Chapter 11

3.4K 46 1
                                    

Agatha POV

"Agatha! Agatha! Gumising ka! ano bang nagyayari sayo!" napatayo ako bigla at nag sign of the cross. Akala ko totoo yung nangyayari.

"Binabangungot ka yata. Ginising kita kasi kanina ko pa naririnig yung pagsigaw mo." hinimas ni Rocelyn ang likod ko at pinilit akong kalmahin.

Iniisip ko kung sino yung lalaki sa panaginip ko, bakit kanina kilalang kilala ko siya? Ngayon ni isang physical features hindi ko maalala.

"Ano bang napanaginipan mo?"

"muntikan na kong ma rape, tapos may lalaking sumagip sakin, but I cannot remember the guy anymore." iniisip ko pa rin kung sino yung lalaki sa panaginip ko pero bigo pa tin akong maalala.

"Rocelyn! Agatha!"agad na bumaba si Rocelyn at binuksan  ang pinto, bumaba na rin ako at si Trevor nanaman ang bumungad. Wait, magkasama sila ni Zyrel?

"Is he your Boyfriend?" napatanong bigla si Rocelyn dahil magkasama silang pumunta dito.

"No! In fact we don't know each other nagkataon lang na sabay kaming pumunta dito." pag depensa ni Zyrel. Natatawa lang si Trevor na parang wala lang.

"Tama the two of us are totally stranger no connection at all." pinapasok namin sila parehas, para makapag almusal.

"Oo nga pala bago ko makalimutan I want to invite you for my engagement party." napatigil kami sa pagkain ng cereal ng marinig namin ang sinabi ni Zyrel.

"Agad agad? Napag isipan mo ba yan maigi?" hirit ko habang siya nakangiti lang.

"There's no problem with that as long as they love each other." singit ni Trevor habang umiinom ng kape.

"Trevor? right? Since you're my best friend's friend Join ka na rin para may kasama sila." tumango lang si Trevor at patuloy lang na umiinom ng kape.

"Kailan ba yan? Syempre hindi naman kami pupunta nang ang papangit namin." biglang singit ni Rocelyn. Bigla kong naalala na may pasok pa pala ako.

"Excuse me may pasok pa pala ako ngayon. Maiwan ko muna kayo." I immediately go to the lavatory para maligo. Mabilisang make up at ready na.

"Mga sis, Trevor, I have to go. Usap tayo mamaya for the details. by the way advance congratulation Zyrel." hindi pa ko nakakalabas ng biglang tumayo si Trevor at iniwan ang kapeng iniinom.

"I will drop you off. Hihintayin na lang kita. for sure bukas pa ang regular day mo kasi most commonly orientation day pa lang ang first day." pumayag akong ihatid niya ko pero pinigilan kami ni Zyrel.

"Actually mamaya na yung Event mamayang 8 pm Makakapunta ba kayo?" nagkatinginan kami ni Rocelyn. Naku wala kaming gamit na gagamitin.

"Sure pupunta kami. You don't have to worry hindi mawawala ang kaibigan mo to witness your one of the most especial day in your life." nakangiting saad ni Trevor. Ngumiti na lang rin si Rocelyn na parang nakuha ang gustong iparating ni Trevor. Nagpaalam na si Zyrel at naunang lumabas.

"So Trevor what's your plan? This is not a joke Trevor I don't need your smile! I need you! Joke. So whats now?" Si Rocelyn talaga.

"Sumama ka na samin And I will show you." nagbihis na agad si Rocelyn at sabay sabay kaming umalis. Hindi nga nagkamali si Trevor, orientation lang ngayon kaya lumabas rin ako agad. Bigla kong naalala yung panaginip ko kaya nagmadali akong sumakay sa kotse ni Trevor at nagyaya nang pumunta sa sinasabi niyang " 'I will show you.'" "

"Ano bang nakain mo't nag mamadali ka?" naasar na tugon ni Rocelyn. Natawa lang si Trevor at patuloy na nag drive. Kawawa naman si Trevor mukhang napapagod na namin. Kumuha ako ng tissue sa bag at pinunasan ko yung pawis niya sa noo.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon