Chapter 28

2.3K 45 9
                                    

Agatha POV

This is Another day, bagong buhay at bagong simula. Bakit parang nagkakagulo ang mga staff?

"Hindi talaga sila titigil sa pangbabatikos sa'tin kahit pa maka personal sila. Kawawa naman si Miss Agatha siya na nga ang nawalan siya pa ang agrabyado." Lumapit ako sa kanila at tinanong kung ano nanaman ang issue. Inabot nila sa'kin yung dyaryo at nakita ko doon yung isang balita tungkol sa'min ni Jacob.

Bakit ba hindi pa rin nila 'ko pinapatahimik? Bakit ba parang galit na galit sila sa'kin? Napatingin na lang ako sa kawalan at nag iisip ng susunod na hakbang. Bakit hindi ko puntahan ang UNA para paki usapan na sana tigilan na nila ako.

"Miss Agatha, ano pong balak niyo?" tanong ng isa sa mga staff.

"Pupuntahan ko sila and I will make sure na pagsisisihan nila to. I might not powerful as they are, pero determinado akong pabagsakin sila sa lahat ng ginagawa nila sa'kin."

"Miss Agatha sure ka na ba sa gagawin mo?" tanong ng isa pang staff.

"Yes I am. kindly pls inform the CEO that I am going to set an appointment to UNA to talk about this matter." hindi na'ko nag paligoy ligoy pa. Umalis na agad ako para maayos na ang lahat pumunta ako sa Main building ng UNA sa may Pasay.

Pagpasok ko sa loob, pinagtitinginan ako ng tao. Hindi tuloy ako mapakali but I manage to walk with pride coz I know the fact that I don't hurt anybody.

"Ang ganda naman pala ng ex ni sir Jacob eh."

"Oo nga hindi ko siya masisisi." Rinig kong usapan ng mga Utility nila. Nang makarating ako sa loob, hindi ako nainform na may prescon pala dito.

"The date? hindi pa sigurado, pero sure kami na next month na ang kasalan. Na prepare na rin naman namin lahat." bakit kailangan pang i broadcast ang kasalan? Nakinig lang ako nang biglang nagtama ang tingin namin ni Zyrel.

"Oh here she is that what we called Mistress of my husband to be." ngumiti lang ako at lumapit mismo sa media. Anong akala niya sa tulad ko aatras? Pwes magtagisan tayo ng kademonyohan.

Kita ko ring gulat si Jacob na nandito ako pero nginitian ko lang siya na parang wala namang issue ang lumabas.

"Would you like to come up here in stage and be proud that you're a mistress." pinagbigyan ko siya. umakyat ako sa stage sayang naman ang outfit ko at make up kong panlaban kung hindi ko ipapakita. Kitang kita na naiirita ni si Zyrel dahil hindi niya ko makuhang asarin. Binigay niya sa'kin ang mic at pilit akong pinagsasalita. Dahil mabait ako magsasalita ako.

"Hello, first of all I am not a mistress of Jacob Miller. In fact I'm here to greet the best wishes for the both of you. Masyado lang siguro akong maganda kaya napagkakamalan akong kabit ng magiging Asawa niya." nagtawanan ang mga press sa mga sinabi ko. Binigay ko ulit sa kanya ang Mic.

"If you're not a Mistress what is this picture all about?" She tried to compose herself para hindi makita na naiinis na siya.

"Zyrel akala ko ba napag usapan na natin to?" hindi niya pinansin si Jacob at nag focus lang sa presence ko.

"Okay, itong picture na to? Ito yung picture na magkasama kami sa Spain but not for vacation. Nasa Spain kami for the conference at kami lang ang Pilipino kaya kami lang ang magkasama. So nalinawan ka na? Sorry magpapa appoint pa ko ng meeting nakakistorbo ka." tinalikuran ko siya na parang basahan ang lukot ng mukha sa sobrang irita.

"Saglit lang! Gusto kong malaman ng maraming tao kung sino ka talaga! Bakit hindi mo ikuwento sa kanila ang nakaraan mo?" talagang sinusubukan ako ng isang to ah. In fairness masaya siya kalaro. Lumalabas nanaman ang demonyo sa puso ko.

"Sure ka ba bestfriend? Baka mahiya ka kapag kinuwento ko. But in all fairness matapang ka ah. So, ako pala si Agatha at ako ang Ex ni Jacob Miller ako ang babae na una niyang minahal, pero noon yun at yun ang pinakasusuklaman kong panahon." tumingin lang ako sa kanya at ngumiti ng nakakinsulto. Halos hindi makapaniwala ang mga press na makakakita sila ng flip top at dito pa sa may UNA main building.

"H'wag mo kaming lokohin! Bakit ba patuloy kang dikit ng dikit kay Jacob?"

"Sorry for intertwining to your argument. Ako ang boyfriend ni Agatha." na surprise ako sa pagdating ni Trevor. Nagulat rin silang lahat. Nilagtas ako ni Trevor sa kahihiyan. Hinalikan niya ko sa labi para mas mukhang totoo. At inalalayan niya ko pababa ng stage.

Naiwan ang lahat na nakatulala at higit sa lahat naiwan si Zyrel na napahiya sa harap ng presscon, at iniwan rin siya ni Jacob.

"Agatha I was so afraid na hindi mo sinasagot ang tawag ko. Kaya sinundan ko yung location ng phone mo na sinet ko para mapuntahan ka." pagaalala ni Trevor. Nasa parking lot kami at halatang inis siya sa'kin ngayon.

"Agatha, sorry for what happened." sumunod pala sa'min si Jacob. Lumapit si Trevor kay Jacob at sinuntok niya to.

"What's wrong with you!" sigaw ni Jacob kay Trevor.

"What's wrong with me? There's no fucking wrong with me! Gago ka! Dahil sa'yo napapahiya yung taong mahal ko! Fuck!" hawak ko si Trevor para hindi na lumala.

"Trevor okay lang ako. Ako ang pumunta sa UNA wala siyang kasalanan okay?"

"Sorry, I'm sorry Agatha." kalmadong tugon ni Trevor. Tinignan ko lang si Jacob na nagpupunas ng dugo sa labi at sumakay na ko sa kotse ni Trevor.

"Trevor, sorry for making you feel this way." hindi niya ko pinansin at patuloy lang na nag drive.

"Saan kita ibababa?" malamig niyang tanong. Parang walang gana na makipag usap

"Sa Soothing Melody may pasok pa ko eh." wala talaga siyang balak pansinin ako. Pinaharurot niya lang ang kotse hanggang makarating kami sa trabaho ko.

"Diba dito ka lang sige na baba ka na. Ingat ka kung may problema tawagan mo lang ako." bumaba ako ng walang imik.

"Trevor, so..." hihingi sana ako ng sorry kaso pinaharurot niya na ang kotse at hindi na hinintay ang paliwanag ko.

Wala ako sa sarili pag pasok ko sa loob ng building. Umakyat agad ako sa taas ng CEO's office para humingi ng dispensa.

"Miss Matunog what happen with your appointment?"

"Wala po ma'am hindi ko po nakausap si Mr. Miller. Hiniya pa ko sa harap ng presscon ng fiancé ni Jacob Miller."

"What? Nagpatalo ka naman? Dapat lumaban ka! Presscon yun Agatha."

"Lumaban ho ako at ayun nga po ang problema ang dami pa hong nadamay." walang gana kong sagot. Tinapos ko rin ang usapan namin at inasikaso na lang ang lahat ng dapat tapusin. Ginawa ko na rin ang lahat ng data para sa Inventory para maipasa sa Finance.

To be continued...

comment your Reactions

Team Trevor or Team Jacob.

NancyAlbarda auragrace ginoeunice MolinaTeressa nylecor07 thank you for voting and reading my story.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon