid ang tawanan at harutan. Naghabulan na din kami at kung ano ano pa at sa huli nag star gazing na lang kami.

"Nakikita mo yung star na yun? Yung pinaka makinang na yun oh. Siguro yan si Zoe masaya siya na magkasundo na tayo." bigla siyang humarap sa'kin at pinunasan ang luha ko.

"Pwede ba kitang yakapin? Pang kaibigan lang." nag aalangang tanong ni Jacob. Hindi pa nga ako pumapayag nang bigla niya akong yakapin. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya at tumayo na.

"Tara na bumalik na tayo mag iimpake pa ko." tumayo na rin siya at sumunod sa'kin.

"Nakita mo ba ang itsura ni Zoe? Nakita mo ba kung sino ang kamukha ng anak natin?" napalingon ako sa kanya na parang nag aalangang sumagot.

"Hindi ko siya nakita, hindi ko rin siya nahawakan at mas lalong hindi ko siya nayakap bago man lang siya mawalay sa'kin." humagulgol na ko ng iyak. Kapag anak ko talaga ang pinag uusapan talo talaga ako. Kahit sabihin ng iba na apat na taon na at kailangan ko na mag move on hindi ko kaya.

Iba ang pagmamahal ng ina sa anak. Kahit wala siya sa tabi ko, kahit hindi ko siya nakikita at nahahawakan alam kong alam niya na mahal na mahal ko siya.

"Sorry for asking Agatha, pakiramdam ko kasi nasa tabi lang natin siya, feeling ko nakikita niya tayo. Pero kahit anong pilit kong tanggapin na wala na siya hindi ko mapigil na nawala siya ng dahil sa gagong tulad ko."

"Hindi makakatulong ang pagsisisihan, wala na tayong magagawa ipagdasal na lang natin siya at maging masaya sa magiging buhay natin. Lalo ka na magkakaroon ka na ng asawa at bubuo ng pamilya. Maging responsable ka sana Jacob."

"Tara na medyo lumalamig na. Mag iimpake ka pa diba?" pinunasan ko ang luha ko at sumunod sa kanya. Bakit parang hindi naman kami papunta sa Hotel?

"Bakit hindi tayo papunta sa hotel?"

"Naisip ko na dito muna pala tayo susulitin kong kasama ka. Este kasama ang simoy ng Spain." inambahan ko siya at kinindatan niya lang ako.

"Hoy hindi ko balak maging kabit mo! Bakit kailangan mo sulitin ang araw na kasama ako? Bakit mamamatay na ba ako?" natatawa kong tugon. Natawa rin siya sa sinabi ko at dumiretcho na kami sa Hotel.

To be continued.............

Comments naman kayo ng reactions niyo about sa chapter na'to.

You can also Pm me on my Facebook account for some info and schedule for updates.

Thank you for reading.

Team Trevor or Team Jacob

Feel free to comment your team. Heheheheh

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon