Chapter 46
May naalala siya. Ang usapan ay boyfriend siya ni Marydale ngayon. Bakit kung umasta ito
ay para bang wala siya sa harap nito.Mahigit isang linggo na nila itong set- up. Wala namang
problema sa kanilang palabas.Nagkaroon lang ng kuwestiyon ng malaman ni Coraleen ang ikli ng
panahon magmula ng magkakilala sila.Minsan parang napapaniwala na nila ang lahat na para
bang totoong magkasintahan sila.Ang panaka- naka nilang iringan sa isa’t- isang ay itinuturing ng
kaniyang mga kasambahay na paglalambingan nilang dalawa.Ang isang katotohanan na madalas ikantiyaw ng kaniyang utak ay nag- eenjoy siya sa
kanilang madalas na pagsasama ni Marydale.Kung minsan parang natural na lang sa kaniya na
sunduin ito tuwing umaga sa silid nito upang sabay na mag- agahan.O iyong pananabik na
makasama ito sa maghapong pagtatrabaho. Panaka- nakang nagtutuksuhan na nauuwi sa
paghaharutan.Together, they were natural actor. Totoong acting nga lang ba iyon? Kontra ng
kaniyang utak.For the past week naging professional worker naman si Marydale. Brief lang ang
paliwanag na ginawa niya may kinalaman sa trabahong inaasahan niyang gagawin nito.Madali
itong turuan. And true to her promised words, maayos nga nitong ginampanan ang lahat ng
iniatas niyang gagawin nito.Kahit hindi kinakailangan, nag-oovertime ito. Hinahangaan din niya
pagiging resourceful nito.Kung hindi nito naiintindihan ang mga bagay na gusto niyang ipagawa,
maingat itong nagsasaliksik at kinokontak ang kung sinu- sino.Bilib siya sa kalidad ng report na
gawa nito. In just few days, maaaring matatapos na rin nila ang research project na iyon.Few years ago, may nadiskubre siyang isang bunga ng isang jungle tree. Palapad na bilog
ang hugis nito ngunit hindi naman kalakihan.Parang kasinlaki lang ng bunga ng lansones. Kapag
freshly pick, kulay berde ang balat nito.At sa katagalan nagiging kulay itim at matigas na parang
bato. Kailangan pang gamitan ng malakas na puwersa bago mabiyak.Kapag natuklap ang balat
nito, naglalaman ito ng manila- nilaw na laman katulad na almond nuts.It is not edible kaya hindi niya pinapansin noong una. Pero noong nagcamping siya,
aksidenteng nasali ito sa kaniyang tupok ng apoy.To his amazement, mabilis ditong kumapit ang
apoy at matagal na natupok ang isang buong buto.Habang nasusunog, may likidong lumalabas
mula rito. Sa tantiya niya, ito ang dahilan kung bakit tumatagal ang pagningas nito.Gusto niyang
gumawa ng research tungkol dito. Baka ang hindi kilalang butong ito ay magiging isang bagong
tuklas na oil source para sa fuel consumption ng bansa. O baka kikilalanin pa nga sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)
AdventureTEASER Ulilang Lubos ang Magkapatid na Luis At Marydale ngunit di pinabayaan ni Luis ang nakakabatang kapatid. Pinaaral at inalagaan. C Marydale na My kakulitan Sinasadya at di- sinasadyang napadpad sa lugar na kung ituring ng kaniyang Kuya Luis...