Chapter 39

2.2K 49 1
                                    

Agatha POV

"Amelia! Kanina pa namin kayo hinihintay. Kumain na ba kayo? Gusto niyo mauna na kayo sa loob." bungad samin ng mommy ni Jacob pag pasok namin sa venue.

"Mare busog pa kami and besides, hindi pa naman nagsisimula ang programa niyo kaya on time pa rin kami." dinala na lang kami sa reserved table para maka upo na kami.

Nakakailang dahil lahat ng mata sa amin nakatingin. Hindi ka makangiti o makabulong man lang.

"Agatha! You look so beautiful tonight." hinintay ko munang maka upo sila tita bago ko nilingon si Jacob. Sino pa ba ang tatawag sa'kin dito? Malamang siya lang. Buti na lang hindi siya nakita ni Jennica. Kasama niya pala si Zyrel ngayon, so okay na pala sila.

"Tonight lang hindi ba everyday?" pabiro kung tugon. Napasimangot naman si Zyrel sa sinabi ko.

"I like your gown Agatha. Mukha kang cake dahil sa kulay." Nagsimula nanaman ang bruha akala mo uurungan kita.

"I like your gown too bagay sayo. Mukha kang isda na nahuli ng lambat. Sorry hindi ko kasi madistinguish kung yung suot mo lambat o kulambo. Sorry Jacob Napapagod na kong makipag usap uupo muna ko, tyaka nangangamoy malangsa dito." tinalikuran ko sila at alam kong asar na asar na sa'kin si Zyrel.

"Saan ka ba galing sis?"

"D'yan lang sa tabi tabi may pinaandaran lang." nagsimulang tumahimik ang paligid ng nagsalita na ang emcee. Kumilos na rin ako at palihim na umalis sa kinauupuan ko.

Hinanap ko kung nasaan ang nag piplay ng video. Nang nakita ko sa taas, agad agad akong umakyat para makapag plano. Akma namang bumaba ang nag piplay kaya dali dali akong lumapit. Nilagay ko agad ang flashdrive at hinanap ang files.

"Let us all welcome the one and only the man behind Universal News Asia and Publishing Incorporated, Mr. Eduardo Miller." nanlisik ang mga paningin ko, gusto ko siyang batuhin, pero sige magkakaalaman tayo ngayon.

Habang nasa kalagitnaan na siya ng pagsasalita nagplay na ko ng video. Lahat ng information nandoon. May voice over din akong ginawa kaya napatigil siya sa pag sasalita.

"People listen, all of that is not true. Stop the video!" galit niyang sigaw. Sige magalit ka, magalit ka pa ng sobra.

"Sino ang may kagagawan nito? Sino! Bakit ba pati dito nanggugulo ka!" may nakita akong mic sa harap ko kaya kinonnect ko para marinig ako ng lahat.

"Ako! Ako ang taong yun! Lustful Princess and Agatha matunog are the same. You heard it right I am your biggest and dangerous enemy! Nagulat ka ba Mr. Eduardo Miller? Nag flashback ba lahat? O baka nilalalamon ka na ng konsensya mo?" nagtinginan lahat ng tao sa taas kung nasaan ako.

"Parehas kayo ng tatay mo wala kayong ginawa kundi ang manira ng buhay!"

"Manahimik ka! Kayo ang sumira ng buhay namin! Ikaw ang sumira sa buhay ng tatay ko! Bakit hindi mo sabihin sa lahat ang mga kademonyohan mo? Ngayon mo kami paglaruan Mr. Miller, ngayon mo ko sabayan!" nanlilisik ang nata ko at halos marinig na ang tibok ng puso sa sibrang galit ng nararandaman ko.

"Stop! Wala kang mahihita dito, wala! H'wag mong sirain ang programang ito!",

"Wala akong sinisira Mr. Miller  Gusto ko lang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay ko." nagplay ulit ako ng isang video na naglalaman ng lahat ng lihim nga mga Miller. Nakita kong nag usap usap ang mga tao at ang iba nagsilabasan na dahil sa gulong nangyayari.

"Guard! Guard! Ilabas niyo yang baliw na yan!" galit na galit niyang sigaw.

"Nagyon ka magmalaki Mr. Miller! Ngayon mo sabihing masarap ang tagumpay! Hanggat nabubuhay ako sisiguraduhin kong babagsak ka! At habang nabubuhay ako hindi ako titigil hanggat hindi ka nagsisisi sa lahat ng ginawa mo!" hinagis ko ang Mic at kinuha ang flashdrive. Bumaba na rin ako at ako na ang kusang lumabas.

Habang tumutulo ang luha ko sa labas, may humawak ng braso ko at bigla akong hinarap sa kanya.

"Ganito na ba katindi ang galit mo sa'kin Agatha? Pati pamilya ko sinisira mo na? Hindi na ikaw ang Agatha na nakilala ko." lumuluha niyang tugon.

"Kahit kailan hindi ako gagawa ng gulo ng walang dahilan. Gusto mong sa bibig ko mismo manggaling kung paano kami pinaikot ng tatay mo? Pinatay niya ang tatay ko! Hindi ako galit sa'yo at hindi ka kasali dito tapos na kung ano man ang naging problema nating dalawa." hinila ko ang braso ko para matanggal ang pagkakahawak niya.

"Paano mo nasabi Agatha? Dahil sa mga walang kwentang mga articles na yan? Ganyan ba ang matalinong tao, ganyan ba ang marunong mag isip."

"Hindi nga malabong maging katulad ka ng tatay mo! Buti na lang talaga at matagal nang natapos ang ugnayan na meron tayo!"

"Mommy Agatha, kanina ka pa namin hinahanap. Bakit kayo nag aaway diba dapat ang mommy at daddy laging magkabati?" ito na ang kinatatakutan ko, ang magkita silang mag-ama.

"Jennica bumalik ka muna kila Rocelyn may pinag uusapan lang kami."

"Hindi naman magagalit si Kuya Jacob kung nadidito ako diba ay Daddy Jacob pala." nakita ko ang gulat sa mata ni Jacob, mga mata ng pangungulila.

"Jennica sige na please pumunta ka muna doon." sumunod naman siya agad at bumalik kila Rocelyn.

"Anong sinasabi ng kapatid mo? Bakit tinawag ka niyang Mommy at tinawag niya kong Daddy? Buhay ba ang anak ko?" bakit ba hindi mawala sa'kin ang pagluha kapag nalalagay ako sa ganitong sitwasyon?

"Ngayon narinig mo na! Buhay ang anak ko at hindi ko yun itatago sa'yo! Pinalabas ng nanay ko na namatay ang anak ko dahil kapag nalaman ng tatay mo na buhay ang anak natin, paniguradong hindi niya kami lulubayan." napahilamos siya at tila naguguluhan.

"Bakit gagawin ng tatay ko yun?"

"Dahil kahit kailan hindi siya minahal ng Mama mo. Dahil noong una pa lang bago pa nagkakilala ang mga magulang ko, ang Mama mo ang minahal ng tatay ko at ang tatay mo ginamit ang kapangyarihan para makuha ang mama mo sa papa ko. Kaya ganun na lang kagalit ang papa mo sa pamilya namin. Ilagay mo na lang sa isipan mo na wala kang anak para wala tayong problema ganun lang kasimple." tinalikuran ko siya pero pinigilan niya kong umalis.

"Agatha, gulong gulo na ang buhay ko, hindi ko na alam kung saan pa ko sasandal. Ngayong alam ko na kumpleto pa ang sarili kong pamilya, gagawin ko ang lahat para makasama kayo."

"Mommy! Sabi ni ate Rocelyn uuwi na daw tayo! Tapos na po ba kayong mag usap ni Daddy Jacob?" nginitian niya si Jacob kaya sabik siyang niyakap ng Daddy niya. Bumaha ang luha at tila hindi matatapos ang araw na'to dahil sa pagkikita ng mag-ama.

"Sweetie, patawarin mo si Daddy mahal na mahal kita anak." hindi na tumigil ang luha ko ng punasan ni Jennica ang luha ni Jacob, at hinalikan niya pa sa pisngi.

"H'wag ka na pong mag cry hindi naman po pala si Zoe ang baby niyo, ako pala yun. Gusto ko rin pong magkaroon ng Daddy." inawat ko na si Jennica sa pakikipagusap kay Jacob, dahul kailangan na naming umuwi.

"Bye Kuya ay Daddy. I love you." nag flying kiss pa si Jennica kay Jacob. Tumakbo naman si Jacob papasok sa loob ng venue, at Nagulat na lang kami ng may nag sigawan sa loob.

"Arnaldo! Tulungan niyo ko! Yung anak ko." nagulat kami ng tawagin ng mama ni Jacob si tito Arnaldo. Hinubad ko ang sandals ko at tumakbo papunta sa loob. Nauna na sila Trevor para tignan kung anong nangyayari.

Pagpasok ko sa loob, nakikipag suntukan si Jacob sa security ng daddy niya.

"Anong klase kang ama! Hindi mo na ko binigyan ng kasiyahan pati anak ko balak mo pang gawing miserable ang buhay! Hayop ka!" sigaw ni Jacob habang inaawat siya ni Trevor.

"Daddy! Daddy!" tumakbo si Jennica papunta kay Jacob. Hindi ko siya napigilan kaya pumunta siya para yakapin si Jacob. Tumigil naman agad si Jacob at binuhat ang anak kahit na may sugat siya sa mukha.

To be continued..........

Comment your reactions.

Sana magustuhan niyo.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon