Chapter 1

13.1K 137 1
                                    

Agatha POV

"Baby, say ahhh. Pls baby?"  nagpapakain ako ng kapatid ko dahil wala si mommy. She need to comply all the requirements for her promotion. Tipikal na ate na tagapag-alaga ng kapatid kapag aalis ang magulang. Nasanay na ako sa ganitong buhay, mahirap pero masaya naman dahil hindi ko naman naramdaman na kulang ako.

"Ate, Matagal pa ba si Mommy?" Halata ang pamumuo ng luha ng kapatid ko. Sabik na makita si mommy.

"Darating 'yun kung kakain ka at magiging good girl ka." pang-uuto ko para kumain siya.

"Agatha, buksan mo ang pinto!" Rinig kong tawag sa'kin ni Mommy mula sa labas. Napalingon lang ako at agad na tumayo para sana buksan ang pinto.

"Ate nand'yan na si Mommy!" excited na tumakbo papunta sa pinto si Jennica at siya na rin ang nagbukas. Lumapit ako at nagmano kay Mommy.

"Agatha, alam kong may pasok ka, maaga pa naman. Tiyaka baka matanggal ka sa pagiging dean's lister kapag lumiban ka sa klase." nakangiti niyang tugon habang hinahawi ang buhok ko. I immediately run to my room to get all my things. Kahit na napapagod ako, I have to do this just to meet her expectation. Hindi ko na rin napansin ang oras hindi bale matagal-tagal pa naman.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko, may nakita akong picture ng isa sa mga character sa Twilight na si Jacob. My tears began to fall, naalala ko lahat ng mga bagay na ginawa kong mali noon. Masakit pa rin pala. Pinunasan ko agad ang luha ko at inayos na ang gamit ko. Move on ika nga. Napakatagal na pala ng panahon simula noon pero may sugat pa rin pala sa puso ko.

4th year college ako at ga-graduate na. I took up journalism dahil sa gusto kong magtrabaho sa mga publishing company, or mag-feature ng mga nangyayari sa paligid-ligid. Like my father. Kung hindi lang siguro siya nawala, siguradong masaya siya sa naabot ko.

Pagkatapos ko maihanda ang lahat ng kailangan, naligo at nag ayos na rin ako. Habang nakaharap sa salamin at pilit na tinatakpan ng kolorete ang mukha ko, may bagay na paulit-ulit na rumerihistro sa aking isip.

"I love you!"
"I love you!"

Bakit ba hindi maalis sa isipan ko ang mga salitang iyan? Dapat matagal na 'yang nabaon sa limot. Ayoko nang ibalik pa. I Don't want to dwell in the past. Bakit hindi ako makalabas?

Flashback

"Jacob, pls akala ko ba walang iwanan, Jacob!" Wala ng paglagayan ang luha ko sa mukha ko. Gusto kong malaman ang dahilan pero hindi niya ako sinasagot. Nakayuko lang siya at patuloy sa pag-iling.

"Agatha, Promise me that you will be happy without me. Pls, Agatha." Ramdam kong labag sa loob niya ang sinasabi niya kaya hindi ako naniniwala. Kita sa mga mata niya ang pamumuo ng luha na kanina niya pa tinatago.

"No, Jacob! What do you mean, are you breaking up with me?" pinilit kong isalba ang relasyon namin, niyakap ko siya baka sakaling maramdaman niya na mahal niya pa rin ako, lumuha ako s harapan niya para malaman niyang hindi ko kaya kapag wala siya.

"Agatha, thank you, sorry and goodbye." halos gumuho ang mundo ko sa sobrang sakit ng pakiramdam ko. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa dahil pilit kong hinahanap ang pagkukulang ko bakit kami humantong sa ganitong sitwasyon.

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon