Chapter 40

2.5K 39 0
                                    

Agatha POV

Alam kong hindi ako makakakuha ng saya sa paghihiganti, pero hindi ko naman makakayanan na paulit ulit na lang kaming paglaruan at paikotin sa palad.

"Anong plano mo ngayong alam na ni Jacob na anak niya  si Jennica? Imposible namang hindi niya hilingin sayo na maging tatay siya ng anak mo."

"Hindi ko rin po alam tita pero ang gusto ko muna sa ngayon makulong ang mga taong sumira ng pamilya namin."

"Paano kapag humingi ng custody si Jacob sa bata? Anong gagawin mo?" napaisip ako bigla. Pero hindi, may laban ako.

"Nagawang pagbantaan at guluhin ng Tatay niya ang pamilya namin, sapat na po siguro yun para hindi na umabot sa korte."

"Agatha! Parang awa mo na! Gusto lang kitang makausap!" napalingon kami parehas ni Tita ng narinig naming may sumisigaw sa labas.

"Hija I think kailangan mo siyang kausapin, nasaktan din siya. Maaaring nagkamali siya noon pero hindi sapat na pahirapan natin ang taong alam nating mahal pa rin natin." hindi na ko nagdalawang isip pa at lumabas ako para kausapin si Jacob. Hindi ko rin napigilan at tumakbo ako para yakapin siya.

"Sorry Jacob I was so selfish. Sorry." kung nauubos lang ang luha wala na kong mailuluha ngayon.

"No Agatha hindi ikaw ang dapat na magsorry I should be the one who nee to say sorry. Marami akong pagkukulang sa'yo hindi nga kita nagawang ipagtanggol." niyakap niya ko at naramdaman kong ligtas ako sa tabi niya. Pero nandirito pa rin ang takot na baka maulit muli.

"Daddy!" umalis ako sa pagkakayakap kay Jacob at napatingin kay Jennica habang lumalapit kay Jacob.

"Sweetie. How's your school? Good girl ka ba kay Mommy? Pa kiss nga si Daddy." hindi ko maatim na ganito ang sitwasyon namin. Nararamdaman ko tuloy ang hirap ng anak ko na makisabay sa nangyayari sa'min bilang pamilya.

"Daddy hindi pa po ako nag aaral." niyakap niya si Jacob at parang sabik na batang nagpabuhat sa Ama. Nakita kong tumutulo ang luha ni Jacob habang nakikipag usap sa anak niya. Pati tuloy ako naiiyak sa nangyayari.

"Agatha, sisiguraduhin kong mabubuo tayo. Magsisimula tayo ng bago, pero nasasayo ang desisyon."

"Hindi ko pa alam ang sagot Jacob pasensya na. Tyaka alam mo namang malaki ang galit ng tatay mo sa amin."

"Daddy kailan ka bibili ng house? Dapat diba kasama mo si mommy Agatha tyaka ako." nagkatinginan lang kaming dalawa at nanatiling walang naibigay na sagot.

"I'm now making an action para sa ginawa ng tatay ko. Mahirap para sa'kin na ipakulong siya, pero mas mahirap para sa'kin ang makitang nahihirapan ang mag ina ko. Mahal ko kayo ng anak natin Agatha, kaya I will do anything just to make sure that the both of you are safe."

"Thank you for that, pero hindi ko maipapangako na maibabalik ang dating tayo. I'm not telling this dahil galit pa ako sayo, sinasabi ko sayo to dahil natatakot na kong masaktan, natatakot na kong maiwan ng walang dahilan." kinuha ko si Jennica sa kanya at pumasok sa loob. Iniwan ko siyang mag isa sa labas.

"Agatha! Sana kahit ngayong araw lang bigyan mo ko ng pagkakataong makasama kayo."

"Magkagalit ba kayo ni Daddy? Hindi mo kasi siya pinapansin kahit nag sa shout na siya." para hindi lang niya isipin na nag aaway kami lumabas ulit ako at lumapit kay Jacob.

"Akala ko po nag aaway kayo ni Mommy Agatha." ngumiti lang si Jacob at hinawakan ang kamay ni Jennica.

"Hindi kami nag aaway sweetie. May dapat lang gawin si Daddy para maging okay na lahat." niyakap ni Jennica si Jacob at kinissan sa pisngi.

"Kung hindi po kayo magkaaway kiss nga po kayo."

"Jennica hindi yan good. Ang kiss binibigay lang yan sa taong love mo at sa taong love ka din."

"Hindi mo po ba love si Daddy? O baka ikaw Daddy hindi mo love si Mommy?"

"No sweetie I love your Mom more than I love myself. You're my strength and one of my weaknesses." hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Nahihirapan pa rin ako na tanggapin ang lahat.

"Ikaw Mom do you love Dad?" napatitig lang ako sa kanilang dalawa at naghahanap ng isasagot sa tanong.

"H'wag mo nang tanungin ang Mommy......" pinutol ko ang sinabi niya at sinagot ang tanong ni Jennica.

"Yes, I love your Dad, and you also. Kayo ang buhay ko ngayon, kaya I will do everything to protect you." napangiti naman si Jacob sa sinabi ko. Hindi na ko magpapaka impokrito. Ito lang rin ang ikasasaya ng anak ko na malaman na mahal ng mga magulang niya ang isa't isa.

"Mom, baba mo po muna ko may kukunin lang ako sa loob, gift ko kay Daddy." pagkababa ko sa kanya, tumakbo siya papunta sa loob ng bahay.

"Agatha, aalis na ko. Thank you for the time with our daughter. I love you love. Till we see you soon." hinawakan ko ang kamay niya hanggat hindi pa siya nakakatalikod.

"Alam mong ikaw lang nag iisang lalaki sa buhay ko. Kahit kailan hindi kita pinagpalit, kahit kailan hindi kita kinalimutan kahit ikaw ang naging sanhi ng aking kalungkutan. Ikaw lang minahal ko at patuloy kong mamahalin kahit saan pa ako dalhin ng sakit ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko." nakatingin lang ako sa kanya habang iniisip ang mga bagay na yan. Mas pinili kong hindi sabihin at sarilihin na lang para wala munang sakit na dumagdag.

"Agatha......" I kiss him with love. Gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya, gusto kong maramdaman niya na kailangan niyang lumaban para sa aming tatlo, gusto kong maramdaman niya na lahat ng nasabi ko ay kabaligtaran.

"Love... I will get you back, we will live together as a family. Hihintayin kita, kasama mo ko sa laban mo." Niyakap niya ko na parang wala ng bukas. Hindi na rin galit ang nararamdaman ko ngayon.

"Don't leave me again Jacob. H'wag ka ng aalis sa tabi ko, h'wag mo na kaming iwan ng anak mo." he wipe my tears and kiss my forehead.

"Hindi na mangyayari yun Agatha. I will never leave you again. Habang buhay kong pagsisisihan pag nawala kayo sa'kin." bumitaw siya sa'kin dahil may kailangan pa daw siyang ayusin.

"Daddy h'wag ka munang umalis! Sasama ako sa'yo!" bigla nanamang napahinto si Jacob sa pagsakay sa kotse niya ng marinig ang iyak ni Jennica.

"Bakit umiiyak ang baby girl ko?"

"Aalis nanaman kayo? Ang tagal ko na pong walang Daddy simula ng si Mommy Angel ang nag alaga sa'kin wala akong Daddy tapos ngayon aalis ulit Daddy ko. Sasama na lang po ako sa inyo." binuhat siya ni Jacob at pinunasan ang luha.

"Jennica, Sweetie, may gagawin lang si Daddy na importante next time babalik naman siya para mag play kayo." I've tried my best para tumigil siya sa pag iyak pero wala akong nagawa.

"Wala akong importanteng gagawin ngayon. Meeting lang naman yun para sa mga bagong investors."

"Hindi kailangan mo maging present doon. Jacob ako ng bahala."

"No. Mas importante kayong dalawa kaysa sa mga investors na yun. Ano Sweetie gusto mo pasyal tayo?"

"Ayoko po gusto ko dito lang kayo sa tabi ko. Gusto ko katabi kayo mag sleep. Hindi pa kasi ako nag sleep na katabi ang Daddy ko." pumatak nanaman ang luha ko. Awang awa ako sa anak ko. Para siyang pulubi na namamalimos ng oras at kalinga.

"Jennica hindi kasi pwedeng mag sleep si Daddy sa bahay....."

"Sige tatabi si Daddy sayo. I hahug ka ni Daddy para makatulog ka. Okay ba yun?" saan? Paano? Hindi pwede na dalhin niya si Jennica.

"Magpapaaalam lang ako kay Tita Amelia." he dial Tita Amelia para magpaalam. Maya maya lang lumabas si Tita Amelia para kausapin kami.

"Tita papaalam ko lang po si Agatha tyaka si Jennica for an overnight sa condo ko malapit lang dito."

"Okay lang sa'kin but the decision ay kay Agatha manggagaling. Sige papasok na ko at bahala na kayong mag usap."

"Ano Love? Pupunta ba kayo?"

"Sige pero ngayon lang para lang mapagbigyan si Jennica."

To be Continued........

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon