56

390 28 0
                                    

Chapter 56

Tinanggap niya ang posisyong ibinigay ng kaniyang kuya Luis sa kanilang kompaniya.

Maayos naman niyang ginampanan ang kaniyang trabaho. Iyon nga lang, wala na ang happiness.

“Nasaan na nga pala asawa mo? Kanina pa kita pinapasundo sa kaniya.”

“Tinawagan mo ang asawa ko?” parang pusang galit na sabi nito. Kulang na lang ay
kalmutin siya nito.

“Natural. Anong gusto mong gawin ko? Hayaang lasunin ng kung anu- anong bad words
ang baby mo habang dala- dala mo siya sa iyong sinapupunan.”

Magre- react pa sana ito kung hindi lamang narinig ang busina ng sasakyan ng asawa.

“Mag- uusap pa tayo Marydale. Kakausapin ko si McCoy. I’m not going home.”

Pumunta siya ng bintana at kinawayan ang asawa ng kaibigan. Kumaway din ito bilang
ganti.

“Come,” sigaw niya sa maliit na siwang ng bintana. “Get your wife here bago pa manganak
ng di- oras.” Utos niya rito.

Mahirap na baka mapahamak pa ang kaibigan dahil sa kakaisip nito
ng solusyon sa nagkandaletse- letse niyang love life.

Mabilis pa sa alas- kuwatrong bumaba ito ng sasakyan.
Pinagbuksan niya ito ng pinto.

“What happened?” humahangos na bungad nito sa kaniya.

“Your dear wife is freaking out again.” Natawa siya sa kanilang situwasyon.

Siya ang
broken hearted pero kung umasta si Elise parang ito ang iniwan sangkaterbang lalaki.

“Hindi kaya. Ang linaw linaw kaya na nag- uusap lang tayo.” Ingos nito.

“Ikaw lang itong
maarte diyan.”

“Ilayo mo nga sa akin ang babaeng yan. Nakukunsume ako sa kaniya. Ang ayos ng lagay
ko tapos bigla na lang niya akong sesermonan.”

“Hindi ka maayos.” Mabilis na protesta nito.

“Elise, honey,” malambing na tawag ni McCoy sa asawa. Walang puknat naman si
Elise sa pagkaupo. Ayaw talaga nitong umuwi.

“Honey, hayaan na muna natin si Dale sa
pagpapakatandang dalaga niya.” Panunuyo nito sa asawa.

“Hindi ayoko.” Piksi nito. “Isa ka pa. Kung alam ko lang na magpapakatandang dalaga ang
lukaret na to, dapat noon pa nilagyan na niya ng hands off ang noo nito para hindi na niya nakilala
ang kamoteng gubat nay un. Ako ngayon ang mababaliw sa kakaisip kung sino ang lalaking irereto
diyan.”

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon