17

369 30 0
                                    

Chapter 17

“What’s going on here?”
Sabay pa silang napalingon ni Edward sa biglaang pagsulpot ng isang batang babae.

Naglalaro sa pito hanggang siyam ang tantiya niyang edad nito. Naka- pink pajama ito. Mataman
silang pinagmamasdan ni Edward na animoy naguguluhan kung bakit sila nagsisigawan.

“I heard your voices downstairs.” Imporma nito sa kanila. Napansin niyang inglisera din
ito. Who would have guest na ang mga tao sa lugar na kaniyang pinuntahan ay puro English
speaking.

Nasa kabundukan siya ng Pilipinas pero pakiramdam niya nasa Amerika siya.
“Ako rin, narinig ko rin ang ingay ninyo.” Singit naman ng isang ginang, may pagkahawig
ang itsura nito sa batang babae.

“Ikaw nga ba iyong babaeng binuhat ni Edward kagabi?” may
kislap sa matang tanong nito.
Namula siya sa tinuran nito.

Sa dami naman ng paraan na pwedeng alamin kung sino siya,
iyong pagbuhat pa Edward sa kaniya ang napili nito. Atubili siyang nagpakilala dito.

Napag- alaman
niyang ina pala ito ni Edward at ang batang babae ay bunsong kapatid nito, si fenech. Agad niya
itong nakapalagayang loob sa paraan nito ng pagtanggap sa kaniya.

“Bakit nga pala kayo nagbabangayan, que aga- aga pa? Ikaw naman Edward, hindi mo ba
alam na ayaw na ayaw naming mga babae na nakikita kami ng mga lalaki na hindi pa nagsusuklay
sa umaga.” Nagagalit- galitan nitong turan sa anak na para bang wala siya sa harap ng mga ito.

“Nakakahiya kay Marydale kung ganitong uri ng pagtrato ang madadatnan niya. Binulahaw mo
siya ng ganito kaaga. Dapat ay nagpapahinga pa siya.”

Correct mother! Sang- ayon niya, subalit sinarili lang iyon.
Nagkamot ng ulo si Edward. Makikita sa asal nito na may matindi itong paggalang sa ina.

“Ma, magtatrabaho si Dale dito at hindi upang magbakasyon.”
“Que horror hijo!” shocked nitong sabi.

“Kahit ano pa ang dahilan ng pagpunta niya rito,
hindi mo siya dapat pagtaasan ng ganoong boses.”

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon