49

414 28 0
                                    

Chapter 49

TAHIMIK na pinag-aaralan ni Marydale bawat kilos ni Edward. Gumagawa ito ng powerpoint
presentation.

She is totally drawn in his charm. Kahit puro pretenses lang ang malambing na pakikitungo
nito sa kaniya, hindi niya mapigilan ang sariling kiligin.

Sino ba ang hindi? Kung makadikit at makasuyo ito sa kaniya para bang walang kontratang
namagitan sa kanila.

And worst, kahit silang dalawa na lamang ang nagkakasarilinan, ganoon pa
rin ito.

Kung alam lang nito kung ilang sako ng pagpipigil sa sarili ang kaniyang ginawa para
marendahan ang kaniyang traidor na katawan.

Minsan, gusto na nga niyang makiusap na dahan- dahan lang ito sa pagiging sweet sa kaniya.

Nasasanay na kasi siya. Baka hahanap- hanapin niya
sakali mang… ahhh, ayaw na nga niyang isipin na papalapit na ang araw na iyon. She sighed.

“Dale?”
“Hmmmn?” Bakit nga ba ang sarap- sarap pakinggan ang pangalan niya sa tuwing
binabanggit nito? Huy, mighty brain, paki- explain.

“Kanina ko pa napapansin na ang tahi- tahimik mo tapos panay pa ang kunot ng noo mo.
Something is bothering you?” may himig pag- alala sa boses nito.

Yan, yan na nga ang sinasabi ko. Sa pinakikita nitong sobrang concern sa kaniya,
nalalagay agad sa pagsubok ang kaniyang pobreng puso.

Kasalukuyan niyang tinatapos ang final
report na pinapagawa ni Edward.

Patapos na ang kaniyang trabaho, so far, she’s still clueless with
what’s the real score between them.
Hindi ito puwede. She need to settle things down with him.

Sa ikapapanatag niya at nilang dalawa.

“No, not really. I was just thinking, the days of my stay here is nearly over. Maaayos na
ang lahat ng pinapagawa mo. Coraleen is no longer bothering you.” And I’m here wanting not just
only your blackmailed girlfriend, but for real.

“Yeah, and that’s thanks to you.”
Nadismaya siya sa sagot nito.

Hindi madrowing ang kaniyang mukha na hinarap ito. Iisang
mesa lang ang ginagamit nila. Hindi na mahirap sa kaniya ang gawin iyon.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon