22

392 34 0
                                    

Chapter 22

“YOU did say that…” parang nanaginip na usal ni MaryDale sa kaniya.
Nakadama siya ng katulad na kalungkutan para dito.

Pareho pala sila ng napagdaanan. He
lost a loving father when he was young. Ang pagkakaiba lang nila, nariyan pa ang kaniyang ina.

Napunan nito ang pangungulila sa isang ama.
“That I like you?” pasimpleng ulit ni Edward sa sinabi.

“Yes. Gusto kita. I admire the way
you talk, the way you handle me, yourself and my family. You made simple conversation into an
interesting one. Kahit ang ngiti mo nagustuhan ko.” Tinantiya niya ang magiging reaksiyon nito
sa kaniyang sinabi.

“I like you din,” parang nahihiyang pagtatapat din nito. Makikita sa mga mata nito ang
tuwa.

DALE beamed at him like she love the idea of being them together. Kulang na lang ay magtatalon ito sa tuwa ng marinig ang kaniyang sinabi. Ooops! Can not be.

“But we can’t be together like the way you’re thinking right now!” mariing sabi niya.

“W-why not?” Parang bata ito na binawian ng pinakahihintay nitong regalo.

“Dahil magkaiba tayo ng mundong ginagalawan.”

“Huwaaat?!” Pahisteryang tugon nito sa kaniyang sinabi. “Alam nating pareho na isa kang
Homo sapien at ganoon din ako. Homo sapiens live on earth. Hindi magkaiba iyon. Not unless
you’re an alien at napadpad lang sa earth at kaya kailangan mo ng tulong ko ay dahil nawawala
ang transmitter ng spaceship niyo at hindi mo magawang makipag- communicate sa planeta
ninyo.”

Argh! This woman! Nakalimutan niyang hindi nga pala madaling kausap si Marydale.

“Seryoso ako Dale.”
“Ser…”

“Stop it Marydale.” Putol agad niya sa sasabihin nito. Nakita niya kung paano biglang
humaba at kumipot ang labi nito tanda na mariin itong magpoprotesta anuman ang kaniyang
sasabihin.

“I hired your company for the purpose of sorting out this curiosity of mine regarding
some exotic seeds. Kaya lalaki ang gusto kong makatrabaho dahil ayaw ko ng komplikasyon.”

“You were saying that I’ll be your other woman in case that we extend our relationship
beyond business bounderies?” kapagdaka’y nangungunot ang noong tanong nito.

“What other woman you’re talking about?” Naguguluhan talaga ang utak niya tuwing
magsasalita si Marydale.

“Sabi mo kasi magiging komplikado ang buhay mo. According sa stat ng agency namin,
fifty percent ng mga lalaking nagsasabi ng ‘ayaw ng komplikasyon sa buhay’ ay may current
relationship at ayaw nilang may others na panggulo ng kanilang relasyon. Twenty percent naman
ang nagsabing okey lang ang komplikasyon so long na hindi sila mabubuking. The other fifteen
says that complication is fun. The other fifteen naman ay magulo ang utak dahil magulo ang sagot. Kabilang ka doon sa last fifteen percent. In short, magulo kang kausap Edward.” Mahaba at
magulong paliwanag nito.

VALENTINES DAY ( FIT TO MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon