1

851 39 0
                                    

Chapter 1

“I’M here na sa Launion airport kuya Luis. Promise I will keep my GPS open and I will inform
you every step I make.” imporma ni Marydale sa kaniyang nakakatandang kapatid. Hindi pa man
bumababa ng eroplanong sinakyan ay panay na ang tawag nito sa kaniya.

Napilitan siyang sagutin
ang tawag nito habang hinihintay ang kaniyang luggage dahil ayaw niyang magkaroon ito ng hindi
magandang isipin tungkol sa kaniya.

She arrived thirty minutes past twelve. Napakainit ng panahon, probably the hottest day
of this year’s summer. Or maybe it’s just the effect of the place itself because of its now
exaggerated reputation as the most dangerous place in the country.

Dapat ay makakadama rin siya ng takot gaya ng iniisip ng iba tungkol sa lugar. Subalit mas
nanaig ang excitement na kaniyang nadarama kesa sa takot.

Ito yung makabuluhang thrill na
hinahanap niya. Kapag nadiskartehan niya ng maayos, she would be mixing business with
pleasure again. Nakagawian na niyang piliin ang trabahong hindi siya mabuburyong sa opisina.

Talent niya ang mang- uto kaya madalas nakukuha niya ang kaniyang hinahanap.
Tinanggal niya ang kaniyang floral blazer upang maibsan ang sobrang init.

Isinunod niyang
itinali ang kaniyang lagpas- balikat at maalon- along buhok. Pinaypayan ang sarili gamit ang
pamphlet na nakuha sa eroplano.
Sino ba ang nagpa- uso ng global warming? Mademanda nga!.

“I’m still talking to you Dale,” nakalimutan niyang kausap nga pala niya ang nag- iisang
nakakatandang kapatid. “Are you still there?”
Wala doon ang kaniyang atensiyon.

“Naman. Akala ko sa Africa lang bumenta ang tag-
init. Like super init talaga dito.” Halos magkandalukot- lukot na ang improvised fan na ginawa
niya sa sobrang paypay.

“Exactly where are you right now, Dale? Tell me.” Naiinip na tanong nito sa kaniyang
pambabalewala.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon