Chapter 5

5.2K 68 1
                                    

Agatha POV

"Hi, Agatha. First time ka ata sa ganito." tawag ng isa sa mga ka school mate ko.

Nasa party kami before graduation para naman masulit ang mga araw na magkakasama ang lahat.

"Ano, Sis gusto mo ba talaga ng ganito? Kung ayaw mo okay lang uuwi na tayo." umiling lang ako at nagsimula na rin ang Music. Luminga-linga lang ako sa palagid para tingnan kung sino ang mga nandirito. Marami rin pala kaming gagraduate pero siyam lang ang kakilala ko dito.

"Agatha inom ka oh." binibigyan ako ng alak kaso ayoko talagang tumikim.

"Minsan ka lang iinom, Agatha, enjoy this night." para hindi masabihang KJ tinungga ko yung kalahating basong beer. nakakasuka kaya halos dalawang slice ng lemon ang naubos ko para mawala lang ang lasa.

Hindi ko rin namalayan na nakakarami na 'ko. naging aware lang ako ng pigilan ako ni Rocelyn.

"Sis magagalit niyan si Tita! Anong sasabihin natin sa kanya?"

"Matanda na 'ko, Sis! I know what I'm doing, I can handle myself."

"Bahala ka diyan! Magpaka lunod ka!"

"Sis, saan ka ba pupunta! Wait lang!" alam ko pa naman kung ano ang ginagawa ko kaya hindi ako naniniwala na kapag lasing ka hindi mo alam kung anong nangyayari sa paligid mo. Ang totoo lang hindi mo makontrol ang emosyon mo at ang katawan mo.

Nang nakalabas ako sa maraming tao, I saw Rocelyn talking to Jacob. Para ano, pigilan ako? para pauwiin ako? Sino ba siya para gawin ang mga bagay na 'yun? Rocelyn twisted herself towards my direction, she was saying sorry without sound. I smiled at her to tell that evarything was alright.

Jacob started to walk towards my direction with a stern face.

"Agatha, Anong nangyayari sayo hindi ka naman umiinom diba?" he said in a concerned tone.

"Ang galing galing mo! Palakpakan niyo naman siya. Mas magaling ka palang umarte sa'kin, Jacob!" I think this is the time to end everything between us.

"Sis, lasing ka na! Tara na umuwi na tayo." Rocelyn tried her best to convince me to stop revealing my sentiments but I ignored her.

"Don't act like you care because you really don't! H'wag mong sabihin na nakaalala ka na tapos babalikan ako, tapos lalapit sa'kin. Hindi to drama, Jacob! At mas lalong hindi ito laro. Huwag mo kong paglaruan, ang sakit umasa!"

"Agatha, hindi kita pinapaasa, I  don't even understand where your sentiments coming from. Hindi ko alam yung mga sinasabi mo! Mas mabuti pang umuwi ka na at mag pahinga!" he hold my wrist forcing me to go home.

"Wala kang maiintindihan Jacob wala! Sana totoo nalang ang sinasabi sa mga telenovela na ang utak ay pwedeng makalimot pero ang puso hindi! kaso wala ako sa drama, wala tayo sa telenovela pero Ito ako umaasang maaalala mo!"

"Im sorry Agatha! But pls h'wag ako ang sisihin mo kung bakit ka umiiyak ngayon! Hindi ko alam ang lahat ng sinasabi mo!" he said continuously while still holding my wrist. Napansin ko ring may namumuong luha sa mata niya sa sakit siguro ng mga nasabi ko.

"Totoo pala na ang luha ay parang pawis hindi man parehas galing sa mata pero parehas tumutulo pag pagod na pagod ka na! Pagod na kong ipilit ang sarili ko sa'yo, siguro tama na, Ayoko na!" tinalikuran ko siya kahit alam kung gulong gulo siya sa mga nangyayari.

"Agatha, sandali lang, gusto ko lang linawin na wala akong ginawa sa'yo, wala akong masamang nagawa para maging ganyan ka. Pero gusto kong malaman mo na masakit rin sakin na nakikita kitang umiiyak ng dahil sa gagong tulad ko!" humarap ako at doon bumuhos ang luha na matagal ko nang tinago.

"Ang hirap mong paniwalaan. Nasasaktan ka na nakikita akong umiyak, nasasaktan ka na ganito ako? Ano ba ko sa'yo?" tanong ko habang hindi pa rin tumitigil ang luha sa mata ko.

"Agatha, you don't deserve to cry over a person who doesn't deserve your tears. Bakit ako nasasaktan? Kasi pinipilit mong ibalik ang mga bagay na matagal ng nawala! Makakatagpo ka rin ng makakapagpasaya sa'yo. Kahit hindi kita kilala, kahit papaano concern pa rin ako sa mga taong nasa paligid ko." tumalikod siya at umalis sa harap ko. Naiwan akong nakatulala. Nakuha ko rin ang kumpirmasyon na hinahanap ko.

Isa lang akong ordinaryong tao sa paligid niya. hindi siya nasasaktan dahil mahal niya ko, nasasaktan siya kasi concern lang siya. 'yun lang 'yun wala ng iba pang rason.

Talo nanaman ako. Hinampas ako ng katotohanang wala ng maibabalik pa. Kailangan ko na talagang mag PAALAM.

"Sis, ok ka lang? Sabi ko naman sa'yo umuwi na tayo. Ayan tuloy nadurog pa yung pagkatao mo."

"Ok lang ako, sis. At least I'd had the chance to get a reason for me to let go of the past and reason to finally say goodbye." umalis kami sa party ng hindi na nagpaalam.

"Sis, I'm so proud of you."

"Yes Claire you should, you should be proud of me. Alam mo kung bakit? Kasi mag isa na lang ako, kasi wala na kong aasahan, at higit sa lahat wala akong halaga, kaya wala akong kasama." I said trying to implicate the logic. Kaso mukhang naguluhan siya.

"Paano, Agatha, paano?" Confusion written all over her face trying to figure out what I'd had said.

"Im free, Maybe. Pero isa lang ang malinaw natapos ko na ang mga bagay na dapat tapos na noon pa." My tears began to fall. I really wanted to be free, I hate the feeling of holding someone's hand, someone's that make your life miserable as hell. Suddenly I'm here crying over a person who hurt me the most.

"Alam mo, Sis ramdam kita. Ang sakit sa puso pag hindi ka mahal ng taong minahal mo, 'yong tipong tatanungin mo ang sarili mo na may kulang pa ba? Pero alam mo sis na realize ko na wala akong kulang, hindi niya lang ako deserve. Kung kayo talaga, love will find a way kahit parehas pa kayong masaktan." Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Rocelyn. Ganito pala ang pakiramdam ng naghahabol.

"Ayoko na Sis, ayoko ng magmahal ang sakit sakit. Lahat mawawala sayo, lahat gagawin mo kahit nagmumukha ka ng tanga ayoko na!"

To be Continued.......... 

this story contains a lot of grammar and typo problem.

read at your own risk.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon