Chapter 13

3.2K 55 0
                                    

Agatha POV

"pag nagpakasal tayo gusto ko elegante yung tipong hindi mo makakalimutan." mga salitang binitiwan niya na halos panghawakan ko, na halos pinangarap kong magkatotoo.

"I want to be your superhero, I want to be your human blanket, I want to be your slave just to make you happy." kung alam ko lang na ang mga salitang yan ay pahiram lang, hindi sana ako lumuluha ngayon, hindi ko sana nararamdaman ang sakit.

"Agatha, Promise me kakapit tayo ah. Bubuo tayo ng masayang pamilya." ayoko na! Bakit ba kasi siya pa ang minahal ko. Bakit ba kasi nagtiwala ako?

"Sis h'wag ka ng umiyak andito lang ako sa tabi mo." dinamayan ako ni Rocelyn at pilit niya kong pinapatahan.

"Ganito ko ba ka deserve lokohin? Ganito ko ba ka deserve masaktan? Bakit lahat na lang pinasan ko na?" niyakap ako ni Rocelyn at umiyak din at nakisimpatya sa nararamdaman ko.

"Kaya mo yan. Diba sabi ko naman sayo equal ang negative at positive sa buhay ng tao. Maaaring puro negative muna at pag naubos yun positive naman lahat. Kaya Fight lang." Hindi ko pa rin mapigil ang luha ko, patuloy pa rin sa pagtulo. Para akong babasaging bagay na paulit ulit na binasag.

"Agatha, Rocelyn, I think I should go. Mag usap muna kayo kung ano ang nangyari bye see you tomorrow. Agatha tahan na may pasok ka pa bukas." napangiti ako ng konti ng marinig ko ang boses ni Trevor mula sa labas ng kwarto.

"Salamat Trevor for Accompanying us. Next time babawi kami sayo." tugon ni Rocelyn. Hanggang sa narinig namin ang bagbukas ng pinto, hudyat na umalis na siya.

"Sis are you going to tell this to Zyrel?" napatingin ako kay Rocelyn sa tanong niya. Para akong papel na walang sulat at walang maisagot.

"No! Hindi ko sasabihin sa kanya. Hayaan mong maging masaya sila. Bilang narin naman ang halakhak nila. Mararanasan nila ang sakit na dinulot nito sakin!" halos mawala ako sa katinuan sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Sis, think first before your action. Iwan muna kita." lumabas siya ng kwarto at nginitian lang ako.

I need to move on, I need to rest, I need to make them feel what i felt. I will drag them down.

Sa sobrang pag iisip, hindi ko namalayang nakatulog na'ko at nagising sa ingay ng alarm clock. Pumunta agad ako sa harap ng salamin at tinignan ang itsura ko. Napangiti na lang ako nang makita ang namumugto kong mata. Naligo na lang ako at nagbihis. Hindi ko rin naman gustong kumain ngayon, papasok na lang ako ng maaga.

"Sis kumain ka muna." bungad sa'kin ni Rocelyn paglabas ko ng kwarto. I impose a fake smile, pretending that I'm okay. I don't want the feeling of being pitiful. I want them to see the strong side of me.

"No need sis busog pa naman ako. Sige sis I have to go thank you for the concern."

"Ewan ko sayo Great Pretender!" pang aasar niya. Napangiti lang ako at tuluyan ng lumabas. Wala ka ngang maitatago sa kaibigan mo.

"Aalis ka na? Ayaw mo na'kong hintayin?" napabalikwas ako sa boses ni Trevor.

"Oh bakit nandito ka? Alam mo you dont have to do this, I can handle myself. Anyways wala ka bang ibang ginagawa or something that will makes you busy?" tugon ko habang tinatago ang namumugto kong mata.

"Something that makes me busy? Yes I have. Actually that's what I am doing right now. I am willing to busy myself just for you."

"For me? Why? What do you mean?" wala akong masagot. Natatameme ako sa mga naririnig ko ngayon.

"I will tell you later after dropping you off. Baka hindi ka pumayag kapag na ihatid kita kapag sinabi ko." binuksan niya ang passenger seat ng kotse niya at pinasakay ako. Pero bago ako makasakay.......

"Agatha don't get me wrong. Honestly I get fascinated by you. Your personality, your character as a person. You're a wife material." naubo ako sa sinabi niya, wala bang hangin dito sa labas? Anong kayang nagyayari sa taong to?

"Hoy h'wag ka nga mag biro ng ganyan wala pa kong balak mag asawa, magtatrabaho muna ko." napaatras ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"May dumi ka sa noo, ayan okay na." halos malaglag ang puso ko sa ginawa niya hindi pa ko handang ibigay ang labi ko. Dream on, Agatha.

"Sige na Malalate pa ko niyan papasok na ko." nilagpasan ko siya at dumiretcho papuntang sakayan ng tricycle. Hindi na rin ako nagpahatid bigla kasi akong na awkward.

"Agatha! Ako na maghahatid sayo!" He shouted from a far. Ang manly ng boses niya as what Jacob had. Agatha stop thinking that asshole.

"No need kaya ko naman. Salamat na lang." hindi ko na lang siya pinansin at dumiretcho. Pilit pa rin niya kong tinatawag ngunit pinili kong hindi pakinggan.

"Manong sa kanto lang po." sumakay na ko ng tricycle.

"Bakit hindi mo pinansin si Pogi tinatawag ka. Ihahatid ka yata." maintrigang tanong ni Manong Driver.

"Hayaan mo siya kuya, tyaka isa pa ayoko po ng may pinapaasa." pagtatapat ko kuyang Driver. Kala mo close kami kung mag usap.

"Baka naman ikaw lang ang nag aassume na nanliligaw si Pogi. Baka gusto ka lang talagang ihatid." napa isip ako sa sinabi ni kuyang Driver. Oo nga naman, wala siyang sinabi na manliligaw siya.

"Hija, dito ka lang sa kanto diba?" natauhan at natigil ako sa pag iisip ng tumigil ang tricycle sa kanto kung saan ako bababa.

"Salamat kuya ito na po yung bayad." tumalikod na ko ngunit di ko pa rin maalis sa isip ang mga sinabi ni kuya.

"Agatha!" nagpalinga linga ako para hanapin yung tumatawag sakin ng natanaw ko sa malayo.......... si Jacob?,
Binilisan ang paglakad para hindi niya ko maabutan. Kaso wala pa ring jeep na Dumadaan para makaalis na ko. Maaga pa naman kay hindi sana ako magmamadali.

"Agatha, pag usapan natin to." at ito na nga nahawakan niya ang braso ko. Nginitian ko siya ng nakakaloko.

"Anong gusto mong pag usapan? Yun bang manloloko ka?, yung Gago ka?, o yung hayop ka? Mamili ka, kung wala aalis na ko." nakaharap lang ako sa kanya at naghihintay ng sagot.

"Agatha, ayoko man saktan ka......." hindi ko na natiis at sinampal ko siya nang narinig ko ang mga bwisit na paliwanag niya.

"Tama na Jacob! Nasaktan mo na! Ihinto mo na yang pag iilusyon mo! Sinasayang mo lang oras ko! Excuse me." patuloy na kong naglakad hanggang sa may dumaan ng jeep kaya hindi na ko nag aksaya ng panahon at sumakay agad.

"Miss yung luha mo." Kinuha ko agad ang panyo ko pagkasabi ng babae sa harapan ko. Bwisit na buhay to pati luha di na kayang pigilang tumulo.

To be continued............

This story contains a lot of grammar problems and typographical errors.

read at your own risk...

littleMonster cutie hi to everyone.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon