Chapter 6

4.2K 62 0
                                    

Agatha POV

Bakit ganun parang hindi ako masaya sa desisyon ko? Bakit parang nagsisisi ako, bakit nandito pa rin ang sakit? Sobrang OA na ng nararamdaman ko. Heto pa rin ako may luhang pumapatak akala ko kasi closure lang ang sagot sa'ming dalawa.

"Agatha, may naghahanap sayo Zyrel daw ang pangalan!" napabalikwas ako sa narinig ko. Nandito si Zyrel? For real? Tumakbo agad ako at niyakap siya.

"Sis, nandito ka pala! Kamusta anong ganap sa buhay mo? Namiss ka namin ni Rocelyn." halos maluha ako na makita ang isa sa mga bestfriend ko.

"Masyado kasi akong naging busy. Ikaw nag ka boyfriend ka na ba? Ang tagal ko kayang hindi naka punta dito sa pinas. Pag alis ko kasi mga nene pa tayo."

"Ako? Nagka boyfriend? Oo naman pero wala na 'yun matagal na 'yon. And besides masaya na rin kami parehas." nakangiti kong tugon habang pinipigil ang lungkot na malapit ng lamunin ang sistema ng katawan ko.

"Ganun ba, sorry for that. Oo nga pala may regalo ako sayo tyaka kay Rocelyn. Personalize na pabango na ako ang gumawa." inabot niya sakin ang pabango at ngumiti lang. Namiss ko talaga siya nang sobra.

"Zyyyyyyyreeeel! Miss na kita sister! Ano ng ganap nasaan na ang pasalubong ko?" speaking of the devil. Nandito na si Rocelyn, kumpleto na kami.

"Ang ganda mo na girl! Are you staying here for good?" biglang napangiti si Zyrel sa tanong ni Rocelyn.

"I hope so. I have an agreement sa parents ko at sa parents ng Boyfriend ko na I need to be with him here sa pinas kasi mahirap pag malayo kayo sa isat isa." namumula niyang pag oopen up samin.

"Talaga may Boyfriend ka na? Ikaw ah asensado ka na. Pa'no kayo nagkakilala? Saan kayo nagkita?" ako nalang ang nahihiya sa sobrang inquisitive ni Rocelyn. Tahimillk lang ako kasi wala ako sa wisyong makipagtanungan. That's her privacy.

" We're product of arrange relationship, our parents are family friends. I really like him since I met him, but during that time he had a girlfriend whom he got crazy." natatawang kwento ni Zyrel. Pero ramdam ko yung sakit niya deep inside.

"So, are you ok now?, is he love you now?"
Nabigla kong tanong na kinagulat niya.

"Sa ngayon Oo. He manages to smile that he never did before, he even ask my permission kapag aalis siya. Samantalang noon hindi niya ginagawa." napatango na lang kami ni Rocelyn at hindi na nag usisa pa.

"Alam mo, Sis mas maganda ngang nandito ka sa Pinas, mas titibay ang relasyon niyo, nakakapagod kayang masaktan, nakakapagod ng umiyak." napayuko ako ng sabihin ko ang mga bagay na yan.

"Salamat sa inyo. Next time hang out tayo sasama ko siya para makilala niya kayo. I have to go." tumayo na siya't nakipag beso. May mga aasikasuhin pa kasi siya.

"Sige mukhang masaya 'yan para at least kilala namin kung sino ang boyfriend mo. Siguraduhin mong matutuwa kami d'yan. Ayaw ka naming nasasaktan." nakangiting biro ni Rocelyn.

"Sis, ang class niya tignan ngayon no? Ganun ba talaga pag galing ibang bansa? Tyaka sis excited ka bang makilala ang Boylet niya?" wika ni Rocelyn pag alis na pag alis ni Zyrel.

"Ewan ko Sis. Sana hindi niya maramdaman ang mga naranasan ko. Sana hindi niya maramdaman ang sakit na ipagpilitan ang sarili niya sa taong kahit kailan 'di siya kayang mahalin." tumayo ako at nagpunas ng luha.

"Hoy ikaw di na maganda yan ha! Akala ko ba kakalimutan mo na ang gago na 'yun? Akala ko ba hindi ka na luluha? Hay nako Agatha. Pero sige na pagbibigyan kita." niyakap niya na lang ako at naramdaman kong lumuwag ang bra ko.

"Siraulo ka! Ang buang mo! Pag nahuli kita tatanggalin ko yang panty mo!" tawa lang siya nang tawa dahil rin sa hindi ko makabit ang hook ng bra ko.

"Kabit mo na to di na ko gaganti promise."
Lumapit siya at kinabit sa pagkakahook ang bra ko.

"'Yan ang sinasabi ko matuto ka ring ngumiti. Hindi yung iyak, ngawa, tapos luha. Hay nako."

"Pag nasa sitwasyon rin kita iiyak ka rin!" napasimangot siya sa sinabi ko pero ngumiti rin agad.

"Naranasan ko na 'yan. Tipong kahit kailan lagi lang akong choice, 'yung lagi ka lang nand'yan nakatanaw, umaasang mapapansin ka niya at umaasang balang araw malalaman niya ang worth mo. Kaso hanggang asa na lang ako." she impose a fake smile while looking at me. Lumapit naman ako at niyakap ko siya, siya din niyakap ako.

"Sis! Tignan mo dali si Zyrel 'yun diba?" napaharap ako kung saan nakadungaw si Rocelyn.

"Anong ginagawa niya pa rito?" Nagtataka kong tanong hanggagng sa may pumarang kotseng itim at may bumabang lalaki di namin mamukhaan kasi nga malayo sila pero parang pamilyar sakin yung guy.

"Sinundo lang pala ng Boyfriend. pero parang pamilyar yung guy no. Parang di siya mapagkakatiwalaan. Ano sa tingin mo Agatha?"

"Parang nakita ko na yung lalaki. Pero di ko masabi. Wala naman akong naramdamang iba pero nakakacurios Na nakakatuwa kasi may boyfriend na siya." Nakangiti kong tugon.

"Sana nga makilala natin kung sino ang nakapagpatibok ng puso ni Zyrel. Ang sweet nga nila tignan eh." napakunot ng noo si Rocelyn at patuloy na tumitig sa direksyon ni Zyrel hanggang sa naka alis ang kotse. namiss ko tuloy yung araw na sweet kami ni Jacob. I really miss him, I really want him back but suddenly here I am pretending that I moved on.

"Sis mauna na ko baka hinahanap na ko ni Mommy paalam mo nalang ako kay tita."

"Sige sis ingat ka." pag kalayo ni Rocelyn tumanaw muna ko sa labas, pilit na ngumingiti at pilit na kinakalimutan ang sakit.

"Agatha!" nabalikwas ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. At ang boses na narinig ko ang boses na kahit kailan ay hindi ko kayang kalimutan.

"Oh napadaan ka yata?" Pinilit kong maging casual kasi wala nga siyang maalala. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan niya at wala siyang maalala.

"I'm here to say sorry." hindi na lang ako kumibo at isang ngiti na lang ang ginanti ko.

"You don't need to say sorry, and besides hindi ko na nga alam kung ano ang mga nasabi mo at nasabi ko nung gabi na 'yun." pinilit kong magsinungaling kahit masakit. Gusto ko na mag move on.

"Sige na Jacob marami pa kong gagawin." sinarado ko na ang pintuan at pumasok sa kwarto, at naglaro na lang sa cellphone para malibang. Sa susunod na araw graduation na. After graduation maghahanap na rin ako ng trabaho para kahit papaano may mapaglibangan ako.

To be continued...

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon