Chapter 22

2.5K 50 5
                                    

Agatha POV

"Ma'am this time po I have to disagree. Marami pa po akong kailangan matutunan para sa conference na yan." Gusto ko man tanggapin ang offer na pumunta sa Spain for a conference, hindi naman pwede baka mapahiya ko lang ang kompanya na'to.

"Miss Matunog, I believe with your potential. You're one of a kind in this business, baguhan ka lang pero kaya mong sumabay. Kaya ko sa'yo ito inaalok dahil makakatulong sa'yo to for you to grow. Miss Matunog hindi kita pinipilit pag isipan mo mabuti."

"Paano pag hindi ko ho nakuha ang deal? Mapapahiya ko lang po kayo."

"Deal is not important I just want you to learn, I just want you to grow Agatha. Narinig ko ang lahat ng sinabi sa'yo ni Mr. Miller, alam ko na rin ang namagitan sa inyo ng anak niya. Sa una pa lang magaan na ang loob ko sayo dahil naranasan ko rin ang naranasan mo. Agatha ipakita mo kung sino ka, ipakita mo na kaya mong bumangon." Napa iyak ako sa sobrang saya, dahil may mga taong nand'yan para tulungan ka.

"Ma'am tinatanggap ko na po. Pwede ko ho ba kayong yakapin?" Tumayo siya at pinunasan ang luha ko at siya na mismo ang yumakap sa akin.

"Ma'am, I owe you a lot. Natuto ho akong bumangon ng dahil sa inyo at sa kompanya niyo."

"H'wag kang magpasalamat deserve mo to. Umuwi ka na at mag impake bukas na ang flight mo at eto ang pocket money mo." she handed me an envelope at pagkatapos lumabas na ako.

I decided na bumili muna ng gamot at mga kailangan for hygiene purposes. Pagkatapos kong bumili, nag taxi na ko pauwi para mabilis na kong maka rating.

"Manong bayad ho, salamat." nginitian lang ako ni manong at umalis na rin.

"Bakit ang aga mo yata? May problema ba?" bungad na tanong ni Rocelyn habang nanonood ng TV.

"May maleta ka ba? Pahiram naman ako ibabalik ko rin naman." mahina kong tugon na parang malungkot.

"Hoy Agatha h'wag kang ganyan hindi naman kita pinapaalis."

"Sis kasi ano kailangan kong umalis eh. Siiisssss pupunta ako ng Spain!"

"Ha?! Talaga! Wait lang kukunin ko lang yung maleta sa taas, tara mag impake na tayo tutulungan kita. Bakit ngayon mo lang sinabi!" hinila ako paakyat para kunin ang maleta at dumiretchong pasok sa kwarto ko para mag impake.

Halos wala ng matira sa cabinet ko dahil nilagay niya lahat. Akala niya naman isang buwan ako doon 2 weeks lang naman.

"Sis para saan ba yang pagpunta mo sa Spain?"

"Conference daw sabi, actually hindi nga ko pumuyag kaso sabi ng head namin makakatulong daw sa'kin ang conference na yun especially sa career ko ngayon. At kapag nagustuhan kayo pwede niyo makuha ang deal to be part of their business."

"So, Jacob is also joining? The fact na alam ni Mr. Miller na ikaw ang magiging representative ng soothing melody laging si Jacob ang ibabala niya."

"Much better! Si Jacob? Hayaan mo sila. Sisiguraduhin kong wala silang mapapala!" hindi na namin pinahaba pa ang usapan at inayos na ang maleta dahil mamayang madaling araw na ang alis ko.

I texted Trevor para mainform siya. Maya maya nag reply rin agad. Hahatid niya daw akong mamayang 3 AM hanggang Airport. Hindi na ako tumanggi dahil wala naman akong masasakyan.

Lumipas ang hapon hanggang nag gabi iniisip ko pa rin kung anong mangyayari sa Spain. Magiging masaya ba o hindi. Bwisit na antok to ayaw akong dalawin. 1:30 AM na hindi pa rin ako dinadalaw ng Antok. Naligo na lang ako at nag ayos na para sa flight namin mamaya.

"Agatha! Agatha!" tumakbo agad ako sa gate at pinapasok si Trevor.

"Kape ka muna tyaka tinapay, bawal tumanggi." ngumiti lang siya at bakas na antok na antok pa ang mokong. Nakokonsensya tuloy ako.

"ito oh, pasensya ka na Trevor naistorbo pa tuloy kita. Hubarin mo muna yang jacket mo tignan mo pawis ka na." lumapit ako at pinunasan ang noo niya habang tinatanggal niya ang jacket niya.

"Salamat pwedeng manghiram ng unan iidlip lang ako hanggang sa matapos ka." sabi ko na naaantok pa tong pogi na'to eh. Inabot ko sa kanya ang unan at humiga siya sa sofa. hindi na nga niya inubos ang kape.

Nag make up at nagbihis na ko, nagpaalam na rin ako kay Rocelyn at hindi rin maistorbo sa pagtulog. Bumaba na'ko para gisingin si Trevor.

"Trev, alis na tayo mamaya ka na lang bumawi ng tulog." bumangon rin naman siya at nagkusot lang ng mata.

"Tara na!" lumabas na kami at ni lock ko na ang gate. Sumakay na kami sa kotse niya at dumiretcho na papuntang Airport.

"Mag ingat ka sa Spain ha, pag may nangyari sa'yo or kung gusto mo na umuwi ako ang susundo sa'yo. Okay?" tumango lang ako at ngumiti.

Pagdating namin sa Airport, hinatid niya ko hanggang sa may waiting area. Nakita ko rin si Jacob na nakaupong naghihintay at napatingin sa direksyon namin. Niyakap ko na si Trevor at nag babye. Nag flying kiss pa. Sa peripheral vision ko nakita kong nakatimgin pa rin sa'kin si Jacob.

umupo ako sa row na nasa likod niya at limang seats ang agwat namin kaya hindi kami nagpapansinan. Sinandal ko ang likod ko sa upuan at pumikit. Nagyon lang ako dinadapuan ng antok.

"Saan ang flight mo?" napa dilat ako sa lalim ng boses nang nagtanong. Pagdilat ko nasa tabi ko na si Jacob.

"Hindi mo ba alam? O nagpapanggap ka nanaman?" walang gana kong sagot.

"Sorry for asking. Kayo na ba ni Trevor?" mas lalo akong nagulat sa tanong niya.

"Hindi kami. Tyaka isa pa hindi mo yun concern!" pinikit ko ang mata ko at hindi siya pinansin. Buti na lang talaga tumigil rin. Bwisit naman kung kelan ko gusto matulog tyaka naman tinawag ang Flight.

"Tara na! baka maiwan ka." dinala niya ang maleta ko hanggang sa makasakay kami. Uupo sana ako sa dulo kaso pinigilan ako ng Attendant.

"Ma'am sorry po dito po Ang seat number niyo." tinuro niya ang upuan katabi ni Jacob wala akong nagawa kaya umupo ako sa tabi niya.

"Agatha akala ko ba okay na tayo? Bakit ayaw mo kong pansinin?"

"ha? pinapansin naman kita ah tyaka wala ako sa mood para makipagusap."

"Kanina ang saya niyo pa nag uusap ni Trevor tapos sasabihin mo walang ganang makipag usap."

"Bakit nagseselos ka?" nabigla ako sa tanong ko at biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Paano pag sinabi kong Oo at nagtitimpi lang ako dahil ayokong manakit ng tao." Akala mo kung sino, bakit Girlfriend niya ba ko?

"Ano ba kita? Bakit ka magseselos? Wag ka nga magsalita na parang may tayo! Hindi magandang pakinggan para sa taong ikakasal na!"

"Bakit nagseselos ka?" natawa ako sa tanong niya Kaya humarap ako sa kanya ng nakangiti.

"Ako magseselos? Para sayo? Nahihibang ka na ba talaga? Matagal na kitang kinalimutan kaya wag kang umasang magseselos ako para sayo! Matuto kang mahiya sa mga sinasabi mo Jacob. at kung may natitirang nararamdaman sa puso ko awa yun Jacob! Awang awa ako sayo dahil pinipilit mong mahalin ka ng isang taong matagal ka ng hindi mahal!"

tumingin ako sa kawalan at pinikit ang mata ko. Hindi ko nga namalayan na umaandar na pala ang eroplano dahil sa inis ko.

"Grabe ka magsalita! Parang ako na ang pinaka masamang tao sa buong mundo! Pasensya na ha kinausap kita." parehas na kaming hindi nagpansinan.

to be continued..........

feel free to comments your reactions.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon