47

420 35 0
                                    

Chapter 47

He was excited about the project. Pero gusto niyang magiging sekreto muna ito bago pa
man gumawa ng proposal sa malalaking oil company.

Sisiguraduhin niyang plantsado muna ang
lahat para hindi mautakan kung saka- sakaling mayroong magkainteres sa kaniyang proposal.

Iyon ang dahilan kung bakit naghanap siya ng makakatulong na researcher. Marydale’s
research company did show an exemplary work for its clients.

According to their company profile,
Criatian Morones is one of their best assets. So, he set an appointment.

Laking gulat na lang niya noong
si Marydale ang dumating.
Hindi naman niya hangad na siya ang maghands on sa pagbreak kung ano ba ang chemical
properties ng butong iyon.

Batid niyang mahaba- habang proseso ang bubunuin para sa ganoon.

Ayaw niya ng karagdagang responsibilidad. Ang pamamalakad nga lang ng ekta- ektaryang lupain
ay halos maubos na ang kaniyang panahon lalo pang higit kung siya mismo ang bubuno sa
proyektong iyon.

Ang sa kaniya lang ay buuhin ang scope ng project then eventually, ibebenta niya ang
rights ng pagpatuloy ng research.

Natitiyak niyang maraming naglalakihang kumpaniya ang
magiging interesado sa proyektong iyon.

Matutulungan pa nitong iangat ang ekonomiya ng bansa
at mababawasan ang pag- angkat ng langis sa middle east.

Sa nagawa nilang report ni Marydale,
nakita niyang malaki nga ang potensiyal ng butong iyon.

Magandang katrabaho si Marydale. She
has proven her worth.
Napamaywang siya at lumapit sa kinaroroonan ng mga ito.

Nauubusan na siya ng
pasensiya. Wala nga talagang balak ang mga ito na kausapin siya.

“Fenech.” Maawtoridad niyang pukaw sa kapatid.

“Yes, kuya?” pahapyaw pa nitong inimis ang konting pintura sa kamay nito at ipinahid sa
painting sheet bago siya tiningala at sinagot.

“Hahayaan mo bang umabot ng magtakip- silim bago ka maliligo at magpalit ng damit?”
Sanay siyang nakikita na umaga pa lang ay pustura na ito.

Nagkibit- balikat ito. “Takip- silim agad? Hindi ba puwedeng hapon muna?” Na- shocked
sa paraan nito ng pagsagot.

“Besides, today is my dirty day.” Walang- anumang sabi nito habang
pinagpatuloy ang ginagawa.

He heard Marydale laugh with restraint. Masamang tingin ang ipinukol niya rito.

She just
smiled sheepishly at him in return.
“Who taught you that nonsense?” Mataas ang boses na tanong niya.

Sa halip na matakot, fenech just giggled.

“Fenech Lavinia Barber.” Marahan niyang pahayag sa buong pangalan nito. It’s
always a fact na tuwing binubuo niya ang pangalan nito, nangangahulugan ito na seryoso siya at
kailangan niya ng makatuwirang paliwanag mula rito.

At sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, hindi tumalab ang aktong iyon sa kaniyang
kapatid.

Bagkos na matinag, nagkatinginan pa ito at si Marydale na sa hula niya ay ang may
pakana ng lahat.

At sa kaniyang panggilalas, magkasabay pang naghagikgikan ang dalawa.

“What’s going on here?” nalilitong tanong niya. Sa nakikita niyang pagtatawanan ng
dalawa, parang na- eenganyo na rin siyang makisali.

Only that, he don’t know what is to laugh
about. “I’m giving a warning for the two of you. Papatulan ko na kayo.”

Nanahimik naman ang dalawa subalit maipinta pa rin sa itsura ng mga ito ang pinipigilang
tawa.

“Actually, it is my dirty day today. Fact is, I’m celebrating it every Saturday. Nakikiuso lang
itong si Fenech. If you’re interested, you can join us too. It’s all for free. No registrations and
all.” Nanghihikayat na paliwanag ni Marydale.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon