Chapter 30

2.4K 38 6
                                    

Agatha POV

"Sis paki bukas ang gate may tao mag totoothbrush lang ako." tumayo ako at pagbukas ko ng pinto nandidito ang mommy at daddy ni Rocelyn.

"Sis sino..... Mom! Dad!" biglang tumakbo si Rocelyn sa mga magulang niya pagkakita niya sa mga ito. Sabay sabay silang pumasok sa loob.

"My 2nd Baby girl kamusta ka na?" Hindi pa rin ako nakakalimutan ni Tita Amelia. Lumapit ako sa kanya at naiyak.

"Tita pede ba kitang yakapin? Namiss po kita." niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi tumitigil ang pagtulo ng luha ko. Miss na miss ko na rin si Mama.

"Agatot si Tito ayaw mo yakapin? Miss ko na rin ang isa pa naming baby girl." niyakap ko rin si Tito Arnaldo.

"Syempre Miss ko rin po kayo." niyakap ko silang dalawa na parang tunay na mga magulang.

"Baka magselos ako niyan." sumali na sa'min si Rocelyn at nakiyakap na rin. Sana may ganito rin akong pamilya. Sana maibalik ko nung buhay pa si Papa. Yung masayang pamilya na hindi matatapos ang araw na hindi naipaparamdam sa'kin na mahal nila ako.

"Teka nga hija, bakit nga pala nandito ka? Kamusta na si Mama mo?" napatigil ako ng ilang segundo, nagiisip ng sasabihin. Nagjjsip kung paano ko ikukwento.

"Agatha, anong problema? H'wag kang mahiya We're your parents too alam mong para ka na naming anak." Bigla akong napayakap kay Tita at bumuhos ang emosyon ko.

"Pinalayas po ako ni Mama pagkatapos ng graduation, sinabi ko po kasi sa lahat na nagka anak ako." iyak lang ako ng iyak.

"Nak, we're proud of you alam mo ba yun, napakatapang mong babae para gawin yun, napakatapang mo para harapin ang mga panghuhusga ng tao. Balang araw magkakaayos rin kayo. At balang araw maiintindihan niya rin ang ginawa mo." niyakap ako ni tita at pinunasan ang luha ko.

"salamat po Tita, Tito for always treating me as your child." niyakap ako ni Rocelyn at kinurot ang pisnge ko na para kaming teenager na naghaharutan.

"Total mukhang wala naman kayong gagawin samahan niyo muna kami sa Libardo's Design. Magpapagawa ako ng damit" hindi na kami nag atubili, nagbihis lang kami at umalis na rin agad. Buti na lang at may dalang kotse si Tito arnaldo.

"Bakit ka ba pupunta dito Amelia?" tanong ni Tito kay Tita Amelia.

"Magpapagawa akong damit para sa kasal ng kumare natin. H'wag mong sabihin na hindi ka sasama Arnaldo?"

"Ahhh sige akala ko kasi kung ano nanaman ang gagawin mo." natatawa na lang kami sa mga sagot ni Tito at nga pangaasar ni Tita hanggang sa makarating kami sa Libardo's Design.

"Good Morning Ma'am and sir welcome to libardo's Design." tumango lang kami at pumasok sa loob.

Ang gaganda ng mga wedding gowns, pati mga casual dress. Feeling ko nasa mansyon ako na punong puno ng mga damit. Mga eleganteng chandelier, ang mga upuan parang royal amenities.

"Look who's here, Agatha, your boyfriend." nagulat ako sa sinabi ni Tita dahil wala naman akong boyfriend, hindi ko pa naman sinasagot si Trevor. Pagtingin ko kung sino ang tinutukoy niya, nakita ko si Jacob na nakatingin rin sa direksyon namin.

Sasabihin ko sana na matagal na kaming wala ng bigla niyang pinuntahan si Jacob doon sa loob.

"Naku sis dalian mo sundan natin si Mom may sapi din yan minsan." sinundan namin sa loob si Tita Amelia para pigilan siya, kaso huli na ang lahat.

"Look, Good morning hijo, kamusta ka na? Kasama namin ang girlfriend mo si Agatha. Nice to meet you." kinamayan naman siya ni Jacob at parang nag aatubiling ngumiti. Lumapit na kami para sabihin ang totoo.

"Mom I have something to tell you. Si Agatha at si Jacob ay matagal ng hiwalay. Ikakasal na ang tao." napatakip ng bibig si Tita na parang nagulat.

"Oh, anong ginagawa niyo rito? Mukhang never mind." dumating na ang impakta. Mag hahanap nanaman ng gulo.

"Hindi kami pumunta dito para magsayang ng oras sa tulad mo kaya please lang h'wag ngayon." ayoko munang makipagtalo sa kanya, kaya hanggat maaari ayokong pumatol.

"Why? Is there any problem? Are you bothered with our presence? Look hija don't be. You know your so beautiful too." ito nanaman ag mga hirit ni Tita. Ayaw niya kasi ng mga taong may attitude.

"Yes I know! Thank you for the compliment." aba pati matanda hindi niya na rin sinasanto. Tignan natin yang kasupladahan mo kay Tita Amelia, tignan natin kung tatalab yang mga punchline mo.

"Hija, don't take that seriously. Nagbibiro lang ako. But don't worry you're beautiful but not as beautiful as what we are. Excuse me!" inirapan lang siya ni Tita kaya natawa na lang kami sa naging reaksyon ni Zyrel.

Naghintay lang kami dito sa labas ng fitting room hanggang sa matapos sukatan si Jacob. Nang lumabas na siya, pumasok na si Tita para siya naman ang sukatan. Napansin kong hindi umaalis sa tapat namin si Jacob. Pinili ko na hindi siya pansinin.

"Agatha, pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang?" naglagay ako ng earphones at pumikit at nagpanggap na hindi siya naririnig. Hinawakan niya yung balikat ko at doon ako napadilat at nagtanggal ng earphones.

"Bakit? Para saan? May kailangan ka ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Itatanong ko lang sana........." Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Hindi ko siya maintindihan. Yung yakap na nararamdaman ko ngayon ito yung yakap nung mga araw na ipanaparamdam niya sa'kin na mahal na mahal niya ko.

"Wait Jacob! Alam mong galit sa'kin ang fiancé mo kaya pls lang wag mo nang palalain. Jacob okay na ang lahat napatawad na kita kaya okay na hindi na ko galit sayo. Malaya ka na sa galit ko."

"Sana ganun na nga lang, sana Agatha." umalis siya sa harapan ko at napaisip ako sa mga sinabi niya. Hindi pwedeng ako ang mahal niya. Iniwan niya nga ako eh iniwan niya ko kasi may mahal na siyang iba.

"Sis baka na miss ka lang non. Siguro gusto niya lang na maging close kayo." Napaupo na lang ako sa tabi ni Rocelyn at natulala.

"Na miss ko din naman siya eh pero hindi na ako yung babaeng mahal siya. Pero totoo pa lang madaling magpatawad pero ang hirap makalimot."

"well ganun talaga, kaya kailangan nating maging matatag. Tama na nga yan hayaan mo na yan si Jacob! And'yan naman si fafa Trevor." kinurot niya lang ang pisngi ko at tumahimik na kami at naghintay.

"Agatha nandito ang boyfriend mo ah kasama ata ang kapatid niya ata yun. Naninigarilyo ako sa labas nakita ko sila na sumakay ng kotse." nagkatinginan kami ni Rocelyn sa sinabi ni Tito.

"Tito hindi na po kami matagal na. Hindi lang ho namin nasasabi dahil alam po naming busy kayo para sa mga ganung bagay." napatango lang siya at hindi na nag usisa pa.

Hanggang dito na lang talaga Jacob hanggang sa muli nating pagkikita. Maging masaya ka sana sa buhay may Asawa alam kong magiging mabuti kang ama at asawa sa bubuuin mong pamilya.

To be continued...........

Pasensya na po sa lahat ng nagbabasa. Masama po ang pakiramdam ko kaya ngayon lang ako nag UD.

Next chapter will be the wedding day.

Sa mga magpapadedicate follow niyo na lang ako para makita ko. Pero kung ayaw niyo okay lang heheheh

First And Lust (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon