25

383 35 3
                                    

Chapter 25

Nalukot ang guwapong mukha ng kausap. Kelan ba ito papangit?

“Didn’t Cristian told you the specifics?” naghihinalang tanong nito.

“Ah… eh…” wala nga pala silang malinaw na pag- uusap ni Cristian tungkol sa assignment
na ito. Ang alam lang niya ay isa itong exciting at very confidential project.

Siya lang ang
nagpumilit. Kahit atubili ay ibinigay na rin sa kaniya ang assignment dahil may gusto itong
pagtuunan na trabaho na magbibigay dito ng promotion.

Sa kaniya dapat iyon subalit hindi siya
atat magkaroon ng mataas na posisyon sa kanilang ahensiya.

Agad kasi siyang nasilaw sa
naturang trabaho kung kaya nakalimutan niyang tanungin ang buong detalye.

“Tell me how exactly you landed this job Marydale?” nang- aarok nitong tanong.

Bangenge siya. Wala siyang alam na isagot. Nakita niyang napahilot sa sentido si Edward.

Malamang na nahulaan na nito kung paano napunta sa kaniya ang naturang assignment.

“You accepted this job without knowing the details?” hindi makapaniwala nitong sumbat- tanong nito.

“What if I’m not the decent kind of an employer? Do you know how much risk you
put in your life?”

“Naisip ko rin naman iyon. Pero…” guilty siya sa akusa nito.

“Kelan? Ngayon mo lang naisip?” malakas ang boses na tanong nito.

Nagbabadya rin ng
katakot- takot na talim ang mga mata nito.

“Wait…” nag-peace sign muna siya. “Cool yun ha. Huwag naman ganiyan. Dapat concern
lang. Hindi mo na kailangan pang sumigaw. Kahit parang sintigas ng semento tong ulo ko, madali
namang pagsabihan.”

Kinatok niya ng bahagya ang kaniyang ulo. “O, gusto mo patunayan? Sige subukan mo.”

Pasimple niyang in- offer ang kaniyang ulo. Alisto rin ang kaniyang depensa dahil
baka nga tutuluyan talaga siya nito.

Nang makita na seryoso pa rin ito at hindi man lang natawa
sa kaniyang overrated na pakulo, sinubukan niyang magmukhang seryososo sa pananalita.

“Oo,
alam kong risky ang ganitong set- up. Pero ang mahalaga you turned out to be the best and most,”

matamang siyang nag- isip ng magandang salita na mag- aalis ng init ng ulo nito.

“…handsome
and generous employer anyone could ask for.”

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon