Chapter 4

5.4K 70 0
                                    

Agatha POV

Okay na kaya siya? Ano kayang nangyari sa kanya? Hanggang sa pag uwi ng bahay siya pa rin ang nasa isip ko. Paano kaya kapag tinawagan ko siya sa number na pinang text niya sakin? puntahan ko kaya ang Clinic sa school? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, nag aalala ako sa kanya.

"Agatha, Agatha! Hoy buksan mo na ang pinto." bakit nandito 'tong babaeng 'to?

"nakabukas yan pumasok ka na lang."

"Agatha, may balita ka na ba kay Jacob? Hindi raw siya umuwi nu'ng araw na dinischarge siya sa clinic. Nasaan na kaya siya?" napabalikwas ako sa sinabi ni Rocelyn, pero hindi ko pinahalata.  Saan naman pupunta yun?

"Paanong hindi umuwi? Saan naman 'yun pupunta?" natataranta na ko sa nangyayari.

"I don't know. Basta ang alam ko lang tumawag daw ang tatay ni Jacob sa school kahapon. At take note Momshie, galit na galit ang tatay niya!" saan kaya pumunta 'yung lalaking 'yon? Kailangan mahanap ko siya.

"Hoy Agatha, h'wag mong sabihing hahanapin mo 'yon!" nakasimangot na tugon ni Rocelyn.

"Hindi no! Bakit ko siya hahanapin tama na 'yong pinuntahan ko siya sa gym kahapon." nakasimangot kong sagot. But deep inside I really wanted to look for him.

"Siguraduhin mo. Kahapon nga lang halos maglupasay ka sa kaiiyak dahil sa lalaking 'yan."

"Kahapon 'yon. Basta hindi ko siya hahanapin."

"Good! at least malinaw sa'ting dalawa. Sige I have to go may schedule pa ako bukas. Bye, sis." kumaway lang ako hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Kinuha ko agad ang phone ko at dinial yung number na ginamit niya nang nag txt siya sa'kin.
Out of coverage Area. Tatawag pa sana ko nang pumasok si Mommy sa kwarto ko.

"Agatha, ikaw munang bahala kay Jennica may aasikasuhin lang ako ngayon, may pupuntahan lang ako." tumango lang ako habang si Jennica pinaglalaruan nanaman ang Make up ko.

napahiga na lang ako sa kama sa kakaisip ng mga nangyayari. Iniisip kung paano ko siya mahahanap, paano ko malalaman kung okay ba siya.

"Ate! Ate! Ate! Aaaaaate!" napatayo ako bigla sa pag sigaw ni Jennica. Nataranta ko nang sobra halos maihagis ko na ang cellphone na hawak ko.

"Anong nangyari? Nasugatan ka? May masakit ba?" kinapa ko na ang katawan niya sa sobrang taranta ko.

"May kumakatok. Natatakot akong buksan baka may mumu!" napasinghap ako at nahimasmasan.

Sumilip ako sa bintana para matanaw kung sino ang nasa ibaba. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko yung likod ng taong kumakatok. Bumaba agad ako at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Jacob? Bakit nandito ka?" bigla lang siyang natumba at napayakap sakin.

"Jacob, ang taas ng lagnat mo!" Paghawak ko sa noo niya may mga dugo na sumama sa kamay ko. Inalalayan ko siyang umupo sa sofa.

"Masaya ako ngayon." nahihibang na ba 'tong taong to? Paanong masaya puro siya sa sugat.

"Masaya ka pang maraming sugat? Masaya ka pang nilalagnat? May problema ka ba sa utak?" pag sesermon ko sa kanya.

"Miss, I mean Agatha thank you for being there to save me." hindi ko alam kung sasaya ba ko o maaawa sa sarili ko sa mga bagay na sinasabi niya.

"No problem. anong gusto mong gawin ko iwan kita at hayaan kang mamatay? e di konsensya ko pa. Tyaka hindi ako tulad mo." nakangiting tugon kahit gusto ko ng umiyak.

"Magkano na ba utang ko sayo? Lista mo na lang ah? Anong  hindi kita tulad?" natatawa niyang biro kahit na halata pang masakit ang mga sugat niya.

" Wala! maiba tayo, may natatandaan ka ba noong nakita kita sa Gym?" nahihiya kong tanong.

"Ang alam ko lang dumating ka at tinulungan ako." napanatag ako sa sinabi niya. Buti na lang talaga wala siyang maalala. Ayoko na rin kasi na may maalala siya tungkol sa'min.

"Hindi mo ba ko minahal kahit isang segundo lang sa buhay mo?" pabulong kong tanong at hindi ko intensyong iparinig sa kanya.

"Paanong hindi minahal?" halos mamula ako sa sinabi niya. Narinig niya ba?

"Anong sinasabi mo? May kinakabisado akong line sa napanood ko ang ganda kasi eh gustong gusto ko." pagpapalusot ko.

"Baka naman pwedeng pa sample d!yan para makalimutan ko na may mga sugat ako." pangungulit niya. Pinagbigyan ko para maramdaman niya ang kanina pang gustong isigaw ng puso ko.

"Bakit ba sa oras na nakikita kita hindi mapigilan ng mata kong lumuha? Ang tagal mong nawala tapos babalik ka para lokohin ako ulit?! At paasahin sa tsansang mas maliit pa sa butil ng bigas?! Tama na masakit na!" pinilit kong ngumiti habang sinasabi ang line na kunwari sa palabas lang nakuha, pero ang totoo ito ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.

"Minahal mo ba ko? Kahit isang minuto lang? Minahal mo ba talaga ko? Bakit parang ako lang? Bakit parang ako lang ang nagmamahal." I said while crying. Hindi ko na napigil ang emosyon ko. Gusto ko lang ng kumpirmasyon.

"Sige Agatha I have to go. Magaling ang acting skills mo." tumayo siya at dumiretcho palabas ng pinto. Hindi ko alam bakit hindi ko siya pinigil o kahit bigyan lang muna ng gamot basta pagkalabas na pagkalabas niya, niyakap ko yung sofa na inupuan niya. Bakit ba sa oras na kasama kita, lagi akong nasasaktan? Hindi ba pwedeng break muna ang sakit? Hindi ba pwedeng timeout?

"Ate bakit ka umiiyak? Susumbong natin kay Mommy ang umaway sayo." niyakap ako ni jennica at kinissan. Umupo Ako at kinandong ko siya.

"Pag laki mo maging good girl ka ah? Nandito si ate pag may nang aaway sayo ok? Hindi ka iiyak katulad ni ate ok ba yun?" pilit kong inayos ang pagsasalita ko dahil ayokong makita niya kong mahina.

"Opo Ate! I will always make you and mommy proud." she said happily while waving her hand like beauty queen. Bigla namang tumunog ang cellphone ko dahil sa may nag text.

From: Jacob

Miss, Agatha pala pasensya ka na. Umalis na agad ako, baka maabutan kasi ako ng Mommy mo baka ano ng magawa sakin no'n. Hahahah pero ang galing ng acting skills mo. Tiyaka mahal ka no'n baka hindi lang isang segundo. Hahahah.

To: Jacob
From: me
Sana nga mahal nga ako. Sana nga may puwang ako sa puso niya. Sana. Bwahahahah.

Kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko pinilit kong mag reply. Gusto ko na talaga siyang kalimutan. Iwanan na ang nakaraan, ayoko nang umiyak pa, ayoko ng umasang maaalala niya kung gaano ko siya minahal, kung gaano ko pinangarap na siya lagi ang makikita ko pag gising ko. Ito na siguro ang hudyat para kalimutan ang dating kami na kahit kailan ay hindi na mabubuksan pa. PAALAM

To be continued...

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon