Chapter 32

2.4K 47 6
                                    

Jacob POV

"Mom wala na! Bwisit na buhay to! Bakit kailangan lagi akong sumunod kay Daddy? All my life I've been his slave! Halos nakalimutan ko na ang sarili kong kasiyahan!"

"Stop blaming others Jacob. Everything happens for a reason." pilit akong kinakalma ni Mom. Pero pagod na kong pakawalan ang mga taong mahalaga sa'kin para lang maibigay ang gusto ng pamilya.

"Mom may rason ba kung bakit namatay ang anak ko! May rason ba! Pinatay ko ang anak ko ma! Pinatay ko! Dahil sa pagsunod sa mga gusto ni Dad! Bwisit na pamilya to! Masgugustuhin ko pang hindi mayaman pero masaya! Yung susuportahan ka sa mga ikasasaya mo!" napatayo si Mom nang sinuntok ko yung pader.

"Jacob hindi ko alam. Sorry at hindi kita naalalayan. Patawarin mo ko nak." niyakap niya ko at pinipigilang saktan ang sarili ko.

"Mom ang tanga ko! ang tanga ko!" yung galit ko na biglang naging luha, luha na kahit kailan ay hindi matatapos. Sinipa ko ang upuan at bumaba ako para mapuntahan ulit si Agatha. Kahit isang liit ng butil lang ng bigas ang pag asa aasa ako na magiging maayos kami. I will take the risk.

"Where are you going Jacob?" napatingin ako ng matalim kay Dad. Pati ba naman dito haharangin niya ko?

"Stop asking me! I have my own life, I have my own decision I'm done with your fucking commands!" kinuha ko ang susi ng kotse at tinalikuran siya.

"Jacob! Sandali lang!" hindi ko na rin pinansin si Mom. Ang mahalaga ma puntahan ko si Agatha.

Habang nasa bayahe ako iniisip ko kung sana noon ko pa 'to ginawa baka sakaling maibalik ko pa. Bigla akong napa preno at napasuntok sa manibela. Kinatok ako ng isang driver ng kotse at parang galit na galit. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko para humingi ng paumanhin.

"Marunong ka ba mag maneho? Kung gusto mo magpakamatay, magpakamatay ka! Pero h'wag kang mandadamay!"

"Sorry for what I did sir. I'm just having a big problem." paghingi ko ng paumanhin. Kinamayan niya naman ako at humingi rin ng paumanhin.

"Pasensya na at nasigawan kita mag ingat ka na lang sa susunod. Maaayos din ang problema mo." pumasok na kami sa kanya kanya naming kotse. Naisipan kong dalawin na lang ang anak ko sa sementeryo. wala na kasi akong masabihan ng problema. Hindi na ko tutuloy kila Agatha Baka mas masaktan lang ako, Kung nakapagsasalita nga lang ang puso baka noon pa siya sumigaw sa hapdi ng mga sakripisyong ginawa ko.

Habang nasa byahe ako hindi ko mapigilang mag isip. Napaka unfair ng buhay lahat ng hirap ko napunta sa wala. Nakarating ako sa sementeryo ngunit hinarang ako sa gate.

"Sir, pasensya na po under construction po ang daanan ngayon, kaya hindi po muna kami nagpapapasok ng sasakyan." wala akong nagawa kundi i park ang sasakyan ko at maglakad.

"Kuya Jacob! Kuya Jacob!" napatingin ako sa batang kumalabit sa'kin habang naglalakad ako. Kapatid to ni Agatha ah. Binuhat ko siya at tinanong kung bakit mag isa lang siya.

"May kasama ka ba?"

"Si Ate Rocelyn, ate Agatha tapos may Dalawa pa." inosente niyang sagot habang nakangiti. Kamukhang kamukha ni Agatha ang kapatid niya sa ilong lang nagkatalo. Parang halos magkaparehas nga kami ng hugis ng mukha at ng ilong.

"Kuya Jacob bakit ka nandito?"

"Pupuntahan ko si Zoe diba pupunta rin kayo doon?" masya kong tugon. I don't want to transfer sadness to the other people kaya I used to pretend that I am happy.

"Opo pupunta kami doon! Bakit kayo pupunta kay Zoe? Kilala niyo po siya?" natutuwa ako sa mga tanong niya na hindi matapos tapos.

"Opo kilala ko si Zoe. Si Zoe ay anak ko. Baby namin si Zoe." nagulat siya sa sinabi ko at tinitigan akong mabuti.

"Daddy ka ni Zoe? Bakit hindi kayo magkasama ni Ate Agatha? Diba dapat ang mommy at daddy magkasama?"

"Ganun talaga. Sige na balik ka na sa Ate mo baka hinahanap ka na nila. H'wag mo sabihing nakita mo ko ah. Bye." tinanaw ko lang siya habang  papunta siya kila Agatha. Kasing laki na rin sana niya si Zoe ngayon. I want to see my daughter badly kahit 5 segundo lang. maramdaman ko lang na niyakap niya ko.

Pagdating ko kung saan ang libingan niya tinanggalan ko muna ng mga nalaglag na dahon at ibang mga alikabok.

"Hi sweetie, daddy is here again. Sana kahit sa panaginip lang sweetie dalawin mo si daddy." tumulo ang luha ko. Luha ng pangungulila at pananabik na mayakap siya. Humiga ako sa tabi ng puntod niya at pumikit saglit.

"Jacob?" napadilat ako at agad tumayo ng marinig ko ang boses ni Agatha.

"I'm sorry, sige paalis na rin ako."

"Kuya Jacob diba kararating mo lang? nakita pa nga kita kanina eh sabi mo wag ko sabihin na nakita kita." natawa na lang si Rocelyn sa sinabi ng kapatid ni Agatha.

"It's alright Jacob. Nagulat lang ako na nandito ka. Hindi naman ako nagagalit." Ngumiti lang ako at bumalik sa pagakakahiga sa tabi ng puntod.

"Nasaan sila Tita at Tito?" Rinig kong tanong ni Agatha kay Rocelyn.

"Nakita nila yung bestfriend nila. nakasalubong nila at hinahanap yung anak niya dahil dito daw pumasok kaya ayun nakipag chikahan muna. ay ayan na pala sila."

"Hello po kamusta po?"

"okay naman hinahanap ko yung anak ko kasi nakita ko siyang pumasok dito." boses ni Mom yung narinig ko. Sinundan niya ko? Tumayo ako para makasigurado.

"Mom? bakit niyo ako sinundan? I can handle myself!" napatingin sila lahat sa'kin na parang nagulat sa nalaman nila.

"oh how small the world is. Biruin mo at andito pala ang Anak mo Mellisa." masayang tugon ni tita Amelia.

"Ibig bang sabihin siya yung babaeng iniiyakan mo kanina?" Napatingin sakin si Agatha nang malungkot.

"Mom! stop that I'm okay I'm completely okay. I'm contended that she's happy right now." umalis ako sa harapan nila dahil pakiramdam ko tutulo nanaman ang luha ko. I hate crying but I can't help myself.

"Kuya Jacob! kuya Jacob! h'wag ka nang umiyak. Sabi ni Zoe i hug daw kita para hindi ka na malungkot." napahinto ako sa paglalakad at hinarap ang bata. Lumuhod ako para maabot siya.

"Talaga sinabi niya sa'yo yun?" inayos ko ang buhok niya na nililipad ng hangin.

"Kunyari po ako si Zoe. isipin niyo lang po ako yung baby niyo para hindi ka na po mag cry." pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako. Pakiramdam ko niyayakap ako ng anak ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit, kahit alam kong isa lang itong paraan ni Jennica na mapasaya ako, pipilitin kong isipin na anak ko ang yakap ko ngayon.

"tutal ka birthday ko naman si Zoe kaya parang si Zoe na po ang yakap niyo." nagulat ako sa sinabi niya imposibleng magkasabay iniluwal si Jennica at si Zoe?

"Jennica!" lumapit sa'min si Agatha, kaya tinanong ko siya tungkol sa pagkakaparehas ng birthday na dalawang bata.

"Sabay palang pinanganak ang kapatid mo at si Zoe?"

"Oo my mom and I are the same pregnant back then. Huli ko na lang rin nalaman na buntis ako. At nagkataon naman na sabay kaming nanganak but unfortunately........."

"H'wag mo nang ituloy. Pwede bang time out muna ko sakit? Sobra na kasi. I have to go Agatha." Wala na nga talaga ang anak namin. Patuloy na lang akong aasa na sana kahit sa panaginip makita ko siya.

to be continued

Guys Team Trevor or Team Jacob? comment your team for me to know who's your bet.

and syempre I dedicate this Chapter to the following people.
hannaAbdul DanicaAncheta andreajoysim MaryAnnTobias4 lynfredjinao salamat po sa pag follow. At sa mga nag votes and reads ng aking story.

vjibanez lezyllosano thank you po sa votes mwa.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon