Chapter 26

2.4K 42 7
                                    

Agatha POV

Pauwi na kami ng Pilipinas. kahit papaano naging maganda naman ang experience ko sa Spain, hindi ko man nalibot ang buong Espanya naging saksi naman ito ng pagbubukas ng puso ko para sa pagpapatawad.

"Agatha, ready ka na ba makita ulit ang Pinas?" napatingin lang ako sa kanya at ngumiti. Nakuha ko nga pala ang deal sa Spain. Halos mapa iyak ako ng nalaman ko na isa ang kompanya na nirerepresent ko ang magiging parte ng Amore Publishing Company.

"Ikaw ang magiging bridesmaid sa kasal ko ah."

"Oo sige walang problema! Sabihin mo kay Zyrel sakin niya ibato ang bulaklak para ako naman ang sunod na ikakasal." tumulo ang luha ko at agad kung pinunasan.

"Bakit ka naluha? May problema ba?" ngumiti agad ako at nagkunwaring hindi nasasaktan.

"Wala to hindi pa rin kasi mag sync in na ako ang nakakuha ng deal, masyado lang akong naging masaya." pagpapalusot ko. Tumingin na lang ako sa pinto ng eroplano para hindi niya makita ang patuloy na pag agos ng luha ko.

Nilibang ko ang sarili ko sa paglalaro ng cellphone. Kaso na boring rin ako sa paglalaro kaya tumigil na muna ako. palinga linga pilit na tinatanggal ang pagkabagot at pag inip.

"Ito oh naraming games d'yan hindi lang pou." natatawa siya habang binibigay ang cellphone niya. Kinuha ko dahil gusto ko ring malibang. Pagbukas ko ng Cellphone niya nakita ko ang wallpaper niya na may letter Z na nakalagay.

"Ang sweet naman wallpaper niya, initial ng Girlfriend niya." pabiro kong tugon at bigla nalang siyang napasimangot.

"Initial ng anak ko yan." Ngumiti na lang ako ng palihim dahil hindi na natatnggal sa isip niya ang anak namin. hindi na rin ako sumagot pa. Maya maya lang nag abiso na mag suot na ng seatbelt dahil mag laland na daw ang eroplano.

"Salamat sa cellphone mo." inabot ko sa kanya ang cellphone at agad niya tong binuksan.

"Ang galing mo talaga Love, I mean Agatha ni low batt mo ang Cellphone ko."

"Anong ni low batt? 15% pa yan!" nagkunyari na lang ako na hindi narinig ang dati naming endearment. Hayaan mo lang siya mawawala rin yan kapag kinasal na siya.

Inaassist na kami ng attendant para sa paglabas. Kinuha ni Jacob ang maleta ko at siya na ang nagdala. Nang papalabas na kami ng Airport kinuha ko na ang Maleta ko dahil nakita ko nang naka abang si Rocelyn kasama syempre ang isa pa naming BFF na si Zyrel.

"Sis na Miss kita! Ano pasalubong ko? Teka nakuha mo ba ang deal?" excited na tanong ni Rocelyn.

"Oo malamang nakuha niya, ang galing kaya ng kaibigan natin na manguha." biglang singit ni Zyrel. Hindi ko maintidihan ang mga sinasabi ni niya.

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong. Ngumiti lang siya at niyakap ako.

"What I mean is ang galing galing mo wala ka pa ring pinagbago isa kang alamat." Ano kaya ang mga pinagsasabi nitong bruha na to. Humarap siya kay Jacob at kung makayakap akala mo wala ng bukas at kung makapunas ng pawis wagas akala mo hindi Aircon yung Airport.

"Jacob, Zyrel mauna na kami." nakangiti kong paalam sa kanila. Bigla namang lumapit sa'kin si Jacob at niyakap ako.

"Thank you." bulong niya na ikinatuwa ko. Pinapalaya na kita. Mga salitang gusto kong sabihin kaso mas magandang sarilihin na lang. Makita lang kitang masaya okay na ko. Umalis na kami pagkakalas ng yakap niya.

"Sis okay na kayo ni Jacob?" maintrigang tanong ni Rocelyn. Umupo muna kami sa may bench para maikuwento ko lahat. Nang magsisimula na kong mag kwento, isang sampal ang natanggap ko. Tiningnan ko kung sino ang sumampal sa'kin At isang galit na Zyrel ang bumungad sa'kin. Anong nagawa ko a taong to?

"Ano nanaman bang kalokohan to Zyrel? Bakit mo ko sinampal? May nagawa ba kong hindi maganda sayo? Pasensya na kong meron."

"Nag kukunyari ka pang walang alam Agatha! Huling huli ka na nag dedeny ka pa? Anghel ang mukha demonyo ang ugali! Mang aagaw ka ng boyfriend! Makati ka!" Sinampal ko siya ng doble ng lakas ng sampal niya. kahit kailan hindi ko pinangarap na masabihan ng ganyan.

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo! kaibigan pa naman kita! Sige tutal naungkat mo na rin naman. Ako ang dati niyang girlfriend at ikaw ang babaeng desperada na naghihintay na masira kaming dalawa! Okay ka na? Ay oo nga pala nakalimutan ko best wishes for the both of you sayang kukunin pa naman sana akong bridesmaid, Pero okay na rin na hindi baka kasi hindi mapansin ang ganda mo! Sa susunod na mananampal ka lakasan mo na!" tinalikuran ko siya na walang masabi At tuala sa mga sinabi ko.

Kahit kailan hindi ko nagawang mang agaw. Tapos kaibigan ko pa ang nagsabi sa'kin nAng pinaka ayaw kong salita. Pwes matitikman niya ang tamis ng pangalang Agatha.

"Nakakahiya ka Agatha! Tignan mo ang mga picture na patunay na isa kang mang aagaw!" hindi pa rin pala siya titigil ah. Bumalik ako sa pwesto niya at kinuha ang mga picture na sinasabi niya.

"Agatha, Zyrel tama na yan. Pls don't make a scene." pigil sa'min ni Jacob pero hindi ako nagpatinag.

"Ito ba? Ito ba ang mga sinasabi mo? Bakit naiinggit ka kasi hindi magawa sa'yo to ng sinasabi mong boyfriend?" sasampalin nanaman niya sana ko ng hinarang ko ang kamay niya.

"Bakit hindi mo isampal tong kamay mo sa mukha mo para maalog yang utak mo at matigil na ang kabaliwan mo! At kung hindi ka titino ako mismo magdadala sayo sa mental, ako na rin ang bibili ng gamot mo! Excuse me marami pa kong kailangan gawin tawagan mo na lang ako kapag gusto mo ng gulo!" binagsak ko ang kamay niya at tuluyan ng umalis.

nanghihinayang ako sa friendship na meron kami, pero hindi naman ako papayag na yurakan niya ang pagkatao ko. Ang sakit lang isipin na sa dinami daming tao na mananakit sayo yung kaibigan mo pang mahal na mahal mo.

"Sis ayusin niyong dalawa ang gulo niyo. Hindi niyo ba naisip na magkaibigan kayo?" pag aalala ni Rocelyn.

"Sis kung pagkakaibigan lang ang pag uusapan hindi kaibigan ang inasta niya kanina. Sis nanghinayang ako, gusto kong lumuhod at sabihing sorry kahit hindi ko kasalanan kaso niyurakan niya ang pagkatao ko." naluha na ko sa mga nangyayari. Kailan ba matatapos ang problema? Kailan ba magsasawa sa'kin ang lumbay? Kapag ba wala na kong maibugang bala? kapag wala na kong lakas lumaban?

"Susuportahan kita bilang kaibigan mo pero sana maayos niyo tong problema niyo." niyakap ko siya at nagpasalamat sa lahat ng tulong na ginawa niya.

To be continued...........

comments your reactions

Team Jacob or Team Trevor.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon