3

532 36 0
                                    

Chapter 3

“Huwag mo akong idaan sa mga katuwirang- baluktot at pamimilosopo mo Dale. Mas
natuwa pa siguro ako kung sa Cagayan ka pumunta at ginawa yang lintek na research na iyan.”

“Ay, hindi natin afford yun kuya Luis kung sakali. Balita ko sobrang gastos daw. Baka
mamulubi tayo. Kawawa naman sina Raffy at Daffy. Mangangayayat ang dalawang yun.” ang
kambal na anak ng kuya Luis niya ang kaniyang tinutukoy.

Aliw na aliw siya sa mga pamangkin
dahil puro lusog- busog ang mga katawan.
“I’m warning you Marydale Entrata.” Malakas ang buntong hininga na naririnig niya
mula sa kabilang linya.

Timping- timpi nito ang galit sa kaniya.
“Kuya Luis, tipid- tipid naman sa pagtawag sa pangalan ko. Baka maubos!” Sapo ang
bibig, pa-cute siyang bumungisngis.

“Pwede namang Dale na lang para hindi ka mahirapan. O ‘di
kaya ay sis, bunso, ganda… mga ganoon.” Gustuhin man niyang kausapin ito ng hindi
namimilosopo subalit nahihirapan siya.

Ito lang kasi ang nakasanayan paglalambing dito at
sabihing huwag mag- alala sa kaniya.

Twenty- five years old na siya, coming to twenty- six pero
kung ituring siya nito ay parang sixteen lang siya.

Nagi- guilty na nga siya dahil mas madalas siyang problemahin nito kesa sa asawa at mga
anak nito.

Nang kapwa mamatay ang kaniyang mga magulang sa isang car accident eleven years
ago, inako na ng kaniyang kuya Luis ang pag- aalaga sa kaniya.

Tatay, nanay, kapatid, kuya,
kamag- anak, kapitbahay, ilan lamang ang mga ito sa naging papel nito sa kaniyang buhay.

“Kung ayaw mo akong mahirapan sa kakaproblema sa iyo, bumalik ka na dito.” May himig
ng pagsumamo ang tono nito.

Natural ang pagiging ma- awtoridad nito sa paraan ng pagsasalita.
Kung kaya batid niyang desperado itong pakiusapan siya na bumalik na ng Manila.

“Cannot be na po dahil limited ang airlines na bumibiyahe dito.” Wala rin siyang balak na
sundin ang kahilingan nito.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon