Chapter 44

2.3K 38 1
                                    

Agatha POV

"Sis? Rocelyn!" bakit parang walang tao? Nasaan kaya sila?

"Agatha, Si Tita Angel pati si Mommy...... " bumuhos ang luha niya at halos hindi makapag salita. Hindi ko makuha ang punto niya dahil sa pag iyak niya, ngunit may kakaibang kaba akong naramdaman.

"Sis, kalma anong nangyari kay Mama at kay Tita? Sis sabihin mo!" pati tuloy ako natatakot sa sasabihin niya. Hindi ko rin alam kung ano na ang susunod kong gagawin.

"Sis baka anong mangyari sa kanila! Sis tumuwag na tayo ng police, puntahan natin sila, parang awa mo na, puntahan na natin sila. Agatha hindi sila pwedeng mawala. May kumuha sa kanila hindi ko alam kung bakit."

"Hahanapin natin sila as soon as possible. Sino ang mga kumuha sa kanila? Paano sila nakuha?" Ayokong ipakita na kinakabahan ako, ayokong dumagdag pa sa problema. kahit na gusto kong magwala at umiyak hindi ko ginawa.

"Ngayon na! Ngayon na natin sila hanapin diba alam mo ang bahay ni Jacob? Alam kong tatay niya lang ang pwedeng gumawa nito. Sis we need to make a move." napakawalang puso ng Mr. Miller na yan. Sobrang sama talaga ng taong yun. Magbabayad siya sa mga kahayupang ginawa niya sa pamilya ko.

"Agatha we need to make a move, tumawag na ako ng back up we should go there buhay na ng mahal natin ang nakasalalay dito." napatingin kami sa nagsalita at kitang nagulat si Rocelyn dahil nandito ngayon si Zyrel.

"Zyrel, help us kahit ngayon lang. Zyrel sige na nagmamakaawa ako sa'yo. Kahit pagkatapos nito kalimutan mo na kami." niyakap siya ni Zyrel to comfort her.

"Sis h'wag ka ng umiyak okay na lahat makikita natin sila okay? Mananagot ang may gawa nito."

"Tao po! Tao po!" binuksan agad ni Zyrel ang pinto dahil nandiyan na ang mga pulis sa labas.

"Sir, what is your plan? Marami na pong buhay ang madadamay. We need to make an action ngayon mismo." tumulo na rin ang luha ko habang kinakausap ko ang pulis.

"Ma'am, hindi po namin required na sumama kayo but we don't have any background about sa location ng suspect."

"I'll go with you. Alam ko kung nasaan siya."

"I'll go with you also. Rocelyn dito ka lang puntahan mo muna si Jennica sa Ospital. Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Sige sis pupunta agad ako mag iingat kayo ah, magkikita pa tayo." I hugged her and kissed her forehead. Alam kong maaaring ito na ang huli naming pagkikita gusto kong maramdaman niya na thankful ako for being her Bestfriend.

"Ma'am, kailangan na po nating umalis, baka po kasi abutin tayo ng dilim." sumakay agad kami sa mobile at dali kaming pumunta sa sinasabing lugar ni Zyrel. Medyo may kalayuan pero kailangan namin gawin to.

"Sir, diyan po sa may malaking gate. D'yan mo ihinto. Eduardo Miller is such a unexpected man. Hindi niya hahayaang masira ang mga plano niya." pagkaturo ni Zyrel ng bahay agad siyang bumaba at pumunta sa mga gwardiya. Lumapit ako ng tinawag niya ko.

"Kuya s'ya ang kasama ko. Mr. Miller and I have something to talk to and she's my secretary." Zyrel looked at me, telling me to ride with her plan.

"Sige ma'am pasok na po kayo. Nandito na rin po pala si sir Jacob kakauwi lang po kanina." ibig sabihin okay na si Jacob? Bakit hindi man lang ako na inform.

"Sige, thank you for the information kuya." after we go inside, she texted the police to present the search warrant immediately. Nakita ko si Jacob nandoon sa harapan ng pinto na naka wheelchair walang nagbabantay at tila hirap na hirap habang hawak ang tagiliran na natamaan ng baril.

"Jacob! Okay ka lang ba? Ibabalik kita sa Ospital! Kailangan mong magamot ng maigi."

"Anong ginagawa niyo rito? Love, okay lang ako umuwi ka na. Babalikan ko kayo ni Jennica agad agad."

"Jacob, we should go to the Hospital hindi ka okay." I hold his hand and wipe his tears.

"Love, I just want you to know that you're my everything, you are my weakness and strength. Ayoko na mawala ka, kaya umalis ka na, umalis na kayo dito tumawag na rin ako ng police ahhhhh! Love, umalis na kayo dito. I'm begging you to please go away."

"Hindi! Hindi ako aalis!" tinulak ko ang wheelchair papuntang gate para madala agad siya sa Ospital.

"Ma'am saan niyo po dadalhin si sir?" wala akong maisagot sa gwardiya kaya sumingit si Jacob kahit na alam kong masakit ang sugat niya.

"Papasukin niyo ang mga pulis that's my order!" pagbukas ng gate, pumasok ang mga pulis at kinuha ko naman ang opportunity na lumabas para maipadala si Jacob sa Medic ng mga pulis.

"Love, hayaan mo na sa pulis ang trabaho na'to. Umalis na tayo dito hindi ako papayag pati ikaw madamay. Ahhhhh!"

"Jacob! Dumudugo yung sugat mo! Tulong! Tulong!" lumapit sa'min ang dalawang gwardiya at sila ang nagbuhat kay Jacob papasok sa medic ng mga pulis.

"Jacob, sorry but I have to do this promise babalik ako." I drop his hands and turned my back.

"I love you Agatha!" mas lalo akong umiyak ng marinig ko ang pilit niyang boses masabi niya lang na mahal niya ako. Gusto ko man na nasa tabi niya ko, kaso kailangan kong tapusin ang lahat ng to, kaya pumasok ako ulit sa loob.

"Ma'am!" napatingin ako sa taong tumatawag sa'kin. Lumapit ako doon sa garden para malaman kung sino ang tao na yun. Inabot na kami ng hapon kaya medyo madilim na rin ng bahagya.

"Ma'am, salamat po at alam kong maliligtas na ang pamilya ko. Dadalhin ko po kayo kung nasaan ang pamilya niyo bilang kabayaran." doon ko nakumpirma na ang kausap ko ay ang dati nilang gwardiya na bumaril kay Jacob.

"Sasama po ako." pumasok kami sa parang isang eskinita doon sa may garden nila. Hindi mo aakalain na pwedeng pumasok doon. Paglabas namin sa maliit na eskinita umikot kami papuntang likod ng bahay nila at doon ko nakita ang tinutukoy ni Zyrel.

"Ma'am dito po may mga gwardiya d'yan." pumasok kami sa backdoor para hindi kami makita. Pagpasok namin sa loob bumungad sa'kin ang nakataling si Mama at Tita Amelia.

"Ma, Tita!" I hug them at agad kong tinanggal ang pagkakatali sa kanila.

"Anak bakit ka pumunta dito? Mapapahamak ka dito."

"Ma, hindi na mahalaga yun ngayon tatakas na tayo. Makukulong ang hayop na Eduardo na yun."

"Halika na Agatha bilisan natin bago pa tayo maaubutan ni Eduardo." tugon ni Tita Amelia. Nang papatayo na kami at nag prepare ng lumabas isang putok ng baril ang umalingasaw.

"Saan kayo pupunta? Tignan mo nga naman napakabait na anak at nagawang ibuwis ang buhay para sa mga mahal niya." niyakap ako ni Mama at Tita Amelia.

"Napaka wala mong puso! Anak ka ni satanas hayop!" isang malakas na sampal ang natanggap ni Tita Amelia na naging dahilan ng pagdugo ng bibig niya. Kinasa ni Mr. Miller ang baril niya at itinutok kay Tita.

"Ikaw na ang uunahin ko! Masyado kang pakialamera Amelia!" pinutok niya ang baril nang may humarang sa harapan ni Tita. Nakita naming nakahandusay ang gwardiya na tumulong sa'kin kanina. Lumabas ang demonyong si Mr. Miller na hinihipan ang baril niya tila hindi nakokonsensya.

"Kuya, salamat po tatanawin namin tong malaking utang na loob. Mananagot siya sa batas."

"Ma-am pakisabi na lang sa asa-wa ko at mga anak ko na mahal ko sila."at doon na nalagot ang hininga niya.

To be continued.........

Pasensya na sa update na napakatagal.

Comments below sa inyong mga reactions.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon