Chapter 31

2.3K 45 5
                                    

Jacob POV

"Son are you ready to be part of Zyrel's life? I'm so proud of you. Buti at hindi ka napunta sa Agatha na 'yun."

"Dad, Walang kinalaman dito ang tao, may kanya kanya na kaming buhay! By the way, pupunta ba si Mom?" Miss na Miss ko na si Mom. Matagal na kasi simula nang naka usap namin siya dahil may tampuhan sila ni Dad.

"Pupunta talaga si Mommy sa kasal ng nagiisa kong poging anak." napatayo ako at niyakap si Mom na nasa pintuan ng kwarto ko. Nagaayos na kasi ako para mamaya. Halos tumayo lahat ng balahibo ko dahil nasa harap ko ang taong gustong gusto kong makita sa oras ng kasal ko.

"Iwan ko muna kayo. Mukhang marami kayong pag-uusapan." lumabas si Dad na parang walang amor kay Mom. They don't even greet each other as if they were stranger.

"Nak, I'm very happy to see you like this. Ang baby ko mag aasawa na." naluha ako na marinig ulit ang boses ng nanay ko. Kaya niyakap ko siya ulit ng sobrang higpit.

"Mom, I've miss you so much. Thank you for everything, Mom." Pinaupo niya ko at pinunasan ang luha ko, inayos ang suot ko na parang bata na binibihisan ng isang ina.

"Sure ka na ba sa gagawin mo, Jacob? Lagi mong tatandaan na ang sinisigaw nang puso ay mas malakas kaysa sa sinisigaw ng utak. Sundin mo ang nakapagpapasaya sa'yo. Lagi lang ako nandito para suportahan ka." tumango lang ako at hinalikan ang kamay niya. She never fails me to feel comfortable when I hear some word of wisdom from her.

"Jacob, nandito na ang sasakyan bumaba na kayo!"

"Tinatawag na tayo ng Daddy mo. Tara na at bago pa malukot 'yang mukha mo." bumaba na kami para maihatid kami sa simbahan.

"Son, this is it! Bigyan mo kami ng maraming apo." pagbibiro ni Dad. Natawa lang ako at sumakay na sa sasakyan.

"Sir, ang swerte ng mapapangasawa niyo. Mabibigyan niyo ng magandang lahi." natawa rin ako sa sinabi ng driver pero ang nasa isip ko ngayon si Agatha. Sana maging masaya kami sa magkaibang landas na lalakaran namin. Alam kong magiging okay na ang lahat pag natapos ang kasal na 'to. para sa'yo 'to Agatha.

"Sir, nandito na ho tayo. Kanina pa ho kayo tulala, mukhang kinakabahan na po kayo. Good luck, sir."

"Salamat ho manong." Lumabas na 'ko ng kotse at sa likod ng simbahan ako dumaan para diretcho na kami sa altar. Nandoon na rin ang pari at mga bisita hinihintay na lang namin si Zyrel.

"Son, nandiyan na ang bride mo!" bulong sa'kin ni Dad kaya nag ayos na ko at pinagmasdan ang mga nakangiting bisita. Tumugtog na rin ang kanta at nagsimula nang maglakad sa gitna si Zyrel kasama ang daddy niya. She looks so happy and undeniably beautiful pero hindi ko alam bakit hindi ko dama ang nangyayari?

"Jacob, take care of my daughter." tumango lang ako at kinuha ko si Zyrel para humawak sa'kin. Hindi ko ramdam ang kasal na 'to. Pakiramdam ko sinusuntok ng puso ko ang utak ko. Hindi ko maintidihan ang kanta, wala akong naririnig na tawanan kahit makikita mo na binubuka nila ang mga bibig nila para mag-usap.

Nag misa muna ang pari bago simulan ang seremonya. At may isang gumising sa'kin at nagpamulat sa mga nangyayari.

"Ang kasal ay nagsisilbing matibay na sandata na magbibigay proteksyon sa inyong pagsasama, sandatang magbibigay talim sa inyong pagtitinginan bilang mag asawa. At magbibigay tapang upang isigaw na ang taong iyong pakakasalan ay taong iyong minamahal." tumingin ako kay Mom pagkatapos sabihin ng pari ang kanyang sermon at isang matamis na ngiti lang ang aking nakuha.

Pintayo na kami ng pari at sinimulan ang pagtatanong.

"Jacob, do you take Zyrel to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, In sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?" napatingin ako kay Zyrel na nakangiti at tumingin ulit ako kay mom. Nilagay niya ang kamay niya sa dibdib niya para sabihing sundin ko ang puso ko.

"Father, I..... I can't marry her sorry." naglakad ako pababa ng altar at isang suntok mula sa daddy ni Zyrel ang nakuha ko.

Tumayo ako sa pagkakatumba sa lakas ng suntok at lumabas ng simbahan. ayoko na! Sinuko ko na noon si Agatha dahil ayoko na masaktan siya sa tabi ko. Sinunod ko ang utos ng tatay ko dahil ayokong madamay ang pamilya nila.

Kahit masakit, pinakawalan ko siya. Sa loob ng apat na taon hindi ko magawang kalimutan kung gaano ko siya nasaktan. Gaano kasakit na makita siyang lumuluha ng dahil sa akin. Hindi ko siya pinaglaban noon.

"Jacob, bumalik ka dito! Don't brings a shame in this family!" hindi ko pinansin si Dad at patuloy na lumabas ng simbahan.

Pupuntahan ko si Agatha magmamakaawa ako kung kinakailangan, luluhod ako kahit magdamag bumalik lang siya. Miss na miss ko na ang dating kami. 'Yung araw na pinipilit niya na tirintasin ko ang buhok niya, 'yung araw na ako ang nagtotoothbrush sa kanya at siya ang nagtotoothbrush sa'kin, at yung araw na kapag masakit ang ulo ko nandiyan agad siya.

"Manong, sa may Rock ville subdivision po sa Makati." sumakay na ako ng taxi para mapuntahan si Agatha. Ayoko nang magsayang ng oras. Gusto ko na siyang mayakap at sabihing mahal na mahal ko siya.

"Sir, papasok pa po ba tayo sa loob? O dito na lang ho kayo bababa?"

"Kuya pasok niyo na po diretcho lang ho tapos kanan sa pangalawang eskinita, pangatlong bahay."

"Sige sir." dumiretcho na si kuya at pagkanan namin mukhang may party kila Rocelyn.

"Kuya salamat po. Ito ho bayad ko." hindi ko na kinuha ang sukli ko at tumakbo na papunta kila Agatha.

"Agatha, Agatha!" tumulo na ang luha ko sa sobrang sabik na maipakita ang tunay na nararamdaman ko.

"Hijo, I thought that this day is your wedding day. Why are you here?" Nanay ata ni Rocelyn ang kaharap ko ngayon.

"Tita, para niyo na pong awa pwede po bang makausap si Agatha? Kahit isang minuto kahit 30 seconds lang po."

"Sino po ang naghahanap sa'kin, tita? Jacob? Anong ginagawa mo rito?" pagkalabas niya ng gate niyakap ko agad siya, niyakap ko siya nang mahigpit na parang ngayon ko lang siya nakita.

"Diba kasal mo ngayon? Anong ginagawa mo rito? Hindi kami pwedeng pumunta sa kasal mo dahil galit sa amin si Zyrel pero alam mo ba masaya ako kasi nahanap mo na ang tunay na magpapasaya sa'yo." doon na umagos ang luha ko. Para kong babae sa ayos ko ngayon. Pero hindi masama umiyak kapag nasasaktan ka.

"Agatha, hindi ko tinuloy ang kasal umatras ako. Mahal na mahal kita, love. Ayokong mawala ka sa tabi ko. Alam ko naging gago ako kasi iniwan kita, hindi kita ipinaglaban."

"Jacob, bakit mo ginawa 'yun? Alam mo ba okay na 'ko wala ng sakit, wala ng galit at lagi kong sinasabi sa'yo na pinatawad na kita."

"Kakapalan ko na ang mukha ko. Bigyan mo sana ako ng pagkakakataon na maibalik ang dati. 'Yung dating tayo. Agatha, nagmamakaawa ako sa'yo." lumuhod ako sa harapan niya. Wala akong paki alam sa kung punong puno na ng luha ang mata ko. Mas hindi ko kakayanin kung hindi ko ginawa lahat para mabawi ko siya.

"Jacob, pasensya ka na. Kami na ni Trevor. Baka may mas deserve nang pagmamahal mo. Tumayo ka na d'yan. Makinig ka sa'kin Jacob," pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kanya, right to his face.

"Hindi mo kailangan mag paliwanag, Agatha. Ako nga dapat ang magpaliwanag sa'yo. Pero masaya na ako para sa inyo." yinakap niya ko nang mahigpit bago ako umalis.

"Sorry Jacob, sorry." tinanggal ko ang pagkakayakap niya at hinalikan ang noo niya.

"I love you always Agatha. till our hearts meet again goodbye."

To be Continued..........

boyfie20 MallanLeamaeMolina HoneyVasquez2  thank you for voting and reading my story.

Comment naman kayo ng reactions niyo.

At mag kwentuhan tayo sa may message board ko. Heheheheh

Enjoy Reading.
Read at your own risk

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon