32

394 32 0
                                    

Chapter 32

Muntik ng malaglag ang kaniyang eyeballs nang masilayan ang itsura nito. Kung hindi lang
niya nakadaupang- palad si Liza Soberano baka mapagkamalan niyang siya iyon.

Wow! Daig
pa nito ang katawan ni Barbie doll sa sobrang lusog ng balakang at dibdib nito.

Nahiya rin ang
kaniyang waistline sa sobrang gadangkal na liit niyon. Muli niyang inilayo ang sarili kay Edward.

Hindi naman nagpatinag ang lalaki bagkos mas hinigpitan pa ang pagkayakap sa kaniya.

Nagtatanong ang mga matang nilingon ito.
“This is my girl.” Deretso nitong sabi sa kalook- a- like ni Liza,.
Napakurap siya sa narinig.

Siya ba ang tinutukoy ni Edward? Malamang dahil bukod sa
babaeng kaharap wala ng iba pang babae maliban sa kaniya na naroroon.

“Wait…” angal niya.
“Ahm.” Putol ni Edward sa kaniyang protesta. “Marydale meet Coraleen. And Coraleen meet Marydale my
girlfriend.”

Hinarap nito ang babae ngunit nanatili pa rin ang kanang kamay nito na nakapalibot
sa kaniya.

“If you’ll excuse us may pag- uusapan lang kami saglit ng fiance ko.”
Ah, kanina girlfriend lang, ngayon fiancé na.

Tapos may possessive word pa na ‘ko.’ Anong
kasunod? Asawa ko?

Kani- kanina lang din malinaw ang usapan na bawal silang magkaroon ng relasyon maliban
sa pagiging mag- amo.

Lumitaw lang sa eksena ang Coraleen na to, walang pasakalyeng naging
boyfriend slash fiance ang peg nila ni Edward.

Bukas o baka mamya lang din ililibing na siya. Nahihilo kasi siya sa bilis ng pangyayari.

Naniniwala na siya sa kasabihang ‘tigmak ng kaguluhan ang mundo.’

“We’ll join you after thirty minutes.” Hindi na nito nahintay pa na sumagot ang kausap.

Inakay siya nito palabas. Wala siyang magawa kundi ang sumunod rito. She needed an
explanation.

A good explanation or else she’ll go insane.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon