Chapter 48

1.4K 27 0
                                    

Jacob POV

Flashback

Kinakabahan ako sa naiisip ko. Hindi ko alam kung mag reresulta ba to ng maganda sa pamilya ko. I want this wedding proposal to be the most memorable things happens in her life pero hindi ako mapakali sa plano ko.

I contacted Rocelyn to get some advices para maging maganda ang kalalabasan nito.

"Hello, oh bakit napatawag ka? May problema ba?"

"I need your help. Where are you kailangan kita makausap ngayon din. Sino ang kasama mo?"

"Punta ka sa bahay nandito lang kami kasama ko si Trevor ngayon. Hintayin kita ah."

Nagmadali akong magbihis para makahingi ng advice sa kanila. Hindi ko rin kakayanin na mag isa ang plano na'to.

"Saan ka pupunta?" Napahinto ako sa paglabas ng pinto ng bigla akong tanungin ni Agatha. Nandito pa rin kasi ako sa bahay nila dahil may mga imbestigasyon pa na ginagawa sa bahay namin.

Ano kaya ang palusot ang isasagot ko?

"Pupunta ako sa bahay para alamin kung ano na ang nangyayari. Sige na I have to go." nagkunwari akong cold sa kanya. Wala na kong ibang alam gawin.

"Jacob......." hindi ko na siya pinatapos magsalita at lumabas na ako ng bahay. Sumakay agad ako sa kotse at pupuntahan ko pa si Rocelyn.

Pagdating ko sa bahay nila Rocelyn, naubutan ko si Tita Amelia sa labas na nagdidilig.

"Anong ginagawa mo dito hijo?" napakamot ako sa ulo bakit kailangan laging may tanong?

"Ahh kakausapin ko lang po sana si Rocelyn for some important matters." pinatuloy naman agad ako at hindi na nagusisa pa.

"Hey Jacob the lover boy anong kailangan mo? Ako si Rocelyn ang tutulong sa'yo." napatakip ako ng bibig dahil napaka corny ng intro.

"Pare kamusta? Kailan ang kasalan?" Napatingin ako kay Trevor at nginitian siya.

"Yun nga ang ipununta ko dito. I am planning for wedding proposal, but I dunno how."

"Ganito na lang ang gawin natin. Hiwalayan mo si Agatha mamaya mismo. Humingi ka ng space kunyari hindi mo tanggap ang nangyari sa pamilya mo, ipamukha mo sa kanya na siya ang may kasalanan ng lahat. Tyaka natin pagplanuhan lahat." Napasimangot kami parehas ni Trevor. Ang wierd ng plano niya. Isa pa hindi ko kayang gawin yun.

"Rocelyn pambihira ka naman. Sa dinami dami ng pwedeng gawing plano yan pa ang naisip mo?" Bigla namang napangiwi si Rocelyn sa sinabi ni Trevor.

"Itong plano na gagawin ko ay ang bagay na gusto kong mangyari kapag may nag propose sa'kin. Ang tagal kasing umamin ni ANTHONY na ma....."

"Oo na sige na maganda naman ang plano mo. Tyaka pwede namang hindi na kasama yang Anthony na yan." Mukhang may namumuo sa dalawang ito ah.

"Rocelyn, do you have any plans na hindi na kailangan ng hiwalayan?" Hindi ko talaga kayang gawin ang bagay na gusto niya.

"Kung mahirap kayong kausap dalawa h'wag niyo na kong hingian ng advice. May lakad pa kami ni ANTHONY sinasayang niyo oras ko." Hinawakan siya Trevor para hindi makatayo sa kinauupuan niya.

"Okay na sasang ayon na si Jacob diba tol? Sabihin mo na ang plano at tutulungan ka namin." Napatango na lang ako para matapos na to.

"You need to hire a fake police, you need also to file a fake criminal case against your Girlfriend and boom pupunta kami sa kung saan gaganapin ang hearing. Kailangan matakot siya gagawin natin lahat para matakot siya." Kinakabahan ako sa mga palno niya kaso kailangang Kailangan kong gawin to.

"Talagang sure ka na magiging successful 'to?" sana may iba pang way. Mahina kasi ako pag dating sa surprise.

"Oo sure na sure! Ipaposas natin siya pagdating namin sa session hall at kunyari kukunin kami ng mga pulis. Kapag siya na lang mag isa papalibutan siya ng mga pulis at ikaw luluhod ka sa harapan niya. Kailangan hindi niya mhalata na ikaw ang nakaluhod hanggang sasabihin mo ang AGATHA WILL YOU MARRY ME? Nakakaloka ang sweet!" Napakamot ako sa ulo hindi ko talaga alam kung kakayanin ko ba 'to. Pero mukha namang maganda ang plano kaya susugal na ko.

"Paano kung biglang tumakbo si Agatha? Ikaw hindi ka nag iisip." Oo nga no. Buti na lang at naisipang itanong ni Trevor.

"Don't worry ako na bahala doon. Magtiwala ka lang kayo sa'kin. At the end of the day baka mag thank you pa kayo." Hindi na ko nagsalita at nagdasal na lang ako sa isip ko na sana maging successful ang araw na yun.

"Sige na uuwi na ko. Salamat talaga. So, pag uwi ko hihiwalayan ko na agad siya? Mukhang di ko kaya."

"Kaya mo yan ikaw pa ba? Sige na bilisan mo at kukulangin tayo sa oras." nag paalam na ko kay Tita Amelia at dumiretcho sa bahay nila Agatha. Paano ko kaya to sasabihin? Pero sige game na to.

"Kamusta ang lakad mo?" napabalikwas ako ng bumungad sa'kin si Agatha. Nag panggap ako na parang walang narinig.

"Pwede ba kitang makausap ngayon Agatha?"

"Oo naman para saan ba? Tara doon tayo sa may labas." Excited pa siyang lumabas. Sana maintindihan mo ko. Lord help me sa gagawin kong ito.

"I need some space."

"What do you mean Jacob? You're leaving again? Why?" nag umpisa nang tumulo ang luha niya at sobra rin akong nasasaktan. Gusto ko nang umamin pero di ko magawa.

"Gusto ko muna sana mag paggaling ng sugat ng nakaraan. Marami ang nawala sa'kin sana maintindihan mo ko." Hinawakan niya ang kamay ko na parang sinasabi na h'wag akong umalis.

"I will set you free Jacob hindi nga siguro tayo para sa isa't isa." niyakap niya ko sa huling pagkakataon at pumasok sa loob ng bahay nila habang ako nakatayo at nagiisip kung tama ba ang ginagawa ko.

May tiwala naman ako kay Rocelyn kaya susugal na ko.sumakay ako ng kotse ko at umuwi muna sa bahay para asikasuhin ang mga kailangan sa proposal na'to.

Ilang araw, linggo o buwan kaya ang aabutin ng plano na'to? Hindi ko kayang tiisin ang mag ina ko.

Si Lord na ang bahala sa'min maging maganda sana ang kalalabasan.

End of flasback.

Buti na lang at nakuha ko ang sagot na pinagdudahan ko ring makuha. Salamat sa tulong ng mga kaibigan ko. Isa na lang ang gusto kong mangyari, makita si Agatha na naglalakad sa Altar at marinig ang I do niya.

Everything happens for a reason ika nga. Hindi nga lang naging maganda ang mga una naming pagsasama pero humahanap rin pala ng paraan ang tadhana para magkita ang puso namin sa harap ng dambana.

We started FIRST in LUST, but here we are proving that the FIRST woman in my life is now soon to be my LAST.

To be continued........

this chapter ay magpaprivate after 1 week.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon