31

385 31 0
                                    

Chapter 31

“Oh, dear!” mahinang reklamo nito na siya lang ang nakarinig. Naging interesado siya
kung bakit ganoon na lamang ang reaction ng lalaki.

Hinagilap ng kaniyang paningin kung saan
nagmula ang babae. Hindi pa man niya nasilayan maging anino nito nang makaramdam siya na
may humatak sa kaniyang beywang.

Sa gulat ay napatili siya ng di- namamalayan.Her body
instantly recognize who it was.

“Hey! Mukhang ginagawa mo ng habit ang hatak- hatakin ako. Naman! Tapos
magrereklamo ka kung mag- iisip ako ng magagandang pangitain sa ating dalawa.

” May saltik nga
talaga ang kamoteng- gubat na to.
Oh no! Patay tayo diyan. Pang- aassar ng kaniyang utak. Kapag nagkataon magkakagusto
siya sa isang may saltik. Ang ibig niyang sabihin ay guwapong may saltik. Not bad. Laman tiyan
din yan.

Nagpatianod siya sa ginawa nito tutal nagustuhan naman niya. Ang sarap kaya ng
pakiramdam habang nasa mga bisig nito.

Heh! Pasaway kang katawan ka. Makamundong pagnanasa to. Saway ng matinong
bahagi ng kaniyang utak.

Namnamin mo na kasi. Pakipot ka pa. Tugon ng pasaway na bahagi ng kaniyang utak.
Wala na. Nagkakabundol- bundol na ang traffic management ng kaniyang nervous system.

Nagkaka- Edward syndrome na rin ata siya.
Ano nga ba iyong sasabihin niya?

Sinubukan niyang umaklas sa higpit ng pagkayakap nito.
Hindi siya makapag- isip ng matino kung ganito sila ka- close.

At ang pesteng mga mata niya imbes
na makatulong, dumako pa ang tingin sa mga mata ni Edward. Sa pagtama ng kanilang mga mata,
they were under that trance again.

“What is the meaning of this?” tinig iyon ng babae. Iyon ang pumutol sa magandang
eksenang iyon.

Again! Nakakunot ang noong nilingon niya ang uninvited na kamoteng sumira sa kanilang
retake special moment.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon