Chapter 45

2.3K 47 1
                                    

Agatha POV

Hindi kami makatakas dahil hawak kami ng mga tauhan ng hayop na Eduardo na 'yun.

"Eduardo, itigil mo na to! Hanggang kailan ka ba kakainin ng galit mo!" hindi niya pinakinggan si Mama at tumawa lang na parang demonyo.

"Sino ka para pagsabihan ako? Magsama sama tayo sa Impyerno!"

"Ikaw lang ang mapupunta sa impyerno! Hayop ka, wala kang puso mamatay ka na!" hindi ko na napigil ang galit ko at sinigawan ko na siya. Lumapit siya at sinabunutan ako.

"Tanggalin niyo siya sa pagkakatali. Ibigay niyo sa'kin tong hayop na babae na'to. Ipasok niyo yang dalawa na yun sa bartolina." kinalas ang pagkakatali sa'kin at nag umpisang magmakaawa si Mama at Tita Amelia.

"Ako na lang ang patayin mo Eduardo h'wag ang anak ko!" hindi niya pinansin ang pagmamakaawa ni Mama at tinitigan lang ako ng masama. Dinuraan ko siya dahil nadidiri ako sa kanya, diring diri ako.

"Hayop kang babae ka!" sinikmuraan niya ko at halos hindi na ko makahinga. Kahit ganito ang maranasan ko, hindi ako magmamakaawa sa kanya.

"Hindi ka magtatagumpay satanas na nagkatawang tao! Sa impyerno ang tuloy mong hayop ka!" isang sampal at tadyak ang nakuha ko mula sa kanya. Pinilit ko pa ring maging malakas para ipamukha sa kanya na hanggang sa dulo lalaban ako.

Sisikmuraan niya nanaman sana ako ng may biglang sumigaw na nagpatigil sa kanya.

"Eduardo! Itigil mo na ang kabaliwang ito hanggang kailan mo ba paiiralin yang galit sa puso mo!" nakita kong umiiyak ang Mommy ni Jacob, habang kinakausap si Mr. Miller.

Pumasok rin si Jacob na naka wheelchair at napalagay ako ng nakita kong kahit papaano nagamot na siya at mukhang hindi na siya hirap na hirap.

"Eduardo mag isip ka! Hindi ito ang paraan para maging maayos ang lahat! Hindi kasikatan o pera ang dahilan para sumaya! Itigil mo na to nag mamakaawa ako." patuloy sa pag iyak si Tita Mellisa.

"Para saan Mellisa? Para makulong ako? Para pahirapan ako? Mas magandang magsamasama kami sa impyernong inihanda ko!"

"Dad stop this!" hindi niya pinansin si Jacob at tumawa pa. Kinuha ko na ang tiyempo para makatakas. Kumuha ako ng kahoy at agad hinampas sa ulo ng Daddy ni Jacob. Napayuko siya ngunit hindi siya natinag at kinasa ang baril.

"Agatha!" napapikit ako at isang katawan ang yumakap sakin at hindi ko naramdaman ang bala sa katawan ko.

"Mommy!" sigaw ni Jacob. pagdilat ko nakayakap sa'kin si Tita Mellisa na duguan ang likod at sumuka na siya ng dugo.

"Tita! Tita gumising ka hindi pwede! Tita gumising ka!" hagulgol lang ang tanging naririnig sa loob. Kita rin sa mata ng Daddy ni Jacob ang luhang nagbabadyang pumatak.

"Dad! Bakit mo ginawa kay Mommy yun! Hindi ka marunong maawa! Hindi na ikaw ang tatay ko demonyo na ang kaharap ko ngayon!" bumuhos rin ang emosyon ni Jacob sa tatay niya.

"Wala na ang taong mahal ko! Kaya magsama sama tayong mamatay!" itinutok ni Mr. Miller ang baril kay Jacob. Humarang ako at doon ko binitawan ang pagmamakaawa.

"Please po itigil na natin to! Anak niyo siya parang awa niyo na po." hinawi ako ni Jacob at pinilit niyang tumayo para harapin ang Daddy niya.

"Sige patayin niyo na rin ako para habang buhay kayong uusigin ng konsensya niyo!" tumutulo na rin ang luha ni Mr. Miller ngunit hindi niya binababa ang baril na nakatutok ngayon kay Jacob. Maya maya tumawa naman siya na parang nasisiraan ng bait.

"Mamamatay kayong lahat dito! Nasaan ang pulis na tinawag niyo? Wala! Dahil ang lugar na ito ay mahirap mahanap mga mang mang!"

"Mas magandang mamatay tayong lahat kesa makita kitang nababaliw sa mga kasalanang ginawa mo! Pinili kong baliwalain yun Dad dahil mahal kita pero bakit nagkaganyan ka?" napaluhod na si Jacob para magkaawa sa tatay niya, ngunit hindi pa rin siya pinagbigyan. Kinasa na ang baril at tinutok sa kanya.

"Hayop ka! Wala ka ng kawala!" binaril ni Zyrel ang kamay ni Mr. Miller na naging sanhi ng pagkalaglag ng baril. Agad namang pumasok ang mga pulis at dinakip ang tatay ni Jacob. Inalalayan ko si Jacob na bumalik sa wheelchair.

"Agatha! Anak ayos ka lang ba? Mellisa?" biglang napatingin si Mama at Tita Amelia sa bangkay na nasa gilid namin.

"Mellisa! Ang daya mo akala ko ba mag yoyoga pa tayo bakit iniwan mo kami agad?" niyakap nila ang bangkay ni Tita Mellisa at umagos ang mga luha pagkatapos ng dugo.

"Jacob, nandito lang ako hindi kita iiwan nandito lang kami ng anak mo." niyakap niya lang ako at patuloy na umiyak.

"pinapangako ko na hindi mangyayari ang bagay na to sa pamilya natin Agatha." kumalas siya sa pagkakayakap ko at lumapit sa bangkay ng Mommy niya.

"Mommy, salamat po dahil hanggang sa dulo kasiyahan ko ang inintindi niyo. Mom sorry for making you feel that you're not a good mother. Mom I can say that you're the best Mom that every person could ever had. Mom hanggang sa muli nating pagkikita." niyakap niya ang mommy niya at walang humpay na pag iyak ang ginawa niya. Awang awa ako sa kanya. Hindi ko alam kong paano ko pagagaanin ang sakit na nararamdaman niya.

"Nak, Always remember na nandito lang kami. We can be your mother kapag kailangan mo ng masasandalan. Hindi ka mag iisa Jacob nasa likod mo kaming lahat." niyakap ni Tita Amelia si Jacob at pilit na pinapagaan ang loob.

Pumasok na ang rescue team at ang mga kukuha sa bangkay. Dalawa ang nagbuhis ng buhay, buhay na kahit kailan ay mananatili sa mga puso namin, buhay na kahit kailan ay hindi matatakpan na kahit na anong panahon. Patuloy itong mananatili hanggang sa pagkikita ng aming mga katawan sa piling ng Diyos.

"Jacob, tara na doon ka muna sa bahay magpahinga hindi ko pababayaang may mangyaring masama sa Asawa ko." napangiti siya at hinalikan ako.

"I love you more than anything else Agatha. Kayo na lang ang natitira sa'kin, kaya hindi ko hahayaang mawala kayo sa'kin." tinulak ko na ang wheelchair niya palabas kasabay nito ang umpisa ng paglimot sa mga sakit na bumalot sa aming mga puso.

"Agatha!" naininag ko si Trevor na papalapit sa'min at tila kabadong kabado.

"Ayos lang ba kayo? Ikaw Jacob ayos ka lang tol?" tumango lang si Jacob bilang tugon. Inalalayan na rin ako ng Medic para magamot ang mga sugat ko. Si Trevor na ang umalalay kay Jacob palabas ng bahay.

Maaaring ito ay pagtatapos ng galit at mga hinagpis ngunit ito rin ay magsisilbing simula ng buhay na hindi man perpekto pero masaya.

To be continued.........

Malapit na ang huling mga kabanata. Sana abangan ninyo.

Comments below para sa mga reactions niyo.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon