Chapter 17

2.8K 46 10
                                    

dedicated to leilo26 move on na bebe ghurl.

Agatha POV

May mga taong umaalis at dumarating, may mga bagay na nagsasara at may nagbubukas.

"Miss Matunog, baka pwedeng paki suyo na i forward naman sa printing yung
mga writings na tapos nang i revise? Marami pa kasi akong kailangan tapusin." maaga akong pumasok dahil na rin nahihiya ako. Biruin mong bigyan ako ng special treatment dito sa kompanya.

"Sige Ma'am ako na pong bahala puntahan ko na lang po table niyo ako na po aasikaso. Tatapusin ko lang ho ang ipinapaprint na Blueprints." nginitian niya lang ako at nagpasalamat. Nang natapos ko nang ibigay ang blueprints pumunta agad ako sa table ng nakisuyo sakin to forward all the writings need to be printed as a book. Sobrang nakakapagod ang araw na'to pabalik balik ako dahil ang tagal mag loading ng mga files at marami pang kailangan i Prints.

I feel so exhausted gusto ko nang magpahinga but I have to do this for my own sake. Akala ko madali lang ang gawain dito pero pahirap ng pahirap.

"Miss Matunog kailangan pa ulit ng 30 copies."

"Okay po ma'am" kahit gustong gusto ko nang umayaw kailangan eh. Hinihintay ko na lang mag uwian 30 mins na lang rin naman eh. Nang natapos ko na ang mag print inayos ko na agad ang mga gamit ko. Hindi na rin naman kukunin tong blue prints dahil mag uuwian na. Iniwan ko na lang at dali daling nag out.

"Ma'am Agatha!" napaharap ako sa gwardiya at napangiwi dahil gusto ko na talaga ihiga ang katawan ko nahihiya lang akong hindi siya pansinin. Lumapit ako at nagpanggap na okay lang ang lahat.

"Ma'am may nagpunta po ditong babae kanina, I remind daw ho kita na naaksidente daw ho ang Mister niyo, yung laging sumusundo sa inyo." parang biglang umakyat ang dugo ko sa ulo at para akong naluha.

"Papunta raw ho yun dito kaso nabunggo ng truck yung likod ng kotse. Kaya ayun agaw buhay." nakokonsenya ako.

"Kuya sinabi ho ba kung saan ang Hospital? saan siya naaksidente? nakulong ba ang nakabunggo? okay na daw ba siya?" hindi ko na maisip ang mga ittanong ko, natataranta na ko ng sobra, gusto ko nang lumipad mapuntahan lang si Trevor.

"Ma'am ito po yung Address ng Hospital room 101 daw po sila naka room." kinuha ko agad ang papel at sumakay na ng taxi. Hindi na rin ako nakapag pasalamat kay manong guard basta ang kailangan ko puntahan si Trevor.

Pag sakay ko ng taxi, sinabi ko agad ang location. Buti malapit lang dito ang Hospital. Lumabas agad ako ng taxi at napatakbo.

"Miss yung bayad mo!" naku naman natatranta na talaga ako. Binigyan ko na lang siya ng 200 at diretcho ng pumunta sa kwarto ni Trevor.

Nakita ko siyang nakahiga at maraming sugat ang mukha. Naka dextrose din siya at hinang hina.

"Trevor, nandito na'ko gumising ka na h'wag mo na kong paiyakin. Trevor plss." bigla akong sumaya nang dumilat siya at tinawag ang pangalan ko.

Bigla namang nagdatingan sila Rocelyn at Zyrel pati ang Mama ni Trevor. Yumakap ako sa mga Bestfriend ko at naluluha na nang sobra dahil nga sa nangyari.

"Sis okay lang yan. Tignan mo si Trevor okay naman siya ah tignan mo." pag tingin ko may hawak ng tarpaulin si Trevor na may nakalagay na 'Can I court you until you say yes?"' hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magagalit ba ako o matutuwa sa nangyayari.

"sorry Agatha for making this, I know it's hard for you to say yes but pls let me do this."

"No Trevor it's okay, okay lang talaga masyado lang akong kinabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sayo." niyakap ako ni Trevor at hinalikan sa noo. Pinunasan niya pa ang luha ko at pilit akong pinangingiti.

Akala ko tapos na nang pumasok si Jacob na may dalang cake. Napasimangot si Trevor ngunit wala sigang magawa surprise daw yun ni Zyrel. Bigla ko tuloy naalala nung araw na sinagot ko si Jacob.

Flashback

Hindi ko alam kung bakit parang ang cold niya sakin nang araw na yun. Hindi ako pinapansin, hindi sumasabay ng pagkain ang sabi niya lang masama daw ang pakiramdam niya.

"Ahhhhhh aray fuck ang sakit!" nagulat na lang ako nang sumigaw siya habang bumababa ng hagdan. nasa bahay nila kami nang mga oras na yun.

"Anong nangyari? Anong masakit? Kuya! Tita si Jacob! Saglit lang ah dito ka lang." tumakbo ako at hinanap ang pwedeng tumulong sa'kin. Pagbalik ko sa harap ni Jacob nakaluhod siya at may hawak na kwintas.

"Can you be my girlfriend Agatha?" naluluha pa siya habang nagsasalita kaya pati ako nadamay. Tumango ako para sabihing Oo.

End of flashback.

"Agatha okay ka lang? May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak?" natauhan na lang ako nang magsalita si Trevor.

"Wala to masaya lang ako. Masayang masaya kasi ready na pala ako sa ganitong sitwasyon." biglang nilapag ni Jacob ang Cake sa kama at lumabas ng hindi alam ang dahilan. Ngunit sigurado akong nasasaktan siya. Ganun rin naman ako kaso ayoko nang umiyak nang dahil sa kanya.

"Agatha I know you're tired. Pasensya ka na sa corny kong gimik. Ako pa lang ata ang gumawa niyan na nagsakit sakitan para sa isang babae." napangiti lang ako. hindi niya alam na si Jacob ganyan din ang ginawa.

"Ako na maghahatid sayo." tumanggi na ko dahil ayoko na munang mag maskara sa harap niya, na kahit masakit pipiliting ngumiti. Hinawakan ko lang ang kamay niya at sinabing kaya ko na to.

"Sige Trev dito na kami thank you for Getting me nervous and happy at the same time." kumaway siya hanggang sa makalabas ako.

Naisipan kong mag CR muna bago Kami umuwi. Napabalikwas ako ng may biglang humila sa'kin papunta sa isang sulok malapit sa CR. Nagulat pa ko ng may lumapat na labi sa labi ko.

kilalang kilala ko ang mga halik na yun. lumuha ako habang patuloy na humahalik ang taong humila sa'kin. Tumigil siya at pinunasan ang luha ko.

"Tapos ka na ba? sige halikan mo hanggang gusto mo! kunin mo yung gusto mo! Kunin mo na! Umaasa ako na kapag nakuha mo na aalis ka na at kakalimutan ulit ako!" binitawan niya ko at hinawakan ang kamay ko habang lumuluhod.

"Ano bang kailangan kong gawin mapatawad mo lang ako? sisirain ko ang buhay ko kung gusto mo mapatawad mo lang ako." umiiyak niyang tugon habang nakaluhod.

"Wala kang gagawin Jacob! Ganyan naman kayo ang lakas ng loob magsalita pero wala sa gawa. Kailan mo ba'ko titigilan? Pagod na pagod na kong umiyak, pagod na yung mata kong lumuha ng dahil sa walang kwentang tulad mo!"

"Agatha marinig ko lang na pinapatawad mo ko hindi na kita guguluhin."

"Wala kang maririnig mula sa'kin! Wala kang maririnig habang buhay mo yang dadalhin! Buti sana kung ganon lang kadali ang mag patawad kaso Jacob nasira ang buhay ko. kaya pasensiya na I have to go." iniwan ko siyang nakaluhod at umiiyak.

Gusto kong ibigay ang hinihingi niya kaso ang hirap sobrang hirap. Ganun na lang ba yun pagkatapos kang saktan isang aorry lang okay na?

To be continued...........

read at your own risk.

sa mga nagbabasa salamat po.
sa mga silent reader I love you paramdam na kayo hahahahah

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon