Chapter 36

2.2K 44 5
                                    

Agatha POV

Buti na lang maganda ang kinalabasan ng meeting kahapon, kaya good mood ang lahat at naka iwas rin ako sa sermon. Tinanong pa nga ako kung kamusta na ang diarrhea ko natawa na lang ako ng bahagya at sinakyan na lang ang sitwasyon.

"Sis si Jacob nasa labas. Kasama ng Mommy niya." bigla ako napatayo sa pagkakahiga pag ka rinig ng pangalang Jacob. Parang biglang nawala ang antok ko. Kakatapos ko lang kasi mag ayos ng gamit.

"Anong ginagawa nila dito? Bakit daw sila nandito?" halos mataranta kong tanong. Teka bakit ba natataranta ako?

"Hindi ko alam, pero ang pagkakarinig ko, iniimbitahan nila sila Mommy sa victory party ng  business nila" nahihiya tuloy akong lumabas. Hindi ko alam kung paano ako haharap.

"Sis paano ko makakapag paalam kay Tita Amelia na uuwi na ko? May kinakausap siya." this time babalik na ko sa bahay namin. Ang tagal ko rin tumira dito sa kanila kaya I have to respect them kahit na sa pagpapaaalam na lang

"Sasamahan na lang kita pagbaba. Tulungan na kita d'yan sa bag mo." nag aatubili pa akong bumaba dahil sa nahihiya nga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Excuse me po may I interrupt you for a while? Magpapaaalam lang po ako aalis na po ako Tita." nakita kong napatingin sa direksyon ko ang  nananahimik na si Jacob.

"Anak ingat ka doon ah h'wag mag papagutom hindi na kita mababantayan." kinindatan ako ni Tita which is alam ko na sumakay na lang daw ako.

"Ang laki na ng Anak ni Angel no? Biruin mo nga naman na ang gandang bata. Hindi ko kasi nakilala huli ko siyang nakita sa may sementeryo sa may libingan ng apo ko."

"Oo siya yung nanay ng apo mo. Siya yung sinayang ng anak mo." nagulat kaming lahat sa loob ng bahay sa sinabi ni Tita Amelia. Ang alam ko rin kasi kilala na ko ng Mommy ni Jacob, pero sa pagkakataong ito mukhang wala nga siyang alam.

"Sige po Tita salamat po sa lahat lahat. Baka kailangan ko lang pong magpahinga sa mga nangyari this past few months." hindi inaalis ni Jacob ang tingin niya sa'kin. Nakikita ko siya from my peripheral. Ngumiti lang si Tita Amelia at binigyan na ko ng signal na okay na.

"Sis, mamimiss kita." yakap sa'kin ni Rocelyn. Bigla siyang natawa sa mga sinabi niya pero hindi niya pinahalata.

"Sige sis I have to go. Maghihintay pa ako ng taxi eh." inabot niya na sa'kin ang bag ko na hawak hawak niya. Lumabas ako na natatawa sa mga kalokohan namin.

"Nak, Hija pasensya ka na sa lahat lahat, wala namang may gusto ng nangyari." lumapit sa'kin ang Mommy ni Jacob at niyakap ako.

"Naku okay na po yun. Wala na po tayong magagawa nangyari na po ang lahat, besides we're all happy right now at matagal na kong nakapag patawad. Sige po kailangan ko na pong umalis." niyakap ko rin siya ng sandali at tuluyan ng lumabas ng bahay

"Agatha! Sandali lang." lumabas si Jacob at sinundan ako. Parang napako ang paa ko at kusa akong tumigil para pakinggan siya.

"May problema nanaman ba? Nako kung meron nanaman h'wag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Hindi biro lang! Ano ba yung sasabihin mo?"

"Saan ka ba pupunta? Aalis ka na?" lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ko siya napigilan.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko.

"Agatha, Pwede bang sa tabi na lang kita ulit? Akala ko sasaya ako kapag wala ka. Pinilit ko ang sarili ko na tanggalin ka sa puso ko, kaso sa bawat oras na ginagawa ko yun mas lalo lang akong nasasaktan." napangiti na lang ako sa mga sinabi niya. To be honest masaya akong naririnig ang mga bagay na yan, kaso takot pa kong sumugall.

"Ano ba yang mga sinasabi mo? Makaka move on ka rin. Makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa'yo. Bakit kasi hindi ka tumuloy sa kasal mo? Naiinis rin ako sayo eh." kusang pumatak ang luha ko pero tumawa lang ako para mapasimplehan kong punasan.

"Hindi ko gustong magpakasal kapag hindi ikaw ang pakakasalan ko. Pipiliin kong mag isa kapag hindi ikaw ang kasama ko, pipiliin kong maging malungkot kung hindi ikaw ang dahilan ng pagtawa ko at mas pipiliin kong mamatay kung hindi ikaw ang dahilan para mabuhay ako. Babawiin kita Agatha, babawiin kita Love." niyakap niya ulit ako. Yung yakap na punong puno ng pagmamahal. Kusang yumakap ang mga bisig ko sa kanya, tila hinahanap yung taong alam nilang magbabalik sa sigla sa pusong dati ng nalanta.

"Sige na I have to go. Be happy without me." napasimangot siya sa sinabi ko. Binalik ko lang naman ang sinabi niya noon, buti na lang at may dumaan ng taxi kaya pinara ko na agad.

"Manong doon po sa kabilang phase nitong subdivision sa may pinaka dulo po." nagulat ako at napahinto si manong sa pag dadrive habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

"Mukhang may sasabihin sa inyo yung lalaking humahabol sa atin ma'am." binaba ni manong yung bintana para marinig ko yung sasabihin ni Jacob.

"Salamat kuya, nakakapagod humabol. Pero hindi ako mapapagod na habulin ka Agatha I just want to say I LOVE YOU. kuya isara niyo na po." hinihingal na tugon ni Jacob. Hindi na rin ako nakapagsalita dahil feeling ko ang init ng pisngi ko, at isa pa sinarado na ang bintana.

"Ang sweet naman ng boyfriend niyo ma'am. Wag niyo na po yun pakawalan baka po magsisi kayo sa huli." hindi ko lang masabi kay manong na ako ang binitawan eh, ako nga ang iniwan kaya siya naghahabol sa'kin. Hindi na lang ako umimik hanggang sa nakarating ako sa bahay namin.

"Salamat po kuya ito na po ang bayad ko." inabot ko lang ang bayad ko at excited na lumabas.

"Ate! Namiss kita!" naiyak pa ang kapatid ko sa pagsalubong sa'kin. Hay nako Jennica mahal na mahal ang ate niya.

"Ma I miss you." niyakap ko ng mahigpit ang nanay ko. Ang tagal ko rin hindi naramdaman ang yakap ng isang ina.

"Anak may kasalanan si Mama sayo. H'wag mo sana akong husgahan kapag sinabi ko sayo ang bagay na'to."

"Ma naman eh kararating ko lang h'wag mo naman akong binibiro kinakabahan tuloy ako sa sasabihn mo eh." Pumasok kami sa loob ng sabay sabay. Pero pakiramdam ko may mali talaga

"Jennica akyat ka muna sa taas may pag uusapan lang kami ni ate mo."

"Okay po Mommy." kinakabahan na talaga ako sasabihin ni Mama.

"Agatha, patawarin mo ko, patawarin mo ko sa mga nagawa ko sa'yo. sana kilalanin mo pa rin akong ina kapag nalaman mo lahat." Bumuhos ang luha niya na parang wala ng bukas. Halos hindi na niya masabi ang ibang salita.

"Ma anong ibig mong sabihin? Wala na po sa'kin ang mga bagay na yun. Magsimula po tayo ng bago ng sama sama at masayang pamilya." lumuha na rin ako dahil sa nakikita kong itsura ng nanay ko.

"Agatha, mahirap para sa'kin ang nangyayaring ito dahil ina rin ako. Makinig kang mabuti alam kong hindi mo ko mapapatawad sa sasabihin ko."

"Ma, ano bang sasabihin niyo? Kinakabahan na talaga ako." hindi na talaga tumitigil ang luha ko at tumatalon na ang puso ko sa kaba.

"Buhay ang anak mo Agatha, buhay siya hindi siya ang nakalibing sa libingan na lagi mong pinupuntahan." hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Humagulgol lang ako at parang nawalan ng lakas ang buo kong katawan.

"Anong ibig niyong sabihin? Nasaan ang anak ko Ma? Nasaan? Ang tagal kong nangulila bakit ngayon niyo lang sinabi?" hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kung panaginip lang to sana magising na ako.

To be continued...............

Guys comments your reactions.

nainis, sumaya, nagulat or kung ano pa man.

Team Trevor or Team Jacob?

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon