Chapter 37

2.2K 42 2
                                    

Agatha POV

"Ma nasaan ang anak ko? Pinagkatiwalaan kita bilang isang ina, nakita mo lahat kung paano ako nagdusa, kung gaano karaming luha ang pumatak sa mata ko! Bakit nagawa mo sa'kin to Ma?" sobrang sakit na mismong nanay ko pa ang lumuko sakin.

"Anak mo si Jennica. Makinig ka sa'kin ginawa ko to kasi gusto ko kayong protektahan, ayokong pati kayo mawala sa'kin."

"Ma, kung alam mo lang na para mo na rin akong pinatay dahil pinagdamot mo sa'kin maging isang ina, pinagdamot mo sa'kin yung yakap ng isang anak!" halos gumuho na ang mundo ko. Mas masakit pa tong nararamdaman ko ngayon kumpara sa naramdaman ko kay Jacob.

"Anak, hindi sa ganun iniiwas ko lang  kayo kay Eduardo! Pinatay niya ang Papa mo wala akong sapat na lakas para ipagtanggol ang karapatan ko noong mga oras na yun. Naalala mo na pinalabas na namatay sa car accident ang papa mo? Isa yung malaking kasinungalingan!" naguguluhan na ko sa mga nangyayari.

"Sino si Eduardo? Ano nanamang kalokohan to Ma?"

"Si Eduardo Miller, ayokong malaman niya na may nagbunga sa inyo ng anak niya dahil paniguradong may gagawin nanaman siyang masama. Hindi ko sinasabi sa'yo to Agatha para mapatawad mo ko. Ito tanggapin mo to! Alam kong kaya mo na, kaya kahit masakit sa'kin bilang ina na buhayin ka sa isang malaking kasinungalingan ginawa ko para lang maging maganda ang buhay mo at magawa mong ipagtanggol ang sarili mo." nayukom ko ang mga kamay ko. Mga wala silang puso! Makikita nila kung paano sila babagsak. Pamilya laban sa pamilya, utak laban sa kamay at apoy laban sa apoy.

May inabot sa'king flash drive si Mama hindi ko alam kung ano ang mga laman nito, pero tinanggap ko dahil alam kong may importanteng impormasyon dito.

"Tapos na po kayong mag usap? Pwede na po ba kong makipag laro kay ate?" napaluhod ako sa harap ng anak kong matagal ko nang gustong yakapin.

"Oo pwedeng pwede na tayo mag laro. Hindi ka na iiwan ni Mommy. Mahal  na mahal ka ni Mommy." halos madurog ang puso ko ng tanggihan niya ang yakap ko.

"Ate hindi ikaw si Mommy. Bakit sabi mo mommy kita?"

"Jennica si ate Agatha ang tunay mong mommy, siya yung nagbigay sayo ng life. Dati ikaw ang nakalagay sa tummy niya. Nasanay ka lang na ate ang tawag mo sa kanya pero siya ang mommy mo." umiiyak na paliwanag ni Mama.

"Ibig sabihin Daddy ko si kuya Jacob? Diba po matagal ko ng tinatanong kung sino daddy ko? Bakit hindi ko alam si kuya Jacob lang pala." tumakbo sa'kin si Jennica at niyakap ako habang umiiyak.

"Hindi na kita ate, Mommy na kita. I love you mommy." ang sarap pakinggan yung boses niya. Parang bago lahat. Bumalik yung mga oras na kasama ko siya bilang kapatid. Naaawa rin ako sa Mama ko, pero hindi ko pa kayang ibigay ang pagpapatawad ko.

"Gusto mo ba sumama kay Mommy? Aalis tayo ngayon pupunta tayo kila ate Rocelyn, Kaya aayusin natin ang gamit mo." balak ko rin na mangupahan muna hanggang sa maayos ko ang mga bagay bagay na kailangan kong asikasuhin.

"Sige, pero paano si Mommy Angel?"

"Si Mommy Angel hindi muna siya sasama sa'tin kasi may gagawin siya. Mag wowork siya kaya ako muna ang mag aalaga sa'yo."

"Oo Jennica kaya sumama ka na sa Mommy Agatha mo." halos sumalampak na sa sahig si Mama kakaiyak. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Umakyat na kami sa taas at inayos ang gamit ni Jennica, at pagkatapos bumaba kaagad kami para makaalis agad.

"Ma aalis na po kami." nag bless kami parehas kay Mama. Pinilit niyang ngumiti kahit na nasasaktan rin siya.

"Alagaan mo mabuti si Jennica, sana maging mabuti siyang bata tulad mo." hindi na ko sumagot at nagpara na ng taxi.

"Kuya sa may phase 6 po sa Velariona residence." agad namang umalis si manong. Napasandal lang ako sa kotse at ibinuhos ang luha na kaya kong iluha habang busy si Jennica sa pag tingin tingin sa labas.

Bakit ba hindi matapos tapos ang problema ko? Pagod na pagod na kong lumaban, pagod na pagod na kong umiyak.

"Ate ay Mommy nandtito nadaw po tayo! ate ay mommy!" napadilat ako sa sigaw ni Jennica. nandito na pala kami.

"Ma'am nandito na po tayo. Nakatulog po kasi kayo." inabot ko ang bayad at bumaba ng taxi. Nakita kong nagdidilig si Tita Amelia.

"Sis bakit bumalik ka? At kasama mo pa si Jennica. Teka bakit ang dami mong dalang bag?" napatingin ako sa may gate at nandoon si Rocelyn.

"Sis pasensya ka na pwede bang sa loob na lang natin pag usapan?" dali dali naman niya akong tinulungan at kinuha ang iba kong dala.

"Oh hija, bakit bumalik ka? At kasama mo pa ang maganda mong kapatid." pumasok kami sa loob ng bahay at sumunod si Tita Amelia.

"Tita......" biglang bumuhos ang emosyon ko. Hindi ko na talaga kaya.

"Jennnica akyat ka muna sa room ko laro ka muna ng make up tara dali." dinala ni Rocelyn si Jennica sa taas para hindi niya marinig ang mga pinag uusapan namin.

"Ano bang nagyari hija? Kumalma ka muna. Naku hija bakit ba lahat ng problema sinalo mo na?"

"Tita ang totoo po kasi yung batang kasama ko ngayon ay anak ko. Ngayon ko lang rin po nalaman. Pinagtapat sa'kin ni Mama na tinago niya ang anak ko para maprotektahan daw kami sa tatay ni Jacob."

"Walang hiya talaga yan si Eduardo napaka walang puso hindi na niya nilubayan ang pamilya ni Theo, hindi na niya kayo nilubayan."

"Kilala niyo po si Mr. Miller?" sobrang gulong gulo na ang utak ko hindi ko na maintindihan. Bakit parang ang dami ko pang hindi alam?

"Magkakaibigan kami ng Mama mo ng papa mo at ng mga magulang ni Jacob. Ang Mommy ni Jacob at ang papa mo ang dapat na magkakatuluyan, kaso ginamit ni Eduardo ang kapangyarihan ng pamilya niya para makuha ang babaeng mahal ng papa mo. Ipinaglaban ng papa mo ang pagmamahalan nila, pero nabigo siya at doon niya nakilala ang mama mo. Kaya simula noon hindi na pinatahimik ni Eduardo ang pamilya
niyo. Dahil kahit kailan hindi siya minahal ng Mommy ni Jacob." medyo naliwanagan ako pero bakit parang hindi pa buo.

"Bakit kailangan humantong na ipapatay niya ang Papa ko?"

"Theo way back then was a secret journalist minanmanan niya lahat ang nangyayari sa buhay ni Eduardo at gumawa siya ng Articles where all the black deeds of Eduardo's family are in there. Kumalat yun at naging sanhi ng pagkamatay ng papa mo." nalinawan ako sa mga nangyari. Kaya mas lalong hindi tumigil ang mga luha ko, at tumindi ang galit ko.

"Kailan po ang Victory Party ng Universal News Asia?" tanong ko habang nanggigil. Matitikman niya ang lahat ng sakit na naranasan ko.

"I'm always with you Agatha. Akong bahala sa invitation mo. Kailangan magdusa si Eduardo."

"Salamat Tita. Sisiguraduhin ko na hindi niya makakalimutan ang ginawa ko. They will suffer more than they deserve! Makikita ng lahat ang itim ng pagkatao niya, at dumi ng pamilya niya!"

To be continued............

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon