Chapter 27

2.3K 49 4
                                    

Agatha POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit kaya sinira ni Zyrel ang pagkakaibigan namin sa mga walang katotohonang bagay?

"Sis magsosorry ako kay Zyrel. Hindi ko rin sinasadya na masabihan siya ng masasakit na salita." I decided na tumawag muna sa Office para sabihing hindi ako makakapasok ngayon. Pupuntahan ko si Zyrel para humingi ng dispensa.

"Samahan mo ko Rocelyn papunta kila Zyrel. Diba alam mo ang bahay nila?" tumango lang siya at ngumiti. Hindi na kami nag aksaya ng oras at nag handa agad.

Pagkatapos kong magbihis Gumawa pa ko ng friendship letter para makapag sorry.

"Ready ka na Agatha?" medyo kinakabahan ako sa mangyayari pero alam ko naman na magkakabati kami ni Zyrel. Alam kong nabigla lang rin siya.

Bumyahe kami hanggang Taguig para makarating sa bahay nila at pagdating namin doon, nakita namin sila ni Jacob na nag uusap. Nandoon rin ang mommy niya na nagdidilig ng halaman.

"Tao po! Tao po!" tawag ni Rocelyn para naka agaw ng pansin. Agad namang lumapit si Zyrel, Kitang kita na nagulat siya sa presensya namin.

"Bakit nandito kayo? Anong ginagawa niyo dito." walang gana niyang tugon.

"Pwede bang pumasok muna kami para mapag usapan to?" pinatuloy naman kami sa bakuran nila, pero parang alangan siya na papasukin kami.

"Agatha anong ginagawa niyo rito?" nakangiting bati samin ni Jacob.

"Yan? Yan ba agad ang napansin mo! Yang Malandi na yan?" tumulo ang luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko deserve to but I have to bear with this just to make everything okay.

"Zyrel stop being paranoid!"

"Zyrel we're here just to make everything fine as what we are before! Not to argue with you!" napalakas na nang bahagya ng boses si Rocelyn habang hinhimas ang likod ko.

"Sige pagtulungan niyo ko! Kampihan niyo yan! Eh kitang kita na nilalandi niya si Jacob! Na inaahas niya ang boyfriend ko! What are you expecting from me? To say sorry for what I did? To forgive you? No way!" ibang Zyrel ang nasa harap namin ngayon. Hindi siya yung Zyrek na malambing at mabait.

"Zyrel, wala ka banag tiwala sa'kin? Pumunta sila dito just to say sorry kahit alam nila na wala silang kasalanan!" tugon ni Jacob peri mukhang hindi nakumbinse si Zyrel. Hindi na rin ako sumasagot para maka iwas na sa gulo.

"Tama si Jacob we're here to say sorry." panggagatong ni Rocelyn

"Alam ko! Kasi guilty kayo! Guilty yang kaibigan mo! Hindi kayo hihingi ng sorry kung nasa tama kayo! Bakit ba hindi mo na lang aminin na malandi ka! Makati ka at mangaagaw ka!" hindi ko siya sinampal sinalo ko lahat ng sinabi niya pero hindi naman ako papayag na tapakan lang ako. Naiintindihan ko na ngayon na hindi mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan na meron kami.

"Pasensya sa istorbo Zyrel. Maaaring naging kaibigan mo ko pero hindi mo kilala kung sino ako. Kung Malandi ako desperada ka! Kung makati ako mas makati ka! Ito ang gusto mo diba? I'm trying to save our friendship pero parang wala lang sayo!" lumapit siya sa'kin at hinawakan ang buhok ko.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na pumunta ka dito? Sino rin ba ang nagsabi na makikipag ayos ako?" hindi ako gumaganti kahit hawak niya pa rin ang buhok ko, pinipilit kong maging mabait at hindi lumabas ang demonyo sa pagkatao ko. Minsan na yung lumabas at ayoko na maulit. Inaawat na ni Jacob si Zyrel buti pumasok ang mama niya sa loob ng bahay kaya hindi kami nakikita.

"Ano ba! Nawiwili ka na ah!" sinampal ni Rocelyn si Zyrel ng napakalakas at tinulak niya para mapahiga sa lapag.

"Yan! Yan ang nararapat sa mga tulad mo! Wala kang kwentang kaibigan! By the way bagay sa'yo yang damit mo bestfriend mukha kang kurtina! Ay este basahan! Jacob labhan mo naman yan minsan ang dumi kasi!" hinila ako palabas ni Rocelyn habang tinutulungan ni Jacob na itayo si Zyrel.

"Sis salamat." yan lang ang tanging nasabi ko sa taong napakahalaga sa'kin. Taong handa akong ipagtanggol kahit anong mangyari.

"Kulang pa nga ang naranasan niyang babae na yan! Baka kapag wala tayo sa bahay nila baka puro pasa ang mukha niyan! Akala mo kung sinong napaka linis." galit niyang tugon habang hinahawi ang buhok.

Umalis kami at bumalik sa Makati. Habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Rocelyn nakita ko doon si Trevor na kumakain sa harap ng Gate, nakaupo siya na akala mo bata. Kinuha ko agad ang cellphone ko at pinicturan siya.

Napaharap siya sa direksyon namin at binitawan ang pagkain para tumakbo palapit sa'kin.

"Agatha! I've miss you so much!" niyakap niya ko ng mahigpit na akala mo isang taon kaming 'di nagkita.

"Kaya ayokong umaalis ka sa tabi ko eh pumapayat ka. By the way may regalo ako sayo." lumapit naman sa amin si Rocelyn na nakasimangot.

"Hoy kayong dalawa nandito kaya ako! Bakit parang wala ako sa harapan niyo? By the way Highway ano ba yang regalo mo?" hinawakan ni Trevor ang kamay ko habang si Rocelyn binubuksan ang gate.

"Pasok na kayo sa loob. I will get the gift inside my car." pumasok kami ni Rocelyn sa loob at hinintay namin siya. Sobrang na eexcite ako sa kung anong regalong ibibigay niya.

"Here we are!" nanlaki ang mata namin sa isang malaking panda bear. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na naliligaw sa'kin si Trevor. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge.

"Baka araw araw na kong bumili ng panda bear." Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha niya para mawala ang nakakaloko niyang ngiti. Feeling ko nga namumula ako sa sobrang hiya.

"Bakit ba kasi ang sweet niyo! Bakit ba kasi walang nakiligaw sa'kin? Ayoko na gusto ko rin ng regalo." naglulupasay di Rocelyn dahil naiinggit daw siya.

"Pwede bang pahiram si Trevor kahit isang araw lang? Kahit magkaroon lang kami ng baby okay na ko. Kahit wag niya nang suportahan. Plsss"

"Sis manghiram ka na lang ng iba wag lang si Tevor."

"Uyyy ayaw niya ko pahiram." inakbayan ako ni Trevor pero tinanggal ko. Aaminin ko na unti unti na nang natatanggap ng puso ko na wala nang Jacob na dadating pa. Unti unti na ring nakikilala ng puso ko si Trevor hindi pa man buo, siguro darating din ako doon.

To be continued...............

Comments your reactions
Don't forget to follow me para ma dedicate ko kayo.

Team Trevor or Team Jacob

winjil16 AntonetteDarantina1 salamat sa patuloy na pag aabang ng storyang ito. Kaya sa inyo ko i di-dedicate ang Chapter na ito.

yung iba hindi ko ma dedicate kaya pasensya na.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon