Chapter 12

3.1K 55 0
                                    

Dedicated MerryRoseCongcong2
Thank you for supporting my story.

Agatha POV

Gusto kong lamunin ng lupa sa dami ng tao na nakatingin samin. Sa mga nag pipicture. Ganito pala ka elegante ang engagement party ni Zyrel.

"Trev, doon na lang tayo sa may dulo pumwesto, Ayoko sa harapan. Inalalayan niya naman ako at pumunta kami sa dulo malapit sa hagdan. Ayoko na nasa gitna kami parang inihahain mo ang sarili mo sa mga usapan.

Halos malula kami sa daming chandelier ng venue na to. Akala ko nga sa mga palabas lang to nag eexist.

"Trev, nakaka antok gusto kong matulog." pagkasabi ko hinawakan ni Trevor ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Kundi ko lang talaga mahal yung taong nanakit sakin mamahalin kita Trevor sa kahit anong paraan.

"Gigisingin na lang kita kapag magsisimula na." tumango lang ako at nang akmang pipikit na ang mata ko tyaka naman nagsalita ang emcee.

"Good evening ladies and gentlemen welcome to the most awaited engagement party of the tycoon daughter and Universe news son......" ang baduy naman ng pagpapakilala kila Zyrel. Nakaka excite naman makita yung nobyo niya.

"Si Rocelyn?" tanong ko kay Trevor.

"kukunin lang daw yung panyo sa kotse. Babalik din yun maya maya." binalik ko ang atensyon ko sa nagsasalita kasi ipapakilala na si Zyrel.

"Let us all welcome the Daughter of the world business tycoon Zyrel Agoncillo!" halos sumakit ang kamay ko sa kakapalakpak habang bumababa siya sa hagdan with her elegant gold body fit gown. Nang nagtama ang paningin namin, nag flying kiss siya. Nag flying kiss din ako.

Ito na yung inaabangan ko, to witness who's the guy.

"Sis ano pinakilala na ba ang guy?" hingal na tanong ni Rocelyn.

"hindi pa sis. Papakilala pa lang. Saan ka ba nagpunta?" hindi na ko sinagot at tumitig sa nagsasalita.

"Let us all welcome the most clever and handsome personality and soon to be groom. The man behind the Universe News Asia, Jacob Miller." tumigil ang mundo ko at halos nangatog ang tuhod ko. Hindi ko rin namalayan na naka yukom na ang mga kamay ko.

"Sis! Ayos ka lang ano uuwi na ba tayo?"

"Hindi tayo uuwi. Gusto kong marinig ang mga kasinungalingan niya." matigas kong tugon habang nakatanaw sa bumababang si Jacob.

"Agatha is there any problems? Why are you crying?" ngumiti lang ako at pakiramdam ko may lumabas na demonyo sa katauhan ko. Binigay ng emcee yung mic kay Zyrel.

"Maraming salamat sa pumunta to witness our eternal love." sumimangot ako at pumalakpak ng mahina.

"Kwentuhan niyo naman kami kung paano kayo nagkakilala." request ng emcee na kinatuwa nilang parehas. I want to burn this venue as I see how happy they are.

"Actually may Girlfriend siya noon, here in the Philippines tapos nasa state ako. Matagal ko na siyang gusto kaso di niya ko mapansin kasi meron nga siyang girlfriend na halos kabaliwan niya. Pero ngayon he is deeply in love with me in unknown reason. Basta mahal niya ko. Kwento mo samin dali. Share to them how much you love me." nagsigawan ang mgatao dahil sa kilig pero ako dahil sa muhi at pandidiri.

"May Girlfriend ako noon nakilala ko siya sa isang exam pero hindi nag work out pinilit ko pang isalba kaso wala na. Siguro si Zyrel ang Destiny ko kaya nagkatuluyan kami." sa sobrang galit ko, at sobrang pagkamuhi sa mga taong nasa harap ko hindi ko namalayan naglalakad na ako sa gitna  papunta malapit sa stage. Napatingin sakin si Jacob at nanlaki ang mata. Hayop siya! Hanggang ngayon niloko niya ko na wala siyang maalala.

"Sis this is not the right time. Mag eeskandalo ka lang dito." hinila ako ni Rocelyn at lumabas kami.

"Sis plss h'wag ngayon." tumango lang ako at pumasok ulit sa loob. Pinilit kong hindi lumabas ang emosyon ko kahit na gustong gusto ko ng manakit.

"I want to be with you, I want to be your human blanket, I want to be your slave just to make you happy." tumingin sa direksyon ko si Jacob at inalis rin niya agad. Niyakap siya ni Zyrel ng lumuha siya.

Lumuha ka sa saya dahil matitikman mo yung sakit na pinaramdam mo sakin. Nang natapos na yung message ng mga hayop nag bigay ng signal para kumain. Lumapit samin si Zyrel at kinamusta kami.

"Okay pa naman. Anong dahilan para hindi kami maging okay?" sarkastiko kong tugon na kinasimangot niya.

"loka loka! Ano ba yang lumalabas sa bibig mo." natatawa niyang tugon. Si Rocelyn naman pilit na pinapatigil ako sa pagsipa ng paa ko.

"Ang gwapo ng fiancé mo ah. Ingatan mo baka mabawi ng Ex girlfriend." makahulugan kong biro. Tumawa lang si Zyrel pero nginitian ko ng nakakaloko. Hindi ko ginusto na lumabas ang demonyo sa loob ko, kaso hinamon ako.

Mag Si CR sana ko ng biglang may humila saking lalaki at dinala ako sa likod sa may swimming pool na walang tao. Pag tingin ko kung sino, biglang lumabas ang emosyong kanina ko pa tinatago.

"Hayop ka! Ano bang kasalanan ko sayo?! Ganito ba ko kadaling hubaran ng pag katao Jacob? Anong klaseng sakit pa ba ang gusto mong iparanas sakin?!" lumayo ako sa kanya dahil ayokong makapanakit.

"Agatha let me explain. Gusto ko naman sabihin sayo. sorry Agatha. Saktan mo ko sampalin mo ko." pinunasan ko ang luha ko at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

"Para sa puso kong pinatay mo! Wala kang awa Jacob! Lahat ng sinabi mo kanina Lahat yun narinig ko na! Anong panloloko pa ang sasabihin mo!"

"Agatha, lahat ng sinabi ko sayo totoo yun. Hindi mo lang alam kung gaano ko ka gustong hawakan yung kamay mo at sabihing sorry, kung gaano ko kagusto na yakapin ka kaso di ko magawa!"

"Utang na loob ko pa yun Jacob? Mas okay pang sinabi mo na ayoko na Agatha kasi may mahal na kong iba. Kaso hindi Jacob! Ngayong araw kung ikaw ang nasa kalagayan ko kulang ang pisikal na sakit para makaganti! Ganyan ako kadurog! Mas masahol ka pa sa demonyo."

"Agatha pag usapan natin to! Parang awa mo na!" Halos maubos na ang luha niya para mag makaawa.

"Wala ka nang dapat ipaliwanag Jacob! Sira na ang buhay ko! Tandaan mo ipapatikim ko sayo ang tripleng sakit na ipinaranas mo sakin pati sa anak mo!" nabigla ako sa sinabi ko kaya umalis ako sa harap niya.

"Agatha sandali lang! nagkaaanak tayo? Nasan na ang anak ko? Kamusta na siya? Sabihin mo! Agatha hayaan mong maging Ama niya ko." napaupo na ko sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon.

"Pinatay mo siya Jacob! pinatay mo ang anak ko! Nagdusa kami parehas! Ngayon alam mo na? Alam mo na kung paano mo sinira ang buhay niya!" Pinilit kong tumayo at bumalik sa Party. Inaya ko na silang umuwi dahil hindi ko na kaya.

"Agatha!" narinig ko pang sigaw ni Jacob sa Loob pero hindi ko na pinansin. Umaapaw na ang sakit sa dib dib ko. Ayoko ng mabuhay. Pero hindi lalaban ako, ipaparanas ko sa kanila ang mabuhay sa impyerno!

"What happen Agatha?" hindi ako makasagot sa tanong ni Trevor dahil sa bawat buka ng bibig ko para ikuwento ang lahat parang hinihiwa ng kidlat ang buo kong pagkatao.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paluluhurin ko sila sa harap ko, gusto kong magmakaawa sila na bawiin ko ang apoy na mararamdaman nila, pangako ko yan. Magpapasalamat ako na makita silang nalalapnos ng mga nagbabagang apoy na hinanda ko. Babagsak silang lahat.

To be continued..........

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon