Chapter 41

2.4K 37 0
                                    

Agatha POV

Ang saya ng gising ko ngayon, ang makita ang dalawa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Isa lang talaga ang kinaiinisan ko, parehas silang malikot matulog. Yung paa ni Jennica nakapatong sa leeg ni Jacob, yung paa naman ni Jacob nakalaylay na sa gilid ng kama.

Napakakulit nilang mag ama kahapon pa sila laro ng laro. Yung magandang pagkakaayos na kwarto ni Jacob kahapon, ngayon ang kalat na dahil sa kanilang dalawa.

Flashback

"Daddy tatalon ako! Yahh!" nag wrestling na ang dalawa pag dating namin sa condo.

"Ito na ang Airplane wahhh yan na!" tawa ng tawa si Jennica sa pakikipagkulitan sa Daddy niya.

"Ayoko na Daddy! Iba na lang laruin natin. Mag play na lang tayo ng luto lutuan."

"Wala naman tayong gamit. Ahh sige laro tayo ng luto lutuan." kinuha ni Jacob ang mga sandok at tupperware para paglaruan ng anak niya.

"Paorder nga po ako ng isang kiss tyaka isang hug mula sa pinaka maganda kong anak." lumapit naman sa kanya si Jennica at binigay ang order niya.

"Daddy, dito na lang ako ayoko na umuwi doon. Gusto ko lagi tayong magkasama." pinaupo siya ni Jacob sa swivel chair at kinausap.

"Hindi pwedeng dito, kasi nagwowork si Daddy para bilhan ka ng maraming toys, at para makabili na tayo ng house, kaya doon ka muna kay Mommy mo." pagkatapos nilang mag usap bumalik ulit sa pagkukulitan ang mag Ama. Hanggang sa napagod at ayun bagsak parehas. Ako tuloy ang in charge sa pagliligpit ng kalat nila.

End of flashback.

"Jacob, Jacob, may naghahanap yata sa'yo sa labas kanina pa kumakatok." dumilat naman agad siya at tumayo.

"Salamat love." niyakap niya ko at pumunta sa pintuan. Sinundan ko siya para makita kung sino ang bisita niya. Nagulat ako dahil nakita ko si Zyrel na hinalikan si Jacob.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito!" sigaw ni Zyrel. Pinipigilan siya ni Jacob na sumigaw dahil tulog si Jennica. Hindi talaga nadadala ang babaeng to.

"Bakit mo tinatanong? Pero sige sasagutin kita. Nandito ako dahil gusto ako makasama ng taong mahal ako. And besides may problema ba na kasama ko ang Asawa ko?" nagulat siya ng niyakap ko si Jacob sa harapan niya.

"Umalis ka na Zyrel magigising ang anak ko! H'wag mong sirain ang araw namin." sinaraduhan siya ng pinto ni Jacob kaya nagsisigaw sa labas. Bumitiw na ako sa pagkakayakap at bumalik sa dati.

"Love, hindi ko naman alam na gagawin niya yun. H'wag ka ng magtampo."

"Okay lang ako. Alam ko naman yun. Tyaka hindi naman ako magseselos kahit sino pa ang humalik sayo." kung hindi mo lang alam kung gaano ko gusto bumasag ng mukha.

"Talaga? So, hindi ka galit?"

"Oo hindi ako galit. Sa susunod pag magpapahalik ka siguraduhin mong alam ko." hindi ko na matiis ang inis ko.

"Sabi ko na galit ka eh." nang akmang yayakapin niya ko pinigilan ko siya.

"H'wag mo kong hahawakan. Ayoko mabahiran ng virus. Maligo ka muna. Maya maya aalis na rin kami ni Jennica." napasimangot siya sa sinabi ko na parang biglang nawalan ng gana.

"Uuwi na kayo? Bakit ang aga? Mamayang hapon na lang pag uwi ko galing sa trabaho."

"Aalis kami ni Trevor, kakain kami sa labas mamaya kaya kailangan namin umuwi." pinilit kong maging seryoso para makita kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Hindi na lang ako papasok ngayon! Dito lang muna kayo ihahatid ko na lang kayo mamayang gabi."naiinis niyang tugon. Pinanindigan ko pa rin na naiinis ako.

"Kahit hindi ka pumasok uuwi kami! Bakit ba pinipigilan mo kami in the first place ginawa ko to para lang kay Jenjica hindi para sa'tin." napayuko siya sa sinabi ko at nabakas ko ang lungkot sa mukha niya.

"Bakit mo ko tinawag na Asawa kanina?" malungkot niyang tanong habang nakayuko pa rin.

"Ahhh yun ba? Sinabi ko lang yun para umalis yung babae na yun. Nakakasira kaya ng umaga."

"Ganun lang? Hindi dahil mahal mo ko? Dapat hindi mo na ko hinalikan kahapon kung wala lang palang meaning lahat." sinipa niya yung lamesa at nabasag ang dalawang baso sa harap niya. Nagulat ako kaya napatingin ako.

Hindi siya tumingin sakin at deritchong pumunta ng CR. Bakit ang daming dugo? Kinabahan ako kaya sinundan ko siya. Akala ko na sa CR na siya pero nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang lumuluha. Dumudugo rin ang paa niya dahil sa nabasag na baso.

"Ano bang pumapasok sa isip mo ah? Pati sarili mo sinasaktan mo. Yung mga sinabi ko hindi yun totoo. Sinusubukan lang kita."

"Daddy!" nagulat ako sa sigaw ni Jennica.

"Gising na si Jennica." Biglang tumayo sa Jacob kahit dumudugo pa ang paa niya para puntahan si Jennica.

"Hoy mokong halika muna dito! Dalhin mo na siya dito at lilinisan ko yang sugat mo." agad naman niyang dinala si Jennica at umupo sila parehas sa sofa.

"Sa susunod h'wag padalos dalos. Sa susunod hindi lang to aabutin mo! Pasaway kang tao ka."

"At least may dahilan ako para maka absent at makasama kayo ng mas matagal." Pinaupo niya ko sa tabi niya at niyakap habang nakakalong sa kanya si Jennica.

"Sana ganito na lang tayo, sana pwede na tayong magsama. Ayoko na mahiwalay sa inyo love." sinandal ko lang ang ulo ko sa dib dib niya.

"Mommy, Daddy, gusto kong puntahan si God at mag thank you, dahil may dalawa akong Mommy at may Daddy na rin ako." napngiti kaming dalawa ni Jacob dahil sa napapasaya namin ang anak namin.

"Kaya Love na love ka ni Daddy eh. Pag may umaway sa'yo sabihin mo kay Daddy ah." niyakap lang siya ni Jennica at hinalikan ng hinalikan sa pisngi.

"Mas lalong ayaw ko tuloy kayong pauwiin eh."

"Jacob kailangan namin umuwi ngayon. Ang paalam natin ay overnight lang. Respetuhin na lang natin sila, nakakainsulto na nag paalam tayo at hindi man lang natin nasunod. Tyaka ikaw pumasok ka, kailangan ka doon."
"Sige Love, pero kukunin ko ulit kayo sa susunod na araw ah. Dito muna kayo for one week."

"Pupunasan ko lang si Jennica at maghihilamos lang ako. Hindi rin kami nakapagdala ng damit kaya doon na lang kami maliligo, kila tita." Nilinis ko na si Jennica dahil kailangan na naming umuwi, tyaka ayoko maabutan ng tanghali dahil sobrang init.

Pagkatapos kong maghilamos, nag suklay lang ako at nag pulbos. Inayos ko na rin ang susuotin ni Jacob.

"Jacob, aalis na kami."

"Sandali lang matatapos na ko, hintayin niyo na lang ako." wala kaming nagawa at hinintay siyang matapos.

"Mag taxi na lang kayo, tapos bilhan mo siya ng mga laruan tyaka kung ano ang gusto niya." inaabot niya sa'kin ang ATM card niya pero hindi ko tinanggap dahil hindi naman lumaki si Jennica sa materyal na bagay.

"No need. Marami na siyang laruan masasayang lang ang pera mo." hinawakan ko na si Jennica para kissan na ang Daddy niya dahil kailangan nanaming umalis.

"Bye Daddy, mamimiss po kita sana magkita po ulit tayo I love you po. Bye po." lumapit na sa'kin si Jennica at lumabas na kami ng Condo ni Jacob.

"Mommy gusto ko sa hagdan na lang tayo bumaba para mas matagal tayong mag usap." oo nga naman hindi ko pa pala siya nakakausap ng matagal simula ng nalaman ko na anak ko siya.

Nag usap lang kami, tawanan habang bumababa ng hagdan hanggang sa nakababa kami.

"Nakalimutan ko yung wallet ko sa taas. Jennica babalik tayo sa taas." paglingon ko wala na sa tabi ko si Jennica at nakita ko na lumabas siya ng building.

"Jennica dito ka baka masagasaan ka. Jennica! Anak! Jennica!......."

To be continued..........

Comment your reactions. H'wag kayong mahiya.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon