Chapter 46

2.7K 44 0
                                    

Agatha POV

Hindi nga kahit kailan man magtatagpo ang puso na kapag nagsama ay maraming gulo ang nagaganap.

Jacob decided to have space recently. Masakit pero tinanggap ko. Kahit sabihin kong wala akong kasalanan sa nangyari, siya pa rin ang nawalan.

Mabubuhay nga siguro kami ng magkahiwalay at pinagpapasalamat ko na lang ang araw na nagawa kong hawakan ang kamay niya, haplosin ang buhok niya at sabihing mahal ko siya.

Almost one month since he decided to separate ways to heal the wounds brought by the uncertainty.

No communications, walang kamustahan at walang kung ano pa man. Ang hindi ko lang matanggap sa lahat, nagagawa niyang tiisin ang anak niya. Hindi ko kayang sagutin ang anak niya kapag naghahanap sa kanya.

"Sis, God has a better plan for you. Nasaktan rin ang tao sa pagkasira ng pamilya niya kaya mahirap manisi sa ngayon." Napakataksil ng tadhana minsan akala mo magsisimula na ang mga bagong pangarap ng magkasama, pero patikim lang pala ang lahat dahil patapos na.

"Sa lahat ng aspeto ng buhay ko lumaban ako hindi ako sumuko pero pag dating sa dulo talo pa rin ako." Nakangiti akong lumuha pilit tinatakpan ng saya ang pighati na kahit kailan ay mahirap mabura.

"Anak, may mga pulis sa labas kakausapin ka daw." teka akala ko close na ang case? Para saan to? Kinakabahan akong lumabas para kausapin ang mga pulis.

"Sir, Good afternoon po ano po ang sadya niyo?" may binigay sila sa'king papel na naka sobre. Kinakabahan ako kung para saan 'to. Nang binasa ko, nagulat ako dahil nagsampa si Jacob ng criminal case against me.

"Sir, baka naman ho nagkakamali lang po kayo ng type ng pangalan ako po ba talaga ang tinutukoy dito?"

"Ma'am, Mr. Jacob Miller file a criminal case against you. Ma'am, Kailangan niyo po ng counter affidavit para sa kaso. Kailangan niyo po pumunta ng hearing bukas." paano to haharap ako sa hearing ng walang abogado. Naiiyak ako sa nangyayari.

Sabi niya, kahit kailan hindi mangyayari sa pamilya namin ang ganitong sitwasyon. Ano nga bang aasahan ko? Napaka sinungaling niya parehas sila ng tatay niya.

"Ma'am, sige po aalis na ho kami maraming salamat po." hindi ko na sila inintindi at ibinagsak ko na ang pinto sa sobrang galit.

"Ano ang sabi? Nabuksan ba ulit ang case ni Mellisa?" Patuloy sa pag agos ang luha ko. Hindi mag sync in sa'kin ang ginawa niya.

"Nag file si Jacob ng Criminal case against me. Hindi ko alam bakit kailangan humantong pa sa ganito. Akala ko ba malinaw na sa kanya lahat?" Niyakap ako ni Mama at pilit na pinatatahan.

"Naku sis hayop talaga yang Jacob na yan eh! Akala ko nagpalamig lang kinasuhan ka pa! Mapunta sana siya sa Impyerno!" Nanggagalaiting saad ni Rocelyn habang pinaghahampas ang pintuan.

"Haharap tayo sa kanila. Hindi sila mananalo sa kaso na'to alam kong inosente ako at wala akong kasalanan. Kusa akong nilagtas at hindi ko iniharang ang katawan ni Tita Mellisa just to save my life!" tinawagan ko si Jacob to clarify things pero hindi niya sinasagot. Ano bang meron sa taong 'to?

"Saglit Sis, tatawagan ko si Trevor kung meron siyang kakilalang Abogado na pwedeng tumulong sa'tin." lumabas siya para tawagan na rin si Trevor. Napufrustrate na 'ko sa problema ko, gusto ko na rin sumuko at sabihing pagod na ko.

"Tatawagan ko lang ang kaibigan ko na pwedeng tumulong sa'tin para in case na walang mahanap si Trevor ay mayroon tayong reserba." umakyat si Mama para gawin na rin ang lahat para makatulong sa kaso na haharapin namin.

Baka si Zyrel may kilalang puwedeng tumulong sa'min. Tinawagan ko agad siya kaso hindi rin ma contact. Ano bang sitwasyon 'tong nararanasan ko, bakit parang wala man lang time out?

"Sis, hindi raw available ang kilalang lawyer ni Trevor mayroon din daw hahawakan na kaso, pero sabi niya pupunta raw siya sa hearing. Si Zyrel natawagan mo na?"

"Rocelyn suko na 'ko, ayoko na talaga pagod na pagod na akong patunayan ang sarili ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar." napaupo na lang ako at napasabunot. Gusto kong mawala na parang bula para wala ng problema.

"Nak, hindi pwede ang kakilala ng kaibigan ko, may sakit at naka confine sa hospital. Kamusta ang kakilala ni Trevor?" Gulong gulo na utak ko! Tama na!

"Tita, hindi rin daw po available."

"Hayaan niyo na kahit wala tayong abogado sa unang hearing. May mahahanap din tayo sa susunod na hearing." Ganun talaga minsan malalagay ka sa alanganin pero ano nga bang magagawa mo?

"Paano 'yan mapapahiya lang tayo sa hearing bukas, pagmumukhain tayong tanga ng hayop na Jacob na yan!"

"Hayaan mong magmukha tayong tanga, Ma. Ganun naman ang gusto niya makita tayong nahihirapan, kaya ipakita natin na nahihirapan tayo para matapos na ang lahat. Kulong kung kulong basta alam ko na inosente ako. Ikaw na munaang bahala sa anak ko Ma." Umakyat ako at iniwan silang dalawa sa baba. Pinilit kong hindi umiyak at maging matatag.

Gusto ko ng magpahinga, gusto kong maging mapayapa kahit saglit ang utak ko.

"Agatha, uuwi na ako baka abutin ako ng dilim sa daan. Basta magkita tayo sa hearing bukas. Tandaan mo hindi kita iiwan." hindi na lang ako sumagot at naluha na lang sa sinabi niya.

Bukas man o sa susunod na araw ang hatol, tatanggapin ko ng buong puso at ng walang pag aalinlangan maibagay ko lang ang ikasisiya ni Jacob.

Inihiga ko ang sarili ko katabi ang anak ko na katutulog lang din. Nagdasal ako na sana sa tama pumanig ang batas at hindi sa kung ano lang ang nakikita ng mata at ipinikit ko na ang mata ko.

--------

"Mommy, Mommy! Wake up sabi ni Mommy Angel may pupuntahan ka pa raw!" napatayo ako bigla ng naalala ko ang hearing.

"Salamat, nak. Ligo muna si Mommy."

"Sige po. Ako na po ang mamimili ng dress niyo para po maganda kayo pag umalis po kayo." tumakbo siya sa may closet at naghalungkat ng damit.

Pumasok na ako sa sarili naming CR para maligo dahil nandiyan na rin yata si Rocelyn sa baba. Bawat dampi ng tubig sa katawan ko feeling ko ganito na rin ang naubos kong luha kaya oras na para magkaalaman.

Paglabas ko ng CR naka ready na ang damit na susuotin ko.

"Bakit sobra naman ang pinili mo? Hindi naman ako pupunta sa event. Hindi naman kailangang bongga ang suot ni mommy."

"Mommy, maganda ang white dress tapos i bun niyo po ang hair niyo para pag umalis po ikaw maganda ka." wala akong nagawa kaya sinuot ko ang white dress na may belt na medyo flowy ang dating. Hindi ko na tinali ang buhok ko dahil sa hearing ako pupunta at haharap ako sa hayop niyang ama hindi sa kung anong party.

"Agatha, nadyan na si Trevor ihahatid niya raw tayo!"

"Sige sis palabas na 'ko! Jennica dito ka lang kay Mommy Angel huwag kang pasaway ah." tumango lang siya at hinalikan ako sa pisngi.

Lumabas kami parehas ng kwarto pero iniwan ko siya kay Mama at lumabas na rin kami para pumunta kung saan man 'yun. Tiningnan ko 'yung papel na binigay sa'kin nang pulis at tinignan kung saan gaganapin ang hearing.

Dumiretcho agad kami sa place na nakalagay dahil baka mahuli na kami. Pagdating namin doon, sinamahan pa kami ng limang pulis sa hall. Kinakabahan ako.

Pagbukas ng pintuan ng hall napaiyak ako ng biglang kinuha si Trevor at Rocelyn ng pulis at pinosas ang kamay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa.

Pinalakad ako sa gitna ng hall habang umiiyak at may lalaking lumuhod sa harapan ko habang maraming pulis ang nakapalibot.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari basta takot na takot ako. Pagtingin ko sa lalaking nakaluhod mas lalo akong naiyak.

To be continued...........

Next will be the last chapter plus the epilogue.

Hope you'll enjoy this story.

The Last chapter and the epilogue are private. Before you read those, follow me, remove the story from the library and add again to unlock the 2 parts.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon