5

479 38 3
                                    

Chapter 5

She expected someone with placards having her name written on it. Wala siyang makita at sa
tantiya niya ay siya na lamang ang natitirang pasahero.

Nagsimula siyang maiinis.
Where is he or she?
Tatlumpung minuto ang nakalipas nang isang jaguar land rover pumarada sa kaniyang
harapan.

Marahil ito na ang kaniyang sundo. Handa na siyang sabunin ito. Hinayaan siya nitong
paghintayin ng matagal. Subalit laking gulat niya ng bumaba ang kaniyang sundo.

Malayong- malayo sa kaniyang inaasahan.
“Are you the one from research bureau?” nakakunot- noong tanong sa kaniya ng isang
guwapong lalaki.

Aba, kung sa lahat ng pagkakataon ganitong nilalang ang makadaupang palad niya, well,
kahit billion years pa ang kaniyang aantayin, maghihintay siya!

Pasimpleng tinakpan niya ang
kaniyang bibig, bigla kasi siyang napanganga ng di namamalayan.

“Shit!” panay ang mura ni Edward sa sarili. He’s on the way upang sunduin ang researcher na
magtatrabaho sa kaniya.

Kung hindi lang sa malaking pakinabang na makukuha dito ay hinding- hindi niya kukunin ang serbisyo nito.

Nabasa na niya ang profile nito. Ayon sa ipinapakita ng impormasyong nakatala dito, may
background ito sa pamumuhay sa probinsiya kung kaya hindi siya mahihirapang pakisamahan ito.

Alam niyang male- late siya ng pagsundo.
Inalam pa muna kasi niya ang buong detalye sa pagkatao nito.

Kung makakatrabaho niya
ito ng ilang linggo, makatuwiran lang na dapat alam niya ang tungkol sa background nito at upang
hindi ito magiging sagabal sa kaniyang plano.

Nang makarating sa nag- iisang himpilan ng paliparan sa Launion, hinanap niya ang
puntirya.

Sa lahat ng mga taong naroon, walang nagma- match sa profile na kaniyang nabasa.
Nagkamali nga ba siya? Nangunot ang kaniyang noo.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon